Chapter Ten

47 3 0
                                    

Misha Laurel's POV

Okay, ang bilis ng panahon. Hindi ko namalayan na two months na palang active ang love life ni Keyla. At sa sobrang active, dinaig pa ang mga bulkan dito sa Pilipinas.

"Sige na kasi Misha, diba sabi mo tutulungan mo ako?" Sabi naman ni Seon.

Kanina pa kasi nya ako kinukulit, gusto nya na tulungan ko syang mag-isip ng magandang proposal plan para kay Keyla.

"Ano ba? Wala ka bang utak? Hindi ka makapag-isip, ganun?" Inis na sabi ko sa kanya at kumuha ng piso sa bulsa ko at iniabot ko yun sa kanya.

Tinanggap nya yun pero nakakunot ang noo nya habang nakatingin sakin na parang nagtatanong kung anong gagawin nya sa pisong ibinigay ko.

"Bili ka ng utak sa palengke, kahit yung isang gramo lang." Tapos naglakad na naman ako kaso, sinundan parin ako ng mokong.

"Misha naman kasi---" He was cut off by a loud thud.

Nanggagaling yun sa Janitor's office. Naglakad ako papalapit dun kaso hinawakan naman ni Seon ang braso ko.

"Wag kang tutuloy dyan, maraming kwento na may multo raw sa Janitor's room." Seryoso pero parang natatakot na sabi nya.

Napakunot lang ang noo ko at hinila ko ang braso ko mula sa pagkakahawak nya. Kelalaking tao pero takot sa multo. Hello! Tirik na tirik pa kaya ang araw.

"Misha..." Ungot nya.

"Tumahimik ka, susupalpalin kita!" Sita ko sa kanya.

Nanlaki ang mga mata namin ni Seon nang mabuksan ko na ang pinto ng janitor's room. Okay, walang multo o kahit anong kababalaghan. Gumagawa ng kababalaghan meron. Napahinto sa paghahalikan ang isang lalaking topless at isang babaeng bukas na ang butones ng blouse.

Napatingin sila samin at natulala pero nang makarecover ay itinakip ng babae sa sarili nya ang polo nung lalaki. Hindi ko sila kilala, pero mukhang Junior highschool pa sila. Napailing iling na lang ako. Pati ba naman sa Janitor's room? Isang araw hindi na lang ako magtataka kung makakakita ako ng mga studyanteng nagtutukaan sa hallway.

"Ang pakikipagtalik ay ginagawa ng mga taong pinagbuklod ng simbahan, hindi ng mga kabataang pinagbuklod ng inuman at landian." Sabi ko at sinara uli ang Janitor's room.

Tahimik kaming naglakad ni Seon hanggang sa guluhin nya na naman ako. Tsk, kakainis. Pagdating ko sa tapat ng pinto ng classroom namin ni Keyla ay hinarap ko na si Seon. Narealise ko na hindi ko kaya na eto na naman ang routine namin hanggang bukas.

"Dalhin mo na lang sa isang Anime convetion tapos bigyan mo ng isang Manga book na may love note mo sa first page!" Sabi ko at tumalikod na.

I heard him yell a loud 'Thank You' pero hindi ko na sya pinansin.

***


Lumipas ang mga araw, mukhang busy si Seon sa O Plan: Proposal nya kay Keyla. At eto namang kaibigan kong clueless, nagmamaktol kasi lumalayo na sa kanya si Seon. Sus, kung alam nya lang.

"Nakakainis lang naman kasi, akala ko ba kaibigan nya ako? Pero bakit parang wala syang pakialam sakin?" Naka-pout na sabi ni Keyla.

"Baka naman busy si Seon," Dahan dahang sabi na naman ni Sophie.

Well, nasasanay na rin naman ako sa pagiging malamya at minimum voice nitong si Solenn Pherina kaya hindi ko na gaanong pinupuna.

"Busy sya? Kanina nga nakita ko syang kausap yung isang babae galing sa kabilang building. Sabihin nyo nga, ano bang meron sa mga babaeng malalaki ang suso?" Halos masamid ako dahil sa itinanong ni Keyla.

Tumawa pa ako ng malakas kaya naman tinignan nila akong dalawa na parang baliw na ako. Nang maka-move on mula sa pagtawa ay kinalma ko ang sarili ko saka ko hinarap si Keyla.

