Chapter Nine

53 4 0
                                    

Misha Laurel's POV

Ngayon ko lang naisipang puntahan si Julie sa bahay nila. I just thought she needed time to think. At isa pa, ayokong makita nya ang mga kalmot na meron sa braso ko. For sure ay mag-aalala sya.

Though I doubt if hindi nakarating sa kanya ang balita na nakipag-away ako kay Miley. But still, I don't want her to worry about me. She has a lot in her plate right now. Ayoko na yung dagdagan pa.

"Julie..."

Dahan dahan nyang inangat ang mukha nya sakin. She looks thinner than usual. Pero buti na lang at hindi ko naabutang maga ang mga mata nya dahil sa kakaiyak.

"Mish..." She said then sobbed.

Masakit sakin na makita ang isang taong mahalaga sakin na umiiyak. Pero mas masakit dahil alam kong wala akong magagawa para tanggalin ang sakit na dahilan ng pag-iyak nya.

We talked after I calmed her down. Konting kumustahan lang naman at naglabas na sya ng sama ng loob. I'm even impressed that she doesn't want to strangle Miley to death. But on second thought, hindi ko rin naman hahayaang lumapit si Julie sa mga duming katulad ng makating yun.

"Bakit ba kasi kailangan nyang agawin si Ivan? Ang dami namang lalaki sa school, ah!"

I wanted to say that Miley just did that to get into my nerves. Pero wala pa naman akong concrete proof.

"Ang mga kabit, pasimple kung dumikit kahit laging sabit. In short, sila ay mga buwisit."

Totoo naman, buwisit talaga yang Miley na yan. Tapos kanina nag-post pa ng Selfie nya sa facebook then may caption na 'Ang pangit ko na'. At syempre nag-comment naman ang inyong lingkod ng 'Alam mo naman palang pangit ka, bakit kailangan mo talagang i-post pa?'.

"Parang ayokong pumasok. Hindi ko alam kung anong iaakto ko pag nakasalubong ko sila." Malungkot na sabi ni Julie.

Hinaplos ko ang buhok nya at bumuntong hininga ako.

"Just be nice." Tumaas ang kilay nya at kulang na lang ay batukan nya ako.

"Nagbibiro ka ba?" Hindi makapaniwalang tanong nya kaya naman inirapan ko sya when she said 'Hindi ako plastic,'

"Being nice to the person you hate is not being PLASTIC. Its called RESPECT and being EDUCATED. Hahayaan mo ba naman ang sarili mong bumaba sa level nya?"

Napabuntong hinga sya at tumango. Buti na lang dahil hindi kinain ng pagiging broken Hearted nya ang lahat ng senses na meron sya.

"Tama ka. Hindi ko pwedeng pahintuin ang mundo ko dahil nagpaloko ako at hindi ako nakinig sayo."

"That's my girl," Then I pulled her into a hug. Yung yakap na ipinaparamdam ko sa kanya na hindi nya kailangan ng love life para maging masaya.

Yan lang naman ang kailangan ng mga broken hearted eh. They don't need to get drunk. All they need is a hug from the person whol loves them truely.

***

"Nakita ko si Julie kanina, pumasok na pala sya." Sabi ni Keyla.

Alangan namang hindi pumasok yung tao eh dito sya nag-aaral? Tinanguan ko lang si Keyla kasi wala ako sa mood na alaskahin sya at i-correct, I feel so tired.

Napatingin ako sa labas ng bintana at nakita ko ang isang couple na naglalandian habang naglalakad. Tama ba naman yun? Eh paano kung nasagasaan sila? Hassle pa yun sa makakasagasa tapos mapapagastos pa ang mga magulang nila para sa funeral at libing. Tsk.

"Ang lalandi eh wala namang forever." Sabi ko habang nakakunot ang noo.

Ang nakaupo sa upuang nasa harap kong si Sophie ay lumingon sakin.

"Hey, cheer up ka naman. Wag kang bitter, Love is in the air kaya." Nakangiti a mukhang inspired na inspired na sabi ni Sophie.

"Sino bang nag-imbento ng kasabihang yan? Love is in the air? Hangin nga hindi mo makita, Love pa kaya?"

Inirapan ako ni Sophie at take note, slow motion rin pati yun. Hindi ba nauso sa mga magulang nya ang mga Energy drink kaya naman sobrang lamya ng anak nila? Tsk.

"Hintayin mong magka-boyfriend ka." Sabi nya na hindi ko na napansin dahil dumating na ang next teacher namin at kailangan nang bumalik ni Sophie sa first row. Dun kasi sya nakaupo.

Hintayin akong magka-boyfriend? Eh nagka-boyfriend na kaya ako kaso hindi rin naman ako nagbago. Same old Misha Laurel parin.

Tumunog na ang bell para sa lunch kaya naman lumabas na kami nina Keyla para may mahanap agad kaming table sa canteen. Kaso, nauuna silang maglakad kasi katext ko pa si Clinton. At nakakapagtataka dahil ngayon lang nagparamdam ang loko.

The moment I hit send, nadapa naman ako. Nakarinig ako ng tawanan kaya inangat ko ang tingin ko. Kaya pala ako nadapa ay dahil hinarang ni Miley ang paa nya.

"Misha!" Sophie and Keyla ran towards me pero tumayo na ako agad at tinignan ng masama si Miley.

"Ano? Masakit ba? Lalampa lampa ka kasi." Sabi pa ng Bruhang si Miley na sinang-ayunan naman ng dalawang unggoy na kasama nya.

"Bakit mo ba to ginagawa?" Malumanay at mahina pero inis na sabi ni Sophie.

"Wala lang." Kibit balikat na sagot ni Miley. I smirked, hindi naman pwedeng 'wala lang' ang rason nya. Lahat may dahilan, at alam kong mayroon din si Miley.

"Pag naninira at nananakit ka ng walang dahilan, INGGIT ang tawag dyan." Sabi ko na nakapagpawala ng ngiti sa mga labi ni Miley.

"Hindi ako naiinggit sayo, dahil kahit saan mo tignan ay mas maputi naman ang kutis ko kesa sayo!"

"Maputi ka nga hindi ka naman maganda." Simpleng sabi ni Keyla at hinila na kami ni Sophie bago pa magkaroon ng giyera dito sa school campus.

"Aaarrgghhh! Mga buwisit!" Narinig pa naming sigaw ni Miley so we burst into laughter.





Haha, ang sama ni Miley. Pero guys, she has a reason.



Vote, Comment & Be a Fan

My Friends' Love storyWhere stories live. Discover now