Chapter Three

98 3 0
                                    

Misha Laurel's POV

Our exams went by in a blur, and as expected, napasa ko naman lahat ng subjects ko sa awa ng Diyos. Kahapon, nakapag-usap kami ni Seon at sinabi ko sa kanya na tutulungan ko sya kay Keyla. It's not that I believe in forever or everlasting love, gusto ko lang na ma-experience ni Keyla ang idea ng lovelife.

Alangan namang hayaan ko lang na maging ignorante sya sa pag-ibig?

"Mish?!" Napahinto ako sa paglalakad dahil narinig ko ang boses ni Julie.

Wala na akong balita sa kanya o sa kanila ni Ivan. All I know is that Miley is already flirting him and I have this feeling that he lets her. Boyfriend ni Julie si Ivan, and despite all of the times that I told her not to entertain that stupid specimen, my idiot of a friend still dated him. And right now? I bet Ivan is already cheating on her.

 Pero hindi ko sasabihin kay Julie. Para saan pa? Will she listen to me if I do? Hindi. Matigas ang ulo nyan eh, hindi yan naniniwala at the more na pipigilan ko, the more na gagawin nyan ang gusto nya.

Atsaka ang tanga nya naman ata kung hindi nya mapapansin ang signs, diba? Paano na lang kung wala ako? Nganga na lang sya palagi sa pag-ibig? Ganun?

"Misha naman!" Hinablot nya ang braso ko kaya napaharap ako sa kanya.

Oh wait, paano pala kung hindi nya alam ang signs kung niloloko na sya ng boyfriend nya? I mentally face palmed my face. Syempre hindi nya pa alam. Julie is one innocent toddler, hindi pa dilat ang mga mata nya sa katotohanan.

Sa katotohanang Walang FOREVER. And even if I wake her up, she'll refuse. Paano naman kasi, halos lunurin ng babaeng yan ang sarili nya sa Disney channel at kay Sofia The First. Oh edi paniwalang paniwala sya sa Happily ever after. Mukha syang tanga.

"Pwede ba tayong mag-usap? Paano mo ba ako nagagawang tiisin ng ganito? Bestfriend mo ako, at hindi ko alam kung bakit mo ginagawa sakin to." Her eyes got teary, I wanted to hug her but I didn't. Hindi sya matututo kung lagi ko na lang syang pagbibigyan.

"How are you so sure with Ivan?" I asked her.

Kumunot naman ang noo nya and a moment passed by before she spoke.

"Tungkol ba sa kanya to, Mish? Sabihin mo nga sakin, may gusto ka ba sa boyfriend ko?"

May bahid ng pagkainis ang boses nya. Pero wala akong planong patulan yun. Dahil hindi ko naman talaga sya pinapatulan everytime she throw tantrums at me.

"No, wala akong gusto sa kanya. I just want you to know that if Ivan is cancelling your dates, forgets important things about your relationship, texts someone when you're with him, and forget about you when you're not around... well, he's cheating on you."

Then I left her. Julie might be stupid at times but she's not a moron. Sooner or later, kung totoo nga ang hinala ko, sya na mismo ang makikipaghiwalay kay Ivan.

But what if its the other way around? Paano kung si Ivan ang makipaghiwalay para kay Miley? I sighed, I'm going to break that bastard's neck!


***


My mom and Dad are gone again, bumalik na sila sa States. Leaving me with Manong and Manang. But its fine, they're doing it for me anyway.

Nandito ako ngayon sa isang restaurant, its not that expensive pero maganda naman dito at masarap ang mga pagkain. But I'm not eating. Ngayon namin gagawin ni Seon ang plano ko. Or maybe it should be ngayon nya gagawin ang plano ko.

I just hope he won't screw it up. The main door opened and there goes Keyla, my smartass computer addict friend. Nakita kong dinala sya ng receptionist sa table ni Seon, her eyes widened when she saw him.

Seon smiled at her, shyly. But then he recovered and said something to her. Tumayo si Seon and helped Keyla take a seat. Okay, he's a gentle man. Mabuti naman.

