Chapter Eleven

50 3 0
                                    

Misha Laurel's POV

Sinundan namin si Sophie hanggang sa isang secluded part ng mall kung saan walang tao kasi wala namang store maliban sa isang hindi sikat na book fair.

"Ang sakit, ang sakit sakit." She said between sobs habang yakap yakap namin sya ni Keyla.

Naaawa ako sa kanya. To think na ang dami na ng luhang naiyak nya dahil sa Tyron na yun. All along, akala ko ay moved on na sya. Then I realised one thing about love,

"Falling in love is easy. Staying inlove is a challenge. Letting go is Harder but Moving on is the Hardest."  Bigla ko na lang nasabi. Pinunasan ko ang mga luha ni Sophie gamit ang panyo nya habang si Keyla naman ay hinahagod ang likod nya.

"Kahit mahirap mag-move on, walang masama kung susubukan mo. Nandito lang naman kami, we won't let you down." Sabi ko sa kanya then I pulled them both for a hug.


***


Mukhang trabaho ko na ata sa araw na to ang maging rescuer ng mga taong sawi. Kailangan ko na talagang hingan ng Talent fee ang Presidente ng Pilipinas! Hello, mahal na kaya ang pamasahe ngayon dahil sa pagtaas ng presyo sa gasulina.

Kaya napapagastos ako kasi kailangan ako pa ang pumunta sa mga taong nire-rescue ko.

Bumaba na ako ng tricycle matapos kong magbayad ng pamasahe, diretso na lang ako sa pagpasok sa kwarto ni Julie. Tinext nya kasi ako kanina na nakipag-usap sa kanya si Ivan. Langyang lalaking yun, matapos nyang lokohin ang bestfriend ko ngayon ay... Naku!!!

"Julie?" Sabi ko pagkabukas ko ng pinto.

Nakita ko naman agad syang nakaupo sa gitna ng kama nya at tahimik na nakatingin lang sa mga kamay nya. Inangat nya ang tingin nya sakin and I saw the sadness on her face. Umupo ako sa tabi nya at hinayaan kong sya ang maunang magsalita.

"Kinausap ako ni Ivan kanina, sabi nya mahal nya pa raw ako." Then a single tear escaped her eye pero agad nya rin namang pinunasan.

"Anong isinagot mo?"

"Nagsinungaling ako, Mish. I told him I don't love him anymore. Kasi sinunod kita, sabi mo diba dapat pahalagahan ko naman ang sarili ko?"

"Is that a bad thing?" Malungkot na tanong ko pero buti na lang ay umiling sya.

"Mabuti na nga yun eh. Kaya lang hindi ko maiwasang masaktan at malungkot, lalo na nung sinabi nya sakin ang dahilan kung bakit nagkaroon sila ng affair ni Miley." Mas lalo syang napaiyak at nang akmang yayakapin ko sya ay pinigilan nya ako at sinabing may importante pa syang sasabihin.

"Nung mga panahon na nagtatampo ka sakin, Ivan tried to make love to me. Pero pinigilan ko, Mish. Kasi bata pa tayo, ayoko pang pumasok sa mga ganung bagay. He said it was fine at maghihintay daw sya."

My jaw clenched and my hands fisted. Hindi lang ako kay Ivan nagagalit ngayon kundi pati na rin sa sarili ko.

"Pero bigla syang nagbago, hanggang sa nalaman ko na lang ang tungkol sa kanila ni Miley."

Hindi ko alam kung anong gagawin ko kaya niyakap ko na lang si Julie. My sweet little Julie had to go through it alone because I was selfish.

Kung sana hindi ako nagtampo, edi nagabayan ko sana sya.

"I'm sorry..."

Yan lang naman ang masasabi ko, diba? Sorry. Hanggang sorry na lang ako kasi tapos na.

"His heart wants me but his body needed someone else..." She whispered.

G*go kasing nga lalaki yan, minsan na lang talaga sa mundong to ang matino!


***


Saturday, at ngayon na mismo ang plano ni Seon para mag-propose kay Keyla. At dahil nagtatampo si Keyla kay Seon, ako ang magdadala sa kanya sa Anime convention. Hindi pa kami tuluyang nakakapasok nang mag-text sakin si Seon na iwan ko na si Keyla.

Napangiti ako at huminto sa paglalakad kaya napahinto rin si Keyla at napalingon sakin.

"Bakit?"

"Ladies' room lang ako, ah?" Pagpapaalam ko sa kanya.

"O sige, samahan na kita..." Akmang hihilahin nya ako nang pigilan ko sya.

"Ano ka ba? Hindi mo naman siguro dala dala yung toilet bowl para kailanganin kita kung iihi ako, diba?" Pagtataray ko sa kanya para hindi sya maghinala.

Sinamaan nya ako ng tingin bago tumango at sinabing dun na lang din sya maghihintay. Hindi ako nagpunta sa Restroom, nagtago lang ako sa isang sulok at nanood. Pinalipas muna ni Seon ang ilang minuto bago nya nilapitan si Keyla. Medyo malayo tong pwesto ko kaya hindi ko sila rinig.

Tumalikod si Keyla kaya naman napahawak ako ng mahigpit sa phone ko. Tangang Seon yan ah! Wag nyang sabihing masasayang lang ang effort ko sa pagdadala kay Keyla dito!!!

"I'm sorry! Okay?! Sorry!" Narinig kong sigaw ni Seon.

Lumingon si Keyla at nagsalita, they talked for a minute before they entered. Susunod sana ako agad kaso nakaramdam ako ng kakaiba. Okay, naiihi ako at kailangan ko ng magpunta sa Ladies' room.

Mabilis lang akong umihi at nagpunta ako agad sa lugar kung saan ginaganap ang Anime convention. Naisip ko, mahal pala talaga ang ginastos ni Seon para rito. Sabi nya pa nga, kinuha nya ang kalahati ng ipon nya at nagtrabaho din sya sa Shop ng Papa nya para malikom yung pera.

Yun ang rason kung bakit napatagal ang proposal nya. Kulang daw kasi sya sa Budget. Pagdating ko, pumwesto lang ako sa may likod nila kaya rinig ko sila. Tinanong na pala ni Seon si Keyla.

Seon had a big smile on his face pero nang silipin ko ang mukha ni Keyla, kinabahan ako. Parang nahihirapan sya na natatae o ano. Hindi ko malaman. Or alam ko na pero ayoko lang talagang aminin.

Kasi kinakabahan ako para kay Seon. Kahiya hiya naman kasi tong pagp-propose nya in public.

"I'm... I'm sorry Seon. Kaya lang... Hindi pa ako handa."

Nawala ang ngiti sa mga labi ni Seon, pati na ang ngiti sa mga labi ng lahat ng tao sa paligid.

"Sorry..." Sabi ni Keyla at tumakbo na paalis.







Kawawa naman si Seon! Huhuhu. Bad ka Keyla, bad ka.



Vote, Comment & Be a Fan

My Friends' Love storyWhere stories live. Discover now