Chapter Thirteen

44 3 0
                                    

Misha Laurel's POV

Kaimbyerna ng buhay, chill ako ngayon kasi Sabado at isa lang ang plano ko. At yun ang makikain sa bahay nina Keyla kasi makikibalita ako kung anong nangyari sa pag-uusap nila ni Seon kahapon.

Pero wala. Kasi eto ako at binabagtas ang kahabaan ng EDSA. Haha, lol. Joke lang yun.

Ang ibig kong sabihin, eto ako at binabagtas sa ilalim ng init ng araw ang daan papunta sa puntod ng Uncle Marjun ko. He's my Dad's twin brother, hindi ako gaanong emotional sa pagkawala nya since hindi ko naman sya gaano nakasama.

And besides, there are rumors na babaero daw ang Uncle kong yun. Kunsabagay, nakita ko ang picture nya nung binata pa sya. Gwapo ang Uncle ko.

Kaya hindi na ako nagtaka na ang dami nyang panganay sa iba't ibang nanay. 10 years ago namatay ang Uncle kong yun, at sa loob ng ten years na yun ay may dalawa na syang anak na nagpakita.

Pero duh, assistant captain sa barko si Uncle Marjun. For sure ay may ibang babae yang diniligan at namulaklak sa ibang bansa.

Hinanap ko ang pangalan nya sa mga puntod dito sa puno na palatandaan ni Mommy sa tuwing pupunta kami rito.

At ayun nga, nakita ko na ang lapida na may pangalang Marlon Elmer Laurel jr. Kaya Marjun ang nickname ni Uncle ay dahil combination yun ng Marlon at Junior.

I sighed at inilagay ko ang basket ng bulaklak sa puntod nya. Nag-sindi ako ng kandila pagkatapos ay nagdasal. Wala pa si Manong kaya naisipan kong umupo muna sa damuhan. Nasiraan kasi kami kanina kaya kinailangan kong maglakad papunta rito para hindi kami gabihin kung maghihintay pa ako.

" Uncle? Ano bang meron sa inyong mga gwapo at ang hilig nyong magpaiyak ng babae?" Tanong ko kahit alam ko naman na hindi na yun masasagot kasi nga patay na ang kausap ko.

"Ang pagiging playboy, parang brain tumor lang yan. Only Miracle can cure it. Pero sa case mo po, your death silenced your dick."

Komportable akong magsalita since sa naaalala ko kay Uncle, he's cool. Ganyan din sya magsalita noon. Walang filter. Palibhasa kasi, nasanay sya sa pagpapalipat lipat ng mga bansa kaya naging liberated. Inshort, sosyal na malandi. Ganun lang yun. Haha!

"Sana hindi naman mag-bounce back sa mga anak mo yung mga ginawa mo noon. Ilan kaya ang pinsan ko?"

Curious naman kasi ako, baka mamaya magka-fling ako na ang ending ay pinsan ko pala. Edi nagkasala naman ako nun!

"May dalawa ka lang pinsan diba?" Napatalon naman ako sa gulat at napatingin sa pinagmulan ng boses. Si Manong lang pala!

"Manong naman eh!!" Inis na sabi ko.

"Hehe, pasensya ka na Misha. Nagtaka lang kasi ako kung bakit kausap mo ang hangin."

Inirapan ko na lang si Manong. Yeah right.

"Halika na nga Manong, uwi na tayo." Sabi ko at nagsimula ng maglakad papunta sa sasakyan na tanaw na tanaw ko naman mula dito.

Hindi na gaanong mainit, kumulimlim kasi ang langit at mukhang uulan na.

***

Hindi na ako nakapunta kina Keyla kahapon, kasi nga lumakas ang ulan at hindi na ako hinayaan ni Manang na lumabas ng bahay kahit pa sinabi kong malaki naman ang payong na dadalhin ko.

Pagdating ko sa tapat ng bahay nina Keyla, naabutan ko ang katulong nila na nag-aayos ng mga pananim sa garden.

"Magandang araw po, nandyan po si Keyla?" Tanong ko kaya napatingin sya sakin.

"Oh, Misha ikaw pala. Nandyan sya sa loob, puntahan mo na lang sa kwarto nya." Sabi ni Ale kaya pumasok na rin ako. Though kahit hindi nya ako payagan, papasok parin ako hehe.

Walang katok katok na nangyari at diretso ako sa pagpasok sa kwarto ni Keyla. Buti na lang at hindi naka-lock kaya hindi ko na kailangan pang buksan ng sapilitan ang doorknob. Wala pa namab akong dalang Hairpin.

"Sinasabi ko na nga ba at pupunta ka na naman." Naiiling na sabi ni Keyla habang tutok na tutok sa screen ng computer nya.

"Naman." Sabi ko at basta nanghila na lang ng upuan para tumabi ako sa kanya.

Kaso, ang liit liit ng upuang nakita ko at sobrang pandak ko pa kaya naman kaawa awa akong tignan. Di joke, hindi kaawa awa ang mga magagandang katulad ko noh!

"Oh? Alam mo naman kung anong ipinunta ko rito. Kaya sige na, spill." Pangungulit ko kaya naman napabuntong hininga sya at inexit ang isang anime website o kung yun man ang tawag dun.

"Tatlo lang naman ang sinabi nya." Buntong hininga ni Keyla kaya inirapan ko sya.

"Paki ko ba kung tatlo lang? Kahit pa dalawanpu yan, makikinig parin ako."

Sinamaan nya ako ng tingin pero nakipagtitigan lang rin ako sa kanya kaya inirapan nya na lang ako.

"Una, sinabi nyang hindi masama ang loob nya dahil sa ginawa ko. Atleast daw, sinabi ko ang totoo. Pangalawa, sinabi nyang handa syang maghintay. Hihintayin nya raw ako hanggang sa handa na akong magpaligaw,"

Sinabi naman pala ni Seon kay Keyla ang mga bagay na sinabi nya sakin. Buti naman at hindi tinamaan ng hiya at katorpehan ang isang yun.

"At ang pangatlo, parang ang hirap paniwalaan Mish. Parang bomba na biglang sumabog sa pagmumukha ko. He said he loves me. Sinabi nyang mahal nya ako Mish. Hindi ko... hindi ko talaga inasahan yun."

Ano namang hindi kapanipaniwala dun? Eh nagpropose na nga si Seon sa kanya sa harap ng maraming tao tapos nabigla pa sya nang magtapat si Seon? Aba, ibang klase naman pala ang level ng pagka-dense nitong si Keyla.

"Kung sintigas lang siguro ng bakal ang mga salitang Mahal Kita, sarap siguro nitong ihampas sa mga taong hindi makadama. Tulad mo, nasobrahan ka ata sa pagkamanhid eh."

At dahil sa mga sinabi ko, binatukan lang naman nya ako. Sakit nun, ano namang mali sa sinabi ko.

"Wag ka ngang hugot ng hugot, wala ka namang lovelife."

Nagsalita po ang may boyfriend...






Brrrruuu! Sabaw. Yeah, alam ko. Haha.





Vote, Comment & Be a Fan



My Friends' Love storyWhere stories live. Discover now