Chapter Twenty-four

38 2 0
                                    

Misha Laurel's POV

Hindi ko na sinundo sina Mommy at Daddy sa airport, si Manong na ang bahalang sumundo sa kanila.

Habang ako naman ay nanatiling nakaupo lang dito sa sofa sa sala at iniisip ang mga pwedeng mangyari sa pamilya namin.

Pero hindi ko kayang itago to, ayoko na patuloy na lokohin ni Dad si Mom. Bahala na kung maghiwalay sila, kesa naman patuloy kaming mamuhay sa kaligayahang binuo ng isang malaking kasinungalingan.

When they arrived, seryosong seryoso akong humarap sa kanila. Seryoso rin si Mommy at si Daddy, mukhang pagagalitan nila ako because I was rejecting their calls.

"Misha, ano bang problema mong bata ka? Nagrerebelde ka ba samin, ha? Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag namin sayo?!" Inis na tanong ni Mommy sakin pagkatapos ay hinilot nya ang sintido nya, ako naman ay nanatiling nakatitig lang sa kanilang dalawa.

"My God! Alam mo ba kung gaano kami nag-alala sayo?! Hindi man lang ba pumasok sa isip mo na nasa ibang bansa kami at may trabahong inaasikaso?! Isa lang naman ang hiniling namin sayo ng Daddy mo, all we wished from you is your cooperation! Pero mukhang pati yun ay hindi mo maibigay!" Bulyaw ni Mom.

"Misha---" It may sound rude but I cut my Dad off, galit ako sa kanya ngayon.

"Dad paano mo yun nagawa?" Puno ng hinanakit na tanong ko sa kanya.

"Anong ibig mong sabihin, anak?" Nalilitong tanong nya sakin.

Tumulo na ang luha mula sa mga mata ko pero marahas ko yung pinunasan gamit ang kamay ko. This is not the right time to cry.

"Anong ibig kong sabihin? Well, surprise Dad! Alam ko na kung gaano ka kasamang tao! Manloloko ka, sinungaling!" I yelled at him, hindi ko na kasi mapigilan.

My Mom reached for me and slapped me hard on the face.

"Elisa! Tama na, hindi mo sya kailangang pagbuhatan ng kamay!" Sayaw ni Dad kay Mom at hinawakan nya ang braso nito.

I smirked, akala mo mabuting ama! Yun pala, hindi!

"Bakit po ako ang sinampal mo, Mom? You should do that to your husband! Dahil isa po syang taksil! Matagal ka na nyang niloloko! May anak sya sa isang babae and yet he kept it a secret!"

"Misha! Wag mo kaming pagtataasan ng boses, at ano ang pinagsasabi mo?!" Pati si Daddy ay nakasigaw na rin.

At nagmamaang maangan pa sya? Eh alam ko na naman ang bahong itinatago nya! Ang bahong pinilit nyang itago pero patuloy na umaalingasaw!

"May anak ka sa ibang babae! How could you do this to me, Dad? Akala ko mabait kang ama. Akala ko mahal mo ako, pati si Mommy. Akala ko mahal mo kami. Pero akala ko lang pala yun. Kasi ang totoo, you're not as good as we think." Pagkatapos ay itinapon ko sa kanilang dalawa ni Mommy ang picture na ibinigay sakin ni Marcus.

Umiiyak akong tumakbo papunta sa kwarto ko, hindi ko na kaya. Ang sakit sakit na. Kahit si Mommy ang pinagtaksilan ni Daddy, parang ako ang nakakaramdam ng sakit para sa kanya.

Sobra sobrang sakit to. Mukhang hindi nga ata totoo ang forever. Wala talagang Happy ending.


***


Cut short ang drama! Comedy at hugot story ito kaya wala akong planong i-share ang kadramahan ng buhay ko.

Kaya heto, nasa harapan ko si Miley at umiiyak. Sa totoo lang, hindi ito ang inasahan ko na outcome ng lahat ng pinaggagagawa ko at pinaggagagawa nya.

"Sorry, Misha. Hindi ko naman kasi alam eh. Inggit na inggit ako sa'yo kasi... kasi may tatay ka at ako wala. Sorry..." Umiiyak na sabi nya.

"Hindi ko sasabihin na okay lang, pero alam ko naman na hindi mo kasalanan kung bakit nalito ka. Picture lang ang pinakita sayo ng Mama mo, kambal ang mga tatay natin kaya nakakalito talaga."

Okay, so ganito ang nangyari. Hindi naman pala talaga ang Daddy ko ang Ama ni Miley. Si Tito Marjun ang Papa nya, ini-explain na yun sa amin ni Dad at napatunayan naman ng Mama ni Miley.

"Sorry Pinsan," Sabi nya at niyakap ako.

Nagpayakap na lang rin ako at gumanti ng yakap sa kanya. Mag-pinsan kami kaya sisikapin kong patawarin sya.

Keyword, sisikapin. Hindi ako magpapaka-plastik sa kanya pero pipilitin kong iturin syang pinsan. It would be hard at first but who cares? I'm stuck with her kasi kadugo ko sya.

Pagkaalis nina Miley at ng Mama nya, naiwan ako kasama ang parents ko. Hiyang hiya ako sa kanila, napaka-disrespectful kong anak! Tama sila. Nagtrabaho sila sa States para sakin pero hindi ko man lang sinagot ang tawag nila. Pwede ko naman silang kausapin ng maayos para hindi na sila mag-alala pa.

Nilingon ko sila at nakitang nakatalikod na sila sakin, tumulo ang luha ko kasi hiyang hiya ako sa sarili ko. I've never been this ashamed of myself before.

"Mom... Dad..."

Nilingon nila akong pareho at nilapitan. Sunod sunod na tumulo ang luha ko kaya naman niyakap nila ako pareho.

"I'm so sorry... Hindi ko naman po kasi alam eh. Sorry po..." Sunod sunod na sabi ko pagkatapos ay humagolgol. My Dad kissed my head and my Mom just hugged me.

"It's fine, Princess. Its not your fault, its not your fault."

Pagkatapos ng madramang moment namin, kinurot ni Mommy ang tenga ko pero hindi nya naman gaano idinidiin.

"Pero grounded ka parin. Naku ka talagang bata ka, pinag-alala mo kami ng sobra!" Pagkatapos ay nagtawanan na kami,

"Mommy talaga!"

At nagyakapan na uli, sana naman hindi na ako uli makagawa ng katangahan para naman wala nang maging ganito kalaking gulo.






Whooo!!! Surprise, Surprise! Sunod na ang Epilogue. Anyway, pasensya dahil sabaw ang chapter na to tsaka walang hugot.

Pero kasi may 'Book two' ang My Friends' Love Story. Ayoko naman kasi na basta na lang matapos ang buhay ni Misha at wala pa syang love life! Hehe.

Anyway, hindi ko pa ire-reveal ang title ng Book two. Sa Epilogue pa siguro.



Vote, Comment & Be a Fan

My Friends' Love storyTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang