Chapter Five

88 2 0
                                    

Misha Laurel's POV

Nag-inat ako at bumangon, ayoko sanang gumising ngayon kasi sabado naman kaso pupuntahan ko pa si Keyla. Bukod sa may research kaming gagawin sa bahay nila, makikibalita rin ako sa kanya tungkol sa date nila ni Seon.

My phone rung and speaking of, Seon is calling me. I immediately picked it up and answered.

"So?"

"Thank you! Salamat talaga! Your plan was brilliant!" He happily said to me kaya alam ko na agad na maganda ang kinahinatnan ng nangyari kagabi.

"Yeah, I know. Magaling kasi ako, anyway, may gagawin kasi ako so bye." And I hung up and went inside the bathroom. Wala akong panahon sa lalaking yun.

Base sa reaksyon ni Seon, mukhang naging okay naman ang date nila. Now, I have to know kung anong impression ni Keyla sa kanya para malaman ko kung anong susunod na gagawin ni Seon.

Or maybe, hindi ko na kailangan pa syang i-guide. Malay ko naman kung marunong pala syang duma-moves, diba? I arrived at Keyla's house, dumiretso ako rito pagkatapos na pagkatapos kong kumain ng breakfast.

"Good morning," Nakangiting bati ko sa kanya at umupo ako sa couch.

Nakatayo lang sya di malayo sakin at nanlilisik ang mga mata. Okay, what's her problem?! Tumakbo sya papunta sakin at sinakal sakal ako. Hindi masakit pero nakikiliti ako!

"The hell?! Aray ano ba!" Yinugyog yugyog nya ako at medyo nakakahilo ang ginagawa nya.

"Walang hiya ka talagang bitter ka! Binenta mo ako! How dare you?! Alam mo bang hindi ako nakabihis kagabi kasi akala ko ikaw lang ang makakasama ko!"

Bahagya ko syang itinulak at binitawan nya na nga ako. Hinawakan ko ang leeg ko at nagpigil ng ngiti. I just thought of a dirty retort that I know she wouldn't find funny but it's going to be awsome.

"Hindi ka nakabihis kagabi? Bakit? Hubad ka ba?"

She groaned na tinawanan ko naman. Her reaction is really funny. Mukhang may gusto nga sya kay Seon. Pakipot pa eh halata namang bet na bet nya yung intsik na yun.

"This is not funny,"

"Yes it is, tsaka isa pa Keyla, anong problema mo sa suot mo kagabi? Is there any difference if you're going to eat with Seon or with me?" Binigyan ko sya ng makahulugang tingin at umiwas naman sya.

"Hindi," Namula ang tenga nya kaya pinanliitan ko sya ng mata, may something eh. "wala. Halika na nga, research na tayo." Sabi nya at binuksan ang laptop nya na nakapatong sa mini table.

Sumandal ako sa couch at hinagod hagod ang tiyan ko. Hmp, nakalimutan ko nga palang mag-breakfast!

"Gutom na ako." Ungot ko sa kanya.

"Heh! Pinabayaan at binenta mo ako kagabi kaya wala kang snacks!"

I smirked. Walang snacks? Hello, mas lalo akong matalino pag gutom!

"Sige, itetext ko na lang si Seon na pumunta dito at dalhan tayo ng pizza." Kinuha ko ang cellphone ko na inagaw naman ni Keyla. Hmm, alam kong hindi pa naliligo tong bansot na 'to kaya for sure mamamatay to sa hiya kapag nagkita sila ni Seon ngayon.

"Hindi na kailangan, may ice cream sa ref."

Sus, kunwari pa. Palibhasa hindi pa sya naliligo kaya ayaw nyang pumunta si Seon dito! Hahaha, Lion King pa nga ang peg ng buhok nya eh. Halakhak ng tagumpay! Ice cream, here I come!


