Chapter Seventeen

33 1 0
                                    

Misha Laurel's POV

Nakakainis! Nakakainis ang Marcus na yun! Sobrang kapal ng mukha nya. Nabalitaan ko rin na player ang isang yun sa dati nyang school. Ang dami dami na raw nun napaiyak na babae.

Tsk, tapos ako pa talaga ang gusto nyang paglaruan ngayon? Nababaliw na ba sya? Si Misha Laurel paglalaruan nya?

"Mish, sigurado ka bang makikipag-date ka sa kanya?" Tanong ni Keyla sakin.

Nandito kasi sila sa bahay para gawan ako ng excuse kay Manang. Alangan namang sabihin ko na makikipag-date ako? Hindi kaya ako nun isilid sa sako at pausukan.

"Oh My G!!! Baka may spark na kayo nyan, di mo lang sinasabi..." Sophie squealed kaya inismiran ko sya.

"Tumigil ka nga. Spark spark, ayoko pang makuryente noh!"


***


Kaharap ko na yung lalaking inisahan ako nung isang araw. Kung sa iba nya yun ginawa, malamang ima-matchmake ko pa sila. Kaso bitch please. Sa kamalas malasan, ako pa talaga ang pinuntirya nya.

May nangyari na namang batuhan ng salita kanina. Gusto nyo ng sample? Oh eto...

Sya: Kung ako sayo, magreview ka na. Kasi mamaya pasasagutin na kita.

Ako: Nakakita ka na ba ng impakto?

Sya: Hindi pa. Naniniwala ka dyan?

Ako: Aba, subukan mo kayang tumingin sa salamin.

Sya: Sus. Gwapong gwapo ka lang sakin eh.

Ako: Nasa impyerno na ba ako?

Sya: Ang hot ko, noh?

Ako: Demonyo kasi tong kausap ko.


"Sa totoo lang, hindi kita gusto." Napaawang ang mga labi ko dahil sa sinabi ng presko na to sa harap ko.

Kumakain na kami ngayon. I tried to hide the shock written all over my face. Ayoko namang mapahiya, baka mamaya kung anong isipin ng isang to.

"Ah talaga? The feeling is mutual. Kasi hindi rin kita gusto." Poker face na sabi ko.

Ngumisi sya at uminom sa shake nya. Tsk, hindi nya naman pala nya ako gusto. Eh anong trip nya?

"Ako si Marcus Salazar, pinsan ako ng mga kapatid ni Miley."

Ah, so pamangkin pala to ng napangasawa nung nanay nung bruhang yun.

"Connected naman pala kayo ni Miley, kaya bakit mo ginagawa to? I'm her enemy, magagalit sya sayo for sure."

Ngumiti sya. Hindi ko alam kung anong naglalaro sa isip nya at naiinis ako ron.

"The catch is, sya mismo ang nag-utos sakin na gawin to. Gusto nyang ligawan kita, then I'll dump you."

Wow, lakas makaplano. Minaliit ata nila ang Shield against love ko!

"Dump me? For your information, mister. I don't like you."

"Yun na nga, hindi mo ako gusto. Miley has something I need to have, at ibibigay nya lang yun sakin sa oras na makita nyang nagugustuhan mo na ako." Sabi nya sakin.

Hmm, grabe naman pala ang kayang marating ng inggit ni Miley sakin. Kung sabagay, nakaya nya ngang ihain ang katawan nya kay Ivan eh. Eto pa kaya?

"Gusto mo akong magkunwari, ganun ba?"

"Yes,"

Ang hirap naman ata nun, hindi kasi ako sinilang na plastic. Bitter nga raw kasi ako, diba?

"At ano namang makukuha ko kung sakaling tulungan kita?"

He smiled, as if knowing that one way or another I am still going to ask him that question.

"Kahit anong gusto mo na kaya kong ibigay."

Dalawang bagay lang naman ang gusto ko. At alam kong kayang kaya nya yung ibigay sakin.

"Dalawa lang naman ang kailangan ko mula sayo. Una, gusto kong malaman kung ano pa ang ibang dahilan ni Miley kung bakit nya to ginagawa sakin. What she's doing is below the belt. Hindi na lang to basta product ng inggit."

True, I always thought that this is not just a pity jealousy. This is so much more.

"Okay, susubukan kong kunin ang mga impormasyon mula sa kanya. And the second will be???"

"Saka ko na lang yun sasabihin, pag-iisipan ko muna." Sabi ko sa kanya.

And the night ended the way I never expected it to end. Akala ko ay isang gabi ko lang kailangang tiisin ang damuhong yun. Kailangan ko syang tiisin ng isang buwan.

Maabutan pa ako ng pasko! Jusko naman. Pero kailangan ko tong gawin. Pikon na pikon na ako kay Miley na pati ang kakayahan kong protektahan ang sarili ko laban sa pag-ibig ay minaliit nya.


***


Lunes ngayon at maaga akong pumasok. Kung bakit? Kasi maaga akong nagising at hindi na ako nakatulog pa uli. Wala pa si Keyla at mukhang male-late ang bruha kaya naisipan ko muna na maglibot libot sa buong campus.

Hanggang sa makarating ako sa may likod ng faculty.

"Hay naku grabe, ang gwapo gwapo talaga ni Troy! Girl, sobrang bait nya. Mula bata pa kami, hanggang ngayon ay hindi talaga sya nagbago. Geez, sya na ata ang soulmate ko."

Soulmate? Duh, walang forever. Tsaka may tao bang hindi nagbabago. Ika nga, nothing is permanent except change.

"Kahit gaano pa katagal ang pinagsamahan nyo, darating at darating din sa point na maraming magbabago."

Sabi ko kaya napatingin naman sila sakin. Teka, I wasn't supposed to say it outloud. But oh well, nasabi na ang nasabi. I just smiled at her and greeted her a good morning. That girl's name is Niña, I think. Kilala ko sya dahil minsan nya nang nai-share sakin ang matinding pagkagusto nya ron sa Troy na yun.

Base sa mga storya nya, mabait naman yung lalaki. But I don't believe that someone coould possibly be that kind.




Hahaha! Naloko ka ni Marcus, noh? Akala nyo magiging sila ni Misha! Pero akala lang nga ba?

Read more to find out!




Vote, Comment & Be a Fan


My Friends' Love storyWhere stories live. Discover now