07

5.9K 355 208
                                    

• 🏐 •

Nagpatuloy ang game na walo ang lamang ng Westmore sa 'min. 18-10. Ang nasa isip ko ng mga oras na iyon ay kung matatalo man kami ngayong set 2 ay at least maidikit namin ang score para kahit paano ay may momentun kaming dadalhin sa set 3.

Huminga ako nang malalim habang tinitignan ang defense pattern ng Westmore. Gaya ko ay nasa front line din iyong setter nila na si Ventura. Kumpara sa mga kasama niya sa harap, siya iyong mas maliit kaya mas maganda kung sa kaniya ipapadaan ang palo ng spiker ko.

Siguro ay natagalan ako sa pagtingin sa kaniya kaya napatingin din siya sa 'kin.

Napakurap ako no'ng tinanguan niya ako saka nginitian.

Hala... ngumiti siya sa 'kin...

Tumango lang din ako at nag-iwas ng tingin. Bigla akong nahiya. Hindi ko rin kasi inasahan na gagawin niya iyon. At bilang fan, natuwa ako na in-acknowledge niya iyong presensya ko...

Grabe... nginitian ako ng isa sa mga best setters ng men's collegiate volleyball ngayon.

Nakakatuwa.

"Eighteen serving ten!"

Nagsigawan ang mga tao lalo na no'ng mag-jump serve iyong number nineteen ng Westmore. Iyon din talaga ang napansin ko sa kanila. Lahat sila ay marunong at magaling sa jump serve. Talagang kahit sa service line pa lang ay parang umaatake na agad sila.

Buti na lang ay maayos na na-receive iyon ni Kuya Benny. Humakbang ako saka tinitigan ang bola na nasa ere.

"Nice pass!" Sigaw ni Coach Al sa sideline.

"Seb!" Rinig kong tawag ng kung sino.

Nandito pa rin iyong kaba kasi Westmore University itong kalaban namin pero mas lamang na ngayon sa 'kin iyong excitement at adrenaline na maglaro. Sabi ko nga kanina, kapag pinasok ako ngayon, ilalaban ko talaga. Binigyan ako ng tiwala nina coach kaya dapat ay hindi ko sayangin iyon.

Tinaas ko ang mga kamay ko saka mabilis na nilingon ang depensa ng kalaban. Nag-e-expect ang Westmore ng hard ball mula sa 'min at nakabantay na iyong blockers nila kay Kuya Nico.

Instruction ni coach na lahat ng spikers ay dapat um-approach. Mabilis kong tinignan si Kuya Eric na nasa open. Si Kuya Oliver na nasa middle. Si Kuya Ian sa backrow. At si Kuya Nico para sa D-ball.

Kanino ko ibibigay iyong bola?

Kung kay Kuya Nico, bantay sarado na siya ng blockers. Good blocking team ang Westmore kaya malaki ang chance na ma-block siya. O kung hindi man ay made-deflect naman ang palo niya at magkakaro'n ng opportunity iyong si Ventura na makagawa ng play.

Isip, Seb!

Hanggang sa magkatinginan kami ni Kuya Eric. At doon na ako nag-decide na magko-combination play kami.

Tinago ko muna iyong mga daliri ko at nanataling tuwid ang tayo. Sa ganitong paraan ay hindi agad malalaman ng blockers ng kalaban kung kanino ko ibibigay ang bola.

Gano'n lang ang ginawa ko hanggang sa huling segundo bago bumaba iyong bola sa 'kin.

"Opposite!" Rinig kong sigaw ng isa sa players ng Westmore.

Pero napangiti na lang ako kasi nagkakamali sila. Nilabas ko na iyong mga daliri ko at saka nag-jump set. Tumalon si Kuya Oliver para sa decoy at nakuha niya iyong blockers ng Westmore. Pinanood ko iyong bola na mabilis na napunta kay Kuya Eric. Si Ventura na lang ang blocker niya at napatalon kaming lahat nang malinis niyang napalo iyon. Down the line attack!

"Nice one!"

Rinig na rinig ko iyong sigawan ng mga teammates namin habang nagse-celebrate kami sa gitna. Akala mo ay nanalo na kami sa sobrang saya. Pero sa totoo lang, kinabahan talaga ako. Nakahinga na rin nang maluwag kasi na-execute namin nang maayos iyong play.

Jersey Number NineWhere stories live. Discover now