Chapter Fouteen

43 0 0
                                    

Misha Laurel's POV

Magkakasama kami ni Sophie at Keyla na naglalakad papuntang Faculty dahil inutusan kami na magdala ng quiz papers namin papunta ron. Kaso, nakita ko si Julie sa may garden na nakatulala at mukhang nagre-reminisce.

Napahinto ako sa paglalakad at tinitigan ko lang si Julie. Hindi nya ba naiisip na nagmumukha syang baliw?

"Hoy Misha, anong tinatayo tayo mo dyan?" Tanong ni Keyla sakin.

"Mauna na kayo, susunod ako."

Hindi na sila nakipagtalo pa, umalis na lang sila at hinayaan na ako. Bumuntong hininga muna ako bago ko nilapitan si Julie at umupo ako sa tabi nya. Napatingin naman sya sakin,

"Anong drama yan?" Nakataas ang kilay na tanong ko.

Tumingin sya sa kawalan at ngumiti ng mapait.

"Wala, naaalala ko lang yung mga panahong nanliligaw pa si Ivan sakin. Kahit pa ilang araw lang yun..."

I watched as her eyes flickered with sadness. Nanghihinayang parin sya sa paghihiwalay nila ni Ivan.

"Sobrang effort nya Mish. Kaya hindi ko maisip na papalitan nya ako. Si Miley pa?! Hello, maganda ako sa kanya mula ulo hanggang paa." Napahagulgol sya sa iyak habang tumatawa at sumandal naman sya sa balikat ko habang ako ay hinahaplos ang likod nya.

"Eh ang problema hindi mo naman naipakita ang kagandahan mo sa kanya ng mula ulo hanggang paa." Pagbibiro ko kaya marahan nyang hinampas ang isang hita ko.

"Mish naman eh!!" Maktol nya.

I just chuckled, ayoko syang makitang umiiyak. It makes me more angry at Ivan.

"Haay naku Julie. Maraming tao ang maeffort sa umpisa, pero kung kayo na hindi mo na madama."

Hinayaan ko lang syang umiyak. Kahit hindi kami laging magkasama kasi busy sa school at malayo ang classrooms namin, mahal na mahal ko parin ang bestfriend kong to.

Itinurin ko syang nakababata at nakakatandang kapatid. I let her guide me just as she lets me guide her.

"Ang hirap mag-move on!!" Sigaw ni Julie.

Buti na lang at walang taong dumadaan dito kasi kung hindi, malamang ay napagkamalan nang baliw ang babaeng to.

"Ang pagmo-move on, parang paggising sa umaga. Mahirap pero kailangan."

***

Nags-scroll ako sa facebook ko habang kumakain kami ng snacks nina Sophie at Keyla dito sa Canteen nang makita ko ang pinost ni Sophie 4 hours ago. Which means, nung nasa faculty sila.

"Ano ba tong pinost mo Sophie?"

Nagtanong naman si Keyla kung ano raw ang pinost ni Sophie kaya naman pinakita ko kay Keyla ang phone ko.

"Bakit? Anong masama sa pinost ko?" Dahan dahan at malumanay nyang sabi sakin habang kumakain ng burger.

"I'm loyal naman guys, diba? Bakit single parin ako? #Single #WhyOhWhy? Hahahahaha! Pfft, ang arte mo Sophie." Tawa ng tawa si Keyla kaya sinamaan sya ng tingin ni Sophie.

Pinigilan ko na lang ang tawa ko kaya naka-pout na tumingin sakin si Sophie.

"Grabe naman kayo..." Tapos pinagpatuloy nya na ang pagkain.

"Alam mo kasi, ang pagiging Loyal, hindi pinopost kundi inuugali."

Pero si Keyla ay hindi parin nakaka-move on. Though hindi naman gaanong nakakatawa yung post pero who am I to judge? Keyla is normally beyond normal. Keyla and I are beyond normal.

"Ang pagiging single rin, sinasarili yan at hindi pinopost. Ano yan? Bugaw sa sarili?" At dun ko na nga sinamahan sa pagtawa si Keyla.

At nang maka-move on, napailing iling na lang kami habang inis na nakatingin sa aming dalawa si Sophie.

"Hindi ko akalaing may silbi rin naman pala sa lipunan ang hugot mo Mish." Sabi ni Keyla.

"Ofcourse," Pagsang-ayon ko.

"Pero si Meriam Santiago naman ang nagsabi nun eh." Naka-pout na malamyang sabi ni Sophie. Hindi sya cute, mukha syang askal na walang matirhan. Hahaha lol.

"Kahit na, it's still a fact Solenn Pherina."

***

"Ivan, hindi mo dapat balikan si Julie! She's a stiff! Ni hindi ka nga ata nya mahalikan ng maayos!" Nakarinig ako ng sigawan mula sa isang classroom.

Hapon na ngayon at bumalik lang ako dito sa school para kunin ang naiwan kong lunchbox. Sabi kasi ni Manang, ako daw ang paghuhugasin nya nun bukas pag hindi ko pa yun kinuha ngayon.

"Miley, hindi mo ba maintindihan?! Ayoko na! Gusto ko si Julie! Hindi lang yung katawan nya pero sya mismo!"

"Hindi! Hindi mo yan gagawin! Ivan!!!" At nakita ko na ngang lumabas si Ivan ng classroom na hindi man lang ako napapansin.

Napako ako sa kinatatayuan ko hanggang sa lumabas si Miley at sinigaw pa ang pangalan ni Ivan pero hindi na sya nito nilingon.

"You look pathetic," Hindi ko na napigilang magsalita.

Miley turned to me and I got a better view of her front. Bukas ang first three buttons ng blouse nya kaya kitang kita ko ang pink push up brasierre nya.

"Kanina ka pa ba dyan?!" Pagtataray nya sakin kaya nginitian ko sya. Yung tipong maiinis sya.

"Just in time for me to hear how pathetic you are." Mas lalong pang-iinis ko sa kanya.

Honestly, I pity this girl. Ibinababa nya ang sarili nya para lang sa mga nakakasukang bagay.

"Hindi ako pathetic, pinapa-realise ko lang sa kanya ang totoo. Na walang kwenta ang bestfriend mo, nahawa kasi sya sayo."

Imbis na mainis, mas lalo ko lang syang nginitian dahil nakaisip ako ng isang hugot na mas ikaiinis nya pa.

"May mga panahon na kahit ano pang gawin natin para mapasaya ang isang tao, hindi mo parin magawa. Bakit? Simple lang. Hindi ikaw ang kailangan."

And with that, umalis na ako kasi mukhang hihilahin nya na ang buhok ko. Hello? Ang hirap kayang magsuklay.





May nagbabasa pa ba ng story na to? Yuhoo, comment ka naman.




Vote, Comment & Be a Fan




My Friends' Love storyWhere stories live. Discover now