Chapter Seven

57 3 0
                                    

Misha Laurel's POV

Magulo ang buhok, kunot kunot ang maduming uniform, mahapdi ang balat at masakit ang mukha. That's me. Even the fact that I'm inside the office of our Prefect of discipline can't even make my situation worse.

"Bakit nyo yun ginawa? Yan ba ang itinuro sa inyo ng school? Ng mga magulang ninyo?" Sir Alfred asked.

"Si Misha po ang nagsimula," Sabi naman ni Miley kaya naman mas lalo akong nagngitngit sa kanya. Pakiramdam ko gusto kong magkaroon ng second part ang sabunutan naming dalawa.

"Oh really? Ako ba ang naunang nanabunot?!"

"Pero nagsimula kang magsabi ng kung anu-ano!"

"Eh nauna mo naman akong kinausap! It would be rude if hindi kita sasagutin, diba?" I pointed out, hindi naman ako papayag na magpatalo sa babaeng yan.

"Ikaw ang lumapit sakin! Nagpunta ka nga sa canteen para awayin ako eh!"

"Did not! Nagpunta ako sa canteen para bumili ng pagkain! Kapal ng mukha mo!"

Our prefect of discipline slammed his hands on his table as he yelled us to stop.

"Nakakarindi sa tenga ang mga boses ninyo. Tignan nyo nga ang mga sarili nyo. Mukha kayong mga baliw na makikita sa kanto. Pasalamat kayo at wala ang Principal natin ngayon dahil kung hindi---" He was cut off because of the knock on the door.

Bumukas ang pinto at pumasok ang isang teacher, tinignan nya muna kami ni Miley bago nya nilapitan si Sir at binulungan.

They talked pero busy kami ni Miley na magsukatan ng tingin. And besides, hindi ako interesado sa pag-uusapan nila. It has nothing to do with me.

"Ms. Laurel, you may go home and fix yourself. But be sure to be back before your fifth period,"

Or not.

"Bakit po sya lang?" Tanong ni Miley.

"Sir, hindi nyo po ako bibigyan ng punishment?" Takang tanong ko.

Tinaasan nya naman ako ng kilay na para bang hindi ko sya dapat tinatanong. Nagbaba lang ako ng tingin. Oopps, wrong move.

"Bakit? Gusto mong bigyan pa kita ng parusa?"

Ngumiti ako. Tanga mo rin Misha eh, lumabas ka na lang. Err, tanong tanong ka pa kasi.

"Hehe, sabi ko nga lang aalis na po eh."

At nagmadali na akong lumabas. Kung anumang magic ang nangyari ay wala na akong pakialam. Basta ba nakalabas ako nang hindi nasu-suspend eh.

"So your name is Misha..." Sabi ng isang boses babae na nasa gilid ng pinto, her voice sounded weird and familiar kaya naman napatingin ako sa kanya.

Nakaupo sa corridor ang isang cute but pale na babaeng nakasuot ng pink knee length dress.

"Uh.. sino ka?" Nginitian nya ako, tumayo sya at inilahad sakin ang kamay nya.

"I'm Solenn Pherina Melgo, niece of the School owner." Nakangiting sabi nya sakin.

It was slowly. Parang pamilyar sakin ang itsura at ang kilos nya. Tinanggap ko ang kamay nya at ipinakilala ko rin ang sarili ko.

"Misha Laurel." I introduced myself, "Have we met before?" Tanong ko.

"Yes, sa restaurant na pagmamay-ari ng parents ko. You even gave me an advice, don't you remember?" Dahan dahan at malumanay ang pagkakasabi nya. Dahan dahan.... malumanay?

"Oh I remember! You were that asshole Tyler's ex!" I said outloud.

She chuckled, mukhang malapit nang maka-move on ang isang to ah.

My Friends' Love storyWhere stories live. Discover now