"Baka naman selos ka lang," Pang-aasar ko sa kanya.

"Hindi ako nagseselos," Pagde-deny nya kaya nagkibit balikat na lang ako.

"By the way Keyla, wala ka bang gusto kay Seon? Isn't there anything going on between the both of you?" Tanong ni Sophie.

"Wala, walang nangyayari. Ano ka ba? Kaibigan ko lang sya..."

Sa ngayon. Kaibigan mo lang sya sa ngayon. Pero maghintay ka pag natapos na ni Seon ang plano nya. Kasi ang shunga, sinabihan kong dalhin si Keyla sa anime convention. Pero wala naman akong sinabi na mag-conduct sya ng anime convention!

At kaya kinausap ni Seon si Taong dede na tinutukoy ni Keyla ay dahil cosplayer ang babaeng yun. Eto namang kaibigan ko, masyadong selosa. Halatang ayaw maagawan. Nag-usap usap silang dalawa ni Sophie nang biglang tamaan ng saltik ang malamyang nilalang.

"Lets go malling!!!" She shrieked.

"Seryoso ka?" Tanong ni Keyla.

"Ofcourse I am! At isa pa, its my Uncle's birthday today at may ginagawa ang Student Council para sa celebration. Half day lang tayo ngayon, kaya lang hindi nila ini-announce para walang mag-cutting classes."

We argued, ayaw kasi namin ni Keyla na mag-malling kaya lang wala naman kaming magagawa. Todo insist naman kasi si Sophie kaya pinagbigyan na namin. Naglibot libot kami sa mall, naisipan naming tumingin tingin ng damit pero hindi naman nabili. Window shopping kasi ang plano. Sophie shrieked at nilapitan ang isang dress.

"Yiiee! I like this!" Tapos itinapat nya sa sarili nya.

"Bagay ba?" Nakangiting tanong nya samin.

Nagkatinginan naman kami ni Keyla tapos binalik namin ang tingin namin kay Sophie.

"Akala ko ba Window shopping? Eh bat ka bibili?" Nakataas ang kilay na tanong ko sa kanya.

At mukha namang narealise din nya yun kaya ibinalik nya na ang dress.

"Oh, nakalimutan ko. Hehe, sorry."

Kumain kami sa Kuya J's kasi hindi pa namin yun nasusubukan. Masarap naman pero sorry dahil mas prefer ko ang Mang Inasal.

"Time zone tayo!" Yaya ko sa kanila na sinang-ayunan naman ni Keyla pero ikinalukot ng mukha ni Sophie.

"I don't like, hindi ba pwedeng maglibot libot muna tayo?" With puppy eyes pa, pero sorry sya kasi immuned kami ni Keyla sa kanya.

"Sorry, two against one."

"Panalo kami kaya magtiis ka." Nakangiting sabi ko sa kanya at hinila na namin sya papunta sa Time Zone.

Kaso pagdating namin dun, hindi pa kami nakakabili ng ticket ay bigla na lang napahinto sa paglalakad si Sophie.

"Oh? Andito na tayo, hindi mo namab kailangan maglaro kung ayaw mo." Sabi ko sa kanya pero nanatili syang nakatayo at nakatingin lang sa isang certain direction.

"Hoy~~" Sabi ni Keyla.

Naging teary eyed ang mga mata ni Sophie kaya naman sinundan namin ni Keyla ang tingin nya. At may nakita akong isang couple na naglalandian habang naglalaro ng Basketball. Too common, masyadong cliché ang ginagawa nila. Wala ba silang orinigality?

Then I realised, Sophie was Heart Broken the day I met her. 2 months and 3 weeks ago. Napatingin ako sa kanya na ngayon ay tumulo na ang luha,

"Sya ba? Sya ba si Tyron?" I asked.

"I'm sorry, I can't do this anymore." Sabi nya at tumakbo.

Bigla, ang malamyang si Sophie ay tumakbo na parang normal. Nagagawa nga naman ng Heart Break...





Ohh! Kawawa naman si Sophie. Pero wag husgahan si Tyron! Malay nyo naman, True love nya talaga yung kalandian nya. Hehe.





Vote, Comment & Be a Fan

My Friends' Love storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon