13

6.9K 416 343
                                    

• 🏐 •

"Seb?"

"Lance..."

Hala, nandito si Lance Ventura!

Halos mapatayo ako nang makita siya. Malaki ang ngiti niya habang diretso rin ang tingin sa 'kin kaya medyo nahiya ako. Hindi ko alam pero siguro kasi ay hindi ko inasahan na makikita ko siya rito.

Teka, oo nga, 'no? Anong ginagawa niya malapit rito sa Northville? Alam ko, may kalayuan ang Westmore dito, e.

"You've got to be fucking kidding me..." rinig kong bulong ni Kuya Nico.

Saglit akong napatingin sa kaniya at halos sawayin ko siya kasi ang sama ng tingin niya kay Lance. Para siyang batang inagawan ng pagkain. Bakit naman ganito siya makatingin sa setter ng Westmore? Magka-away ba sila? Parang lahat na lang ay kaaway ni Kuya Nico.

Mula kay Bok, sa pinsan niyang si Roen Alejo, iyong hoodie ni Uno, minsan ako, tapos ngayon naman ay si Lance Ventura.

From living things to non-living things!

Kulang na lang ng halaman at kumpleto na niya iyong sa living things, e. May tao na kasi tapos meron na ring manok.

"It's nice seeing you here," sabi niya sa 'kin na hindi pa rin naaalis ang ngiti. Kitang-kita tuloy iyong dimple niya sa kaliwang pisngi.

Hindi ko alam pero pumasok sa isip ko iyong tanong sa 'kin kanina nina Uno. Kung ano raw ba ang tipo ko. Maliban ba sa mapula ang labi, counted din ba kapag may dimple?

Ang... cute kasi. Parang ang sarap tusukin...

Tapos ang pula rin ng labi niya. Nangingibabaw iyon sa maputi at makinis niyang mukha.

"Siya iyong setter ng Westmore, 'di ba?" Si Uno na biglang na-excite at namangha sa bagong dating. Tumayo pa nga siya at kulang na lang ay lapitan si Lance kung hindi lang siya hinila ni Marky paupo.

Mahinang natawa si Lance. "Hi. Lance Ventura," pakilala pa niya.

"Juan Miguel pero Uno na lang! Gago! Hindi ako setter pero idol kita! Walang wala si Harold sa 'yo!"

Pinagtitinginan kami ng ibang customers doon nang maging fanboy bigla si Uno. Ang lakas ng boses niya! Hindi na maawat ni Marky. Kinuha pa niya iyong kamay ni Lance para makipag-shake hands. At kung may dala lang siguro siyang ballpen at papel ngayon ay baka nagpa-autograph na rin ang loko.

Nagtawanan sina Kuya Nolan habang nagkatinginan na lang kami ni Marky sabay iling kasi kami na ang nahihiya para kay Uno. Dinamay pa ang walang kamalay-malay na si Kuya Harold. Buti na lang ay mukhang mabait si Lance na natatawa lang sa ginagawa ng roommate ko.

Pagkatapos ay pasimple ko namang tinignan si Kuya Nico na nahuli kong nakatingin na pala sa 'kin.

Napakurap ako lalo na no'ng sumimangot siya.

"Bakit?" Tanong ko sa kaniya pero walang boses iyon.

Pero umiling lang siya.

Ano na naman kayang problema ni sir?

"Layo ng narating mo, Lance, a?" Si Kuya Oliver.

"Magkakilala kayo?" Tanong ni Uno na nahinto saglit sa pagfa-fanboy.

"Classmates kami no'ng high school."

"Oo nga, 'no? Ang layo ng Westmore dito, a? Anong ginagawa mo rito?" Tanong naman ni Kuya Pat. "Hulaan ko, naghahanap ka ng chicks, 'no?"

Natawa si Lance sabay tingin sa 'kin.

Napakurap naman ako at naramdaman kong nag-init ang mukha ko. Hala, nakatingin siya sa 'kin!

Jersey Number NineWhere stories live. Discover now