***


Papauwi na ako sa bahay nang makita ko si Jenny sa park. Nakaupo sya sa isang bench habang may hawak na aso. Nakasimangot ang mukha nya at mukhang gigil na gigil. Ano kayang nangyari sa kanya?

Naglakad ako papalapit sa kanya at tinawag ko ang pangalan nya para mapansin nya naman ang presence ko.

"Oyy, nandito ka pala."

Umupo ako sa tabi nya. Alam ko namang ipinanganak na pangit at mukhang aso ang babaeng to pero parang nasa highest level of ugliness ang mode ng mukha nya ngayon.

"Problema mo? Parang pasan mo ang mundo. Pangit ka na nga pumapangit ka pa."

Binatukan nya naman ako kaya binatukan ko rin sya. Akala nya? Friends nga kami pero hindi naman kami ganun ka-close para hayaan ko syang batok-batukan na lang ako.

"Sobra ka!"

"Ano ngang problema mo?"

"Si Mama kasi! Pinasama ako dyan sa lalaking yan na ipasyal sa park tong aso nya! Tinakot nya pa ako na hindi raw ibibigay ang allowance ko! Tsk, naku! Naiinis na talaga ako!"

Napakunot ang noo ko but then I realised na baka si Harvy lang pala ang ibig sabihin ni Jenny. Madalas kong makita ang mga nanay nina Jenny at Harvy, close ata silang dalawa kaya gusto nilang maging magkaibigan din ang mga anak nila.

"Sinong lalaki?" I asked kahit alam ko na naman kung sino.

"Si Harvy! Ang mayabang na lalaking yun! Hayan! Tignan mo at may kalandian!" Then she motioned to the other side of the park.

There he was, Harvy, with another girl. Okay naman yung mukha nung babae kaya lang hindi maganda. Ang kaso, di hamak naman na mas okay ang mukha ng kasama ni Harvy kesa kay Jenny. Too bad.

"Sus, selos ka lang." Bulong ko at tumayo na.

"Alis na ako." Sabi ko at umalis na nga.

***

Argh! Bored na bored na talaga ako! Napatingin ako sa paligid ng kwarto ko. Okay, makalat. Ayoko namang ipalinis pa tong kwarto ko kay Manang kasi malaki na ako. Malaki na ako kaso tinatamad parin XD

Tumayo ako at pinulot ang mga bagay na nasa sahig. Hindi naman yung tipong exag na nasa gitna talaga yung mga gamit, nasa sahig sila pero nasa gilid lang. Halatang sinipa Lol.

Pinatay ko ang aircon at nagwalis, inayos ko ang mga Bond paper na nasa computer table ko at isinara ko rin ang Printer ko. Wala pang isang oras ay natapos ko nang linisin ang kwarto ko, yung aparador na lang ang kulang.

Tamad akong naglakad papunta roon at inayos ang pagkakatayo ng mga lotion, deodorant, perfume at kung anu-ano pang cheche bureche na inilagay ko.

"Aarghh, tanga tanga talaga..." Bulong ko sa sarili ko nang may papel na nakasilip sa secret cabinet sa likod ng maliit na center mirror ng aparador ko.

Nagpunta ako sa bedside table at kinuha ang susi nun, binuksan ko yun at bumulaga sakin ang iba't ibang pile ng mga papel.

"Jusko naman Misha..."

I assorted the papers, itinabi ko ang mga itatapon ko at inayos ko naman ang mga ilalagay ko lang. My phone beeped kaya kinuha ko yun agad mula sa bulsa ko.

It's a message from an unknown number.

Fix this...

Yun lang ang nakalagay. Ano raw? Fix this? Napataas lang ang kilay ko at ibinaba na ang phone ko. Its either napagt-tripan lang ako o wrong sent lang talaga ang tangang yun.

Ipinagpatuloy ko na ang paglilinis hanggang sa matapos ko.






So? What do you think?


Vote, Comment & Be a Fan


My Friends' Love storyWhere stories live. Discover now