Chapter Eight

54 5 0
                                    

Misha Laurel's POV

Hindi ko alam kung pano nangyari. Basta ngayon ang alam ko lang ay kasama namin ni Keyla ang pamangkin ng may-ari ng school na si Solenn Sephira Melgo or Sophie for short na kumakain dito sa canteen.

"Gusto talaga kitang pasalamatan. Maybe if it weren't for you, I won't be able to get to my senses and move on from Tyler." She said slowly, yung tipong walang energy.

Hindi naman sya plastic, mukhang kinulang lang talaga sya sa Caffein, Amino Acid at Taurine. Pero ang yaman nya naman ata para kulangin sya sa ganun. And she's pale, ano naubos ng lamok ang dugo nya? Pero wala naman atang lamok sa bahay ng mga mayayaman.

"Aray," Ungot ko ng pisilin ni Keyla ang ilong ko.

"Bakit ba?!" Nagkibit balikat lang sya kaya sinamaan ko sya ng tingin. Keyla could really be annoying sometimes.

"So, masakit pa ba ang sugat mo?" Tanong nya sakin.

Talagang napaka-demure nya at mala-babae talaga. Hiyang hiya naman kami ni Keyla sa kilos nya. Napaka-inosente ng dating nya. Bakit kaya pumatol sya sa isang gag*ng Tyron? Pag-ibig nga naman.

"Hindi na masakit ang sugat ni Misha, humuhugot na nga yan eh."

Tapos nagtawanan na sila. Okay, pagkaisahan ba naman ako? Napatigil sa pagtawa si Sophie at nanlalaki ang mga mata habang nakatingin sa isang direksyong sinundan naman namin ng tingin ni Keyla.

And there I saw, Aris Ledesma of the First section.

"Oh My God, he's so hot. Kamukhang kamukha nya yung isang lalaki sa Bench mag dati! Oh my God!" At patuloy na nga syang kinilig.

Sinabi ko bang inosente sya? Well, bahagya ko na yung binabawi ngayon.

Sa likod ng isang maamong mukha ay nakatago ang landing hindi mo inakala.

At lumipad na naman papunta sa kawalan ang isip ko. Pero naibalik rin naman nang mapatingin ako kay Miley na nakangiti sa table namin. Or rather, nakangiti kay Sophie. Ano namang trip nya?

"You know, that girl tried to befriend me earlier." Malumanay na naman nyang sabi as she slowly ate her sandwich, pakiramdam ko nga lagi syang may slow-mo moment sa harap ko tuwing kasama ko sya eh.

"Hindi ka naman nya papansinin kung wala syang kailangan sayo..." Mahinang sabi ni Keyla.

Tama rin naman si Keyla. Kinakaibigan lang naman ni Miley si Sophie dahil pamangkin ito ng may-ari ng school. Ganyan naman talaga si Miley eh. Inggitera na, plastic pa. Sarap isilid sa baul.

"Sophie, eto ang tatandaan mo. 'Wag kang papatol sa mga hindi mo ka-level, tao ka at plastic sya. Ang layo ng diperensya." Pangaral ko sa kanya.

"Ah, ganun ba? Okay, and besides, I realised she was the girl whom you had a cat fight with."

Alam nya pala yun? Ah oo nga pala, nandito rin pala sya sa school nung isang araw dahil nag-enroll sya. May nangyari raw kasi sa dati nyang school kaya pinalipat sya ng Parents nya.

At dahil wala na ngang tatanggap pa sa kanyang ibang school, dito na lang sya sa pagmamay-ari ng Uncle nya.

"Yan na ba ang Hugot of the day mo Mish? O baka naman may baon ka pang iba?" Pang-aasar sakin ni Keyla.

"Hoy, hindi porket may love life ka na ay aalaskahin mo na ako. Wag kang umasa, masasaktan ka lang." Pang-aasar ko rin sa kanya.

Bago pa man makapag-react si Keyla ay nauna nang mag-slowmo talk si Sophie.

"Wait, she has a boyfriend?"

"Yes, she does. Pero maghihiwalay rin sila, wala kasing forever." Nakangising sabi ko.

"Hindi ko sya boyfriend, walang kami! Wag nga kayong ano dyan." Namumulang sita samin ni Keyla.

She's cute when she's blushing. Swerte ni Seon dahil may isang Keyla sa buhay nya. Sophie and I just chuckled. Kahit naman pala slow motion ang babaeng to, masarap rin naman palang kasama.


***


Its been three days since Sophie became our friend, at masaya naman. Kaso ang nakakainis ay pinagkaisahan ako ng dalawa. Nauna na silang pumunta sa kainan na malapit lang dito para makapag-after school merienda.

Kaso naiwan ako kasi may meeting pa ako sa Choir, na ang ending ay si Chloe lang naman ang na-meet namin dahil absent pala ang president. Hayst.

Hanggang ngayon, palaisipan parin sakin kung bakit nakuha ako sa club na yun. Baka naman nabingi na ang moderator namin kaya gumanda ang boses ko sa pandinig nya?

"Oh, ayan na naman yung feeling love doctor pero wala namang lovelife."

"Kumusta naman ang paghahasik mo ng lagim demonyita?"

Napahinto ako sa paglalakad dahil nakasalubong ko ang dalawang kaibigan ni Miley. So ganun? Sila lang ang ibabala sakin ng Mother hen nila na mas masahol pa sa manok ang itsura?

"Alam mo, dapat itigil mo na yang ginagawa mong pagbibigay ng advice. Hindi ka naman perpekto," Sabi pa nung isang babaeng mukhang unggoy.

I sighed before I looked at them from head to toe,

"Wala kayong karapatang husgahan at pakialaman ako. Dahil nung nakita kong pangit kayo, nanahimik ako."

At umalis na nga ako. Kainis naman yung mga ganung studyante sa paaralang to.

Pakialaman ba naman ako? Atleast ako, mukha akong tao at tama rin naman minsan ang lumalabas sa bibig ko lalo na pag nagbibigay ng advice.

Hindi katulad nila, mali na nga ang pinagsasasabi, bad breath pa ang mga loka!

Yung dalawang yun ay dagdag na naman sa mga haters ko.

HATERS:

Yung mga taong ang hilig manlait pero mukha naman nila ang mas kalait lait.








Okay, so bumabawi lang po si Misha sa mga ilang chapter na isa lang ang hugot nya. Hehe.


Vote, Comment & Be a Fan

My Friends' Love storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon