Chapter Twenty-two

32 0 0
                                    

Misha Laurel's POV

Naglalakad lakad kami ngayon ni Keyla at Sophie kasi may event na nangyayari sa Hall pero hindi naman namin trip nang biglang nakita ko si Marcus. Alam kong nakita nya rin kami pero for some stupid reason ay umiwas sya.

"Guys, kita na lang tayo sa canteen." And before they could ask me questions, I walked away.

Tumakbo ako papunta kay Marcus at tinawag ang pangalan nya kaso binilisan nya pa ang paglalakad.

"Marcus!"

Naghabulan lang kami at nang makarating kami sa intersection ay nakaisip ako ng paraan para mas madali ko syang maaabutan.

Ginamit nya ang hallway samantalang short cut naman ang ginamit ko para pagdating ko sa unahan ay magkakasalubong kami pagliko nya.

Dineretso ko lang ang daan pagkatapos ay lumiko ako hanggang sa makita ko si Marcus na nakatalikod, mukhang napansin nya na na hindi na ako nakasunod sa kanya.

"Marcus!" Tawag ko sa kanya sabay hawak sa braso nya.

"Tang*ina!" Sigaw nya dahil sa gulat.

"Wag mo akong iiwasan, you still owe me something." I said with a warning tone.

"Hindi porket hindi ka sinisingil, hindi ka na magbabayad. Saan mo naman kinukuha ang kapal ng mukha mo?" Dagdag ko pa.

Mariin syang napapikit na parang frustrated na frustrated na talaga sya. Well, ako rin. Frustrated na rin ako! Sino bang hindi when someone out there is mad of me and is ready to do everything just to piss me off! At ang mas malala? Hindi ko alam kung bakit nya yun ginagawa sakin!

"You won't like what you're going to hear." Seryosong sabo nya sakin.

"Well, try me." Panghahamon ko sa kanya.

Ako si Misha Laurel, Miley's silly reason won't shock the hell out of me.

"Alam mong dating prostitute ang Mama ni Miley, yes that's true. Pero kilala ni Miley ang Tatay nya, ang lalaking kailanman ay hindi sya kinilala."

So? Paki ko naman sa Family history ni Miley? Yumuko si Marcus at may kinuha sa pitaka nya, isang picture. Iniabot nya yun sakin pero tinaasan ko muna sya ng kilay bago ko yun tinignan.

"I've been keeping this from you for days, pero mukhang panahon na para malaman mo. Miley is just hurt, kaya nya nagagawa sayo to."

Kumunot ang noo ko at ibinaba ko ang tingin ko sa picture. Litrato ng Mama ni Miley... at ng Daddy ko.

Nakaakbay ang Dad ko sa Mama nya at pareho silang nakangiti. This picture looks old and my Dad looks young, maybe this photo was taken before I was born.

"Magkapatid kayo."

Realisation struck me like a speeding bullet. This is far from what I have expected!

"No, no, this can't be real! No! Nagsisinungaling ka!" I shouted at his face then run, I ran as fast as I could.

Hindi pwedeng kapatid ko si Miley, hindi ko matatanggap! That bitch?! She can't be my sister!

***

Hindi ko alam kung paano ako nakarating dito sa bahay, basta ang alam ko lang ay tumakbo ako ng tumakbo. Hindi ko to kayang tanggapin! I never thought that it'll be this complicated! Sana pala hindi ko na lang hinabol si Marcus!

Sana pala hindi ko na lang ginustong malaman ang rason ni Miley! Para naman hindi ko na nalaman pa. Mas mabuting isa na lang yung lihim. Masaya na ang pamilya namin eh. Bakit kailangang may ganito pa?

Bumukas ang pinto at iniluwa non si Manang na may dalang tray, kasama nya si Keyla.

"Sige po ako na hong magpapakain sa kanya." Sabi ni Keyla kay Manang.

Iniwas ko ang tingin ko sa kanilang dalawa, ayokong makipag-usap sa kahit na kanino ngayon. Let alone ang kumain.

"Sigurado ka ba, hija? Naku. Matigas ang ulo nyan ni Misha,"

"Kaya ko na po."

Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto, saka bumuntong hininga si Keyla. Lumapit sya sakin at inilapag sa gilid ko ang tray ng pagkain. I just emotionlessly stared at it.

"Kumain ka," Utos ni Keyla sakin habang nakatitig sa mukha ko.

Nanatili akong nakaiwas ang tingin sa kanya, ayokong maiyak eh. May problema pa sya kay Seon, tapos ipapa-problema ko pa sa kanya ang problema ko?

Ang problema kong sa kasamaang palad ay wala namang solusyon.

"Ayoko,"

"Edi wag, sige mamatay ka sa gutom. Ikaw pa mismo ang nagsabi sakin nun dati na sayang ang perang mamanahin mo sa mga magulang mo kung mamamatay ka rin naman lang, diba? Eh ano to? Handa ka na bang i-donate sa charity ang mana mo?" Panenermon nya sakin.

I clenched my fist and gripped the blanket, pinipigilan kong maiyak.

"That's good, maraming makikinabang dyan sa pag-iinarte mo." Matigas nyang sabi.

At doon natapos ang pagtitimpi ko, I burst into tears infront of her. Hindi ko na kasi kayang pigilan pa. Umupo si Keyla sa tabi ko at niyakap ako.

"Sana saka nalang nila ipinatupad ang K-12, dapat inuna ang 'Aral Muna Bago Landi Program'."

Patuloy lang akong humagolgol, patuloy na umiyak sa balikat ni Keyla habang yakap yakap nya.

"Pag humugot ka pa uli, hihilahin ko na ang buhok mo kaya mas mabuti pang sabihin mo na sa akin ang nangyari kanina."

The moment I calmed down, ipinaliwanag ko na kay Keyla ang nangyari at kung ano ang nalaman ko. Nagulat pa nga sya, pero mukhang inaalala nya ako.

"Paano yan? Anong plano mo?" Tanong nya sakin.

"I don't know. Kung ikaw ang nasa posisyon ko, anong gagawin mo?" Tanong ko sa kanya.

Yumuko sya at bumuntong hininga, is my question that hard to answer?

"Sa totoo lang, hindi ko alam. Ayokong isipin na may ganyang kasalanan ang Papa ko, kahit naman ganito ako masaya naman kami. Kompleto at magkakasama." She answered.

I bit my lower lip and nodded, ano nang gagawin ko?





Oh ayan, nalaman nyo na ang rason ni Miley. Kawawa sya, diba? Lumaki sya na walang ama, so please understand her attitude problems.

Though nakakabwisit parin naman sya=__="



Vote, Comment & Be a Fan

My Friends' Love storyWhere stories live. Discover now