Buti na lang naka-wig ako kaya okay lang na lumipat ako ng table, lumipat nga ako kasi I can't just rely on what Seon and Keyla will tell me afterwards. Nakatalikod ako kay Keyla at nakatalikod rin sya sakin.

I ordered as the waitress approached me, ayoko namang maging obvious dito na nakikichismis kina Keyla.

"May nangyayari ba sa inyo ni Misha?" Tanong ni Keyla kay Seon.

Tsk, ano namang mangyayari sa amin ng lalaking yan? Excuse me, hindi ko type ang mga lalaking nawawala ang mga mata pag ngumingiti!

"Wala, magkaibigan lang kami at tinakot nya ako ngayon para samahan ka."

Tinakot? Eh gustong gusto mo ngang maka-date si Keyla eh, hipokrito! Medyo gusto ko silang pag-umpugin dalawa, bakit ako ang topic nila? Shouldn't they be talking about themselves?

"Napilitan ka lang pala... well, kung nakakaabala pwede naman akong umalis." Narinig ko ang paggalaw ng upuan ni Keyla pero alam kong hindi sya tumayo. Malamang pinigilan sya ni Seon.

"No, hindi ako napipilitan. Ang totoo nyan, pumayag rin ako kasi gusto kitang makilala."

Infairness, marunong din naman palang duma-moves itong si Seon. Akala ko lalampa lampa eh, hehe.

"Pero alam mo kung na----"

"I said its fine, please Keyla. Sayang naman ang biyahe ko kung hindi man lang tayo kakain," Seon said.

Hindi, ang effort ko ang masasayang kung hindi man lang kayo mag-uusap na dalawa! Pakipot pa eh inlove naman yang si Seon! At konting tulak na lang sa bangin, mahuhulog na yang si Keyla! Sus, feeling chicks din yang dalawang yan eh.

Nanatili lang akong nakikinig sa kanila habang kumakain. At hindi na ako makasabay, they're talking about that anime thing. One piece ba yun? Duh, iisang one piece lang naman kasi ang alam ko. At bathing suit yun!

I sighed at tumayo na pagkatapos kong magbayad, but I stopped in my tracks when I overheard a girl.

"Kung kailangan mo ng time and space, handa akong ibigay yun sayo..."

Hinanap ko ang pinagmumulan ng boses at napunta ako sa malapit na garden ng restaurant. Nakatalikod ang isang babaeng medyo matangkad, may pagka-morena, bagsak ang buhok at naka-dress ng light blue.

Nag-cross arms ako, sa pagkakarinig ko ay parang boyfriend nya ang kausap nya. Ex maybe? At since libre naman ang advice ko, why don't I shower this girl with the blessing of hearing my voice?

"Handa akong maghintay... Alam kong kaya pa natin to, magtiwala ka lang... Thank you... Bye, I love you."

Dahan dahan nyang ibinaba ang phone nya at narinig ko ang mumunti nyang hikbi.

Yan ang ayaw ko sa love eh. Pinapahina ka na, kadalasan ay pinagmumukha ka pang tanga.

"You're pathetic, y'know that?" Hindi ko na mapigilang magsalita.

Kahit hindi ko pa alam ang buong kwento, yun lang talaga ang pumasok sa isip ko. Can you blame me? I'm only human, I judge and I am being judged.

Dahan dahan syang lumingon sakin, with puffy eyes. Dahan dahan nya ring pinunasan ang luha nya at tumingin sakin na may pagtatanong sa mga mata.

"S... Sino ka?" Malumanay nyang sabi.

Bakit pakiramdam ko walang energy sa boses nya? Okay, baka bunga ng matinding heart break at break down.

"I'm your Love Doctor," Nakangising sabi ko sa kanya.








Okay? Sino kaya itong babaeng ito? Is she a new character or extra at napadaan lang din sa buhay ng ating loveless na bida?

You guess!!!




Vote, Comment & Be a Fan

My Friends' Love storyWhere stories live. Discover now