09

6.5K 436 295
                                    

• 🏐 •

Ang inisip ko na lang kung bakit nagmamadaling umalis no'n si Kuya Nico ay baka bigla siyang tinawag ng kalikasan.

Pulang-pula rin kasi iyong mukha niya.

Sana lang ay hindi na siya galit kay Bok. Nakita naman na niya kung gaano ka-cute ang anak ko. Picture pa lang ay kita na kung gaano iyon kaamo at mukha talagang hindi marunong manuka. Kung hindi pa rin gumana ang charm ni Bok sa kaniya, si Kuya Nico na ang problema.

"Good evening po," bati ko sa mga teammates ko kinagabihan pagdating ko sa Northville gymnasium para sa training namin.

"Good evening, Sebby boy!" Halos sabay-sabay nilang bati rin sa 'kin.

Nilapag ko iyong duffel bag saka nilibot ng tingin ang paligid. Wala pa iyong coaching staff at kami-kami pa lang ang nandito. Hinanap ng mga mata ko si Kuya Nico kasi baka magalit na naman iyon kapag hindi ako nag-hello sa kaniya.

Naabutan ko siyang mag-isang nakaupo sa kabilang part ng court at nagsisintas ng sapatos. Kaya kinuha ko iyong dalawang piraso ng saging na binili kanina sa convenience store mapalit sa dorm saka dahan-dahan akong lumapit sa kaniya.

Naramdaman niya siguro iyong paglapit ko kaya tumingala siya. Nagkatinginan agad kami kaya binigyan ko siya ng maliit na ngiti. Wala rin sa sarili akong kumaway sa kaniya.

Iyon nga lang... hala, bakit bigla siyang namula?

Buong mukha niya, parang kamatis na naman!

Naiinitan pa rin ba siya hanggang ngayon?

O tinatawag na naman siya ng kalikasan?

Grabe... lumapit lang ako, natatae na siya? Mukha ba akong inidoro? Hindi ko alam kung maiinsulto ako o ano.

Umawang ang labi niya at mabilis na nag-iwas ng tingin. Parang bigla rin siyang nataranta at hindi malaman ang gagawin.

Anong nangyayari sa 'yo, sir?

Iyon sana ang gusto kong itanong kaso baka lalo lang siyang mataranta at matae.

"Hello," sinabi ko ang mandatory greeting ko sa kaniya.

Nakita kong kumurap siya nang ilang beses pero hindi pa rin makatingin sa 'kin. Napakurap na lang din ako nang bigla niyang tanggalin iyong pagkakasintas ng sapatos niya tapos sinintas niya ulit.

Hala... ano iyon?

Tapos hindi niya rin pinansin iyong bati ko.

Hindi niya rin ako binati pabalik.

Para tuloy akong ewan do'n na nakatayo lang habang pinapanood siyang nagsisintas. Ang awkward pa kasi may hawak pa akong dalawang saging...

Hindi ba niya ako narinig? Imposible. Nagkatinginan pa nga kami kanina, e. Ano ba naman itong si Kuya Nico. Gusto niya ba, ulitin ko iyong pagbati sa kaniya?

Pinagti-trip-an na lang yata ako nito.

Pero para wala nang maging problema, inulit ko na lang.

"Hello," tumikhim ako.

Hindi ko nga lang alam kung matutuwa ba ako o maiinis no'ng tumango lang siya. In-acknowledge na niya iyong greeting ko pero hindi pa rin niya kasi ako tinitignan. Dati naman, nakatingin siya sa 'kin. Ako na nga lang ang sumusuko kapag lumalalim iyong tingin niya, e.

Napansin ko rin na ang bagal pa ng pagsisintas niya. Kumunot ang noo ko habang pinapanood siya ro'ng parang hirap na hirap sa ginagawa. Ano, hindi na siya marunong magsintas? Kanina kasi, okay na iyon, e. Nakasintas na tapos tinanggal niya ulit.

Jersey Number NineWhere stories live. Discover now