Chapter One

410 6 0
                                    

Misha Laurel's POV

Kasama ko ngayon si Seon, ang lalaking sinaktan ng sobra sobra ng kaibigan kong si Keyla. Sa totoo lang, gusto ko silang pag-untugin na dalawa dahil sa mga katangahang pinaggagagawa nila sa mga buhay nila.

"So anong plano mo?" Tanong ko sa kanya. After nilang mag-usap nung graduation namin sa highschool, hindi ko na nakausap pa ng maayos si Keyla.

"Basta," He smiled sweetly, pero hindi nya maitatago sakin ang bitterness nya. Tss, "Aalis ako at pupunta sa California, dun ako magco-college."

"Hmm..."

"Nga pala, may gusto akong itanong sa'yo." He seemed serious, isang bagay na minsan nya lang gawin. Ewan ko ba, minsan kasi clown ang tingin ko kay Seon. I never took him seriously, madalas kasi syang umarte na parang isang bata.

"Nagtatanong ka na," Masungit na sabi ko sa kanya. Nginitian nya lang ako at uminom sya mula sa frappe nya, mag pa-suspense pang nalalaman tong isang to na akala mo naman nasa teleserye sya.

"Para sayo," Ibinaba nya ang frappe at bumuntong hininga, "ano ba ang totoong kahulugan ng pag-ibig?"

Kamuntik ko nang maibuga sa kanya ang kapeng iniinom ko, joke ba yun? Sa lahat ng taong tatanungin nya, bakit ako pa? Eh ano bang alam ko sa pag-ibig pag-ibig na yan???

"Anong tingin mo sakin? Google?"

"Sige na, wala namang mawawala sayo kung sasagutin mo."

Ayokong sagutin, kasi wala akong maibigay sa kanya na logical na sagot. Hindi ko alam kung anong totoong ibig sabihin ng pag-ibig, I don't know anything about love. Okay, I love my family and my friends but... yun lang ba ang pag-ibig?

I heard there are a lot of things a person would be more than willing to do for love. I'm curious, how does it feel to love someone so hard?

"So, ano na?" Tanong nya uli sakin,

"Love is undefinable,"

Yes, love is undefinable. Sa dinami rami ng quotes sa mundo, sa dami ng philosophies, theories, and scientific explanation ng love... wala pang nakakatama. Walang tama kasi ang mga quotes, philosophies, theories, and scientific explanation nila tungkol sa love ay hindi applicable sa lahat.

Iba iba kasi yun sa bawat tao, and I've witnessed different types of love from different people. You see, I may be the main character of this story but its plot does not revolve around me. This is not mine, this is my Friends' Love story.



Ten Months ago...



Naglalakad ako ngayon sa hallway nang narinig ko ang dalawang babaeng nagtsi-tsismisan. Wala akong paki sa kanila pero Napahinto ako kasi nag-vibrate ang phone ko dahil may nag-text.

I accidentally heard their conversation.

"Ayan na naman yung babaeng sobrang bigat magsalita, akala nya lahat ng problema eh kaya nyang bigyan ng solusyon. "

Narinig kong sabi nung babae kaya naman nagpantig ang tenga ko. Nilapitan ko sila na ikinagulat naman nila. Pero Hindi ko sila aawayin. Asa! Tsk, pagsasabihan ko lang sila.

"Good morning dears," I looked at their I.Ds at nakita ko na 3rd years pala sila. "Judging me won't make you perfect, so stop doing it because it only adds to your million flaws." Sabi ko habang nakangiti tapos umalis na ako.

My Friends' Love storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon