Chapter Twenty-one

33 0 0
                                    

Misha Laurel's POV

"At sa palagay mo ba maililigtas ka nyan sa kahihiyan?" At kumapit pa talaga si Miley sa braso ni Marcus.

"Kahihiyan? Ang alam ko lang na kahihiyan ay ang bagay na mararanasan mo ngayon." Nakangiting sabi ko sa kanya tapos ay tinanguan ko na si Marcus.

Ngumiti rin sakin ang loko pagkatapos ay tinanggal ang pagkakakapit ni Miley sa braso nya.

"You know Miley, I was never on your side." Sabi ni Marcus at bumalik na sa tabi ko.

Gumuhit naman sa mukha ni Miley ang sobrang pagtataka.

"Anong ibig sabihin nito?"

"Ibig sabihin nito ay hindi mo ako kailanman naloko. Hindi nyo ako maloloko. Tanga ka para isipin na kasing uto uto mo ako."

Nakita ko kung pano kumuyom ang mga kamay nya. Pero bahala sya. Mamatay sana sya ng maaga!

"Simula pa lang, alam ko ng mahirap ang ipapagawa mo. Pero para sa isang bagay na gusto ko na hawak mo, sinubukan ko parin. Kaso si Misha ang gusto mong saktan ko. Paano ko maloloko ang isang bitter na love expert? G*go lang ako pero hindi ako bobo. At ngayong nakuha ko na to," Itinaas ni Marcus ang tape na ibinigay sa kanya ni Miley kanina.

"Gagawin ko na ang napag-usapan namin ni Misha." Miley gritted her teeth as realisation hit her like a speeding bullet.

"Traydor ka!"

"You did this to yourself! Masyado kang makati at sobrang naiinggit ka sakin kaya mo to nagawa!"

Ngumiti sya at tumawa na parang sobrang nakakatawa ng sinabi ko. Tinuro nya ang sarili nya habang tumatawa pagkatapos ay nagsalita sya.

"Ako? Naiinggit sayo? Rot in hell, Misha. Hinding hindi ako maiinggit sayo at hindi ako makati!" Ngumisi ako sa kanya at tinaasan ko sya ng kilay.

"Oh really? Kasi hindi yan ang sinabi mo sakin noon,"

Hindi ko namalayan na wala na pala si Marcus sa tabi ko, nakaalis na pala sya at tumakbo papunta sa control room ng speaker sa buong school.

And the conversation that Keyla editted played, narinig ko ang pagsinghap ng mga studyante dahil sa nilalaman ng recorded convo.

"Kailangan mo ba ng advice para sa pagpapalindol sa kama? Sorry, wala kasi akong alam dyan. And besides, you don't need my advice. Dyan ka naman magaling, diba? Oh, let me rephrase that... Dyan ka lang naman magaling, diba?"

"Oo, magaling ako. Bakit, naiinggit ka? Magaling na magaling ako sa kama, you should ask Ivan. Kaya nga naagaw ko sya sa bestfriend mong stiff, diba?"

"Well, may dignidad kasi ang bestfriend ko. Hindi sya katulad mo."

"Sinasabi mo bang wala akong dignidad?!"

"Hindi ko sinabi yan, sa bibig mo mismo nanggaling na wala kang dignidad. Alam mo, minsan kasi para akong kutsilyo. Matalim ako kung magsalita." Ibinitin ko muna ang sasabihin ko at tumingin sa paligid.

"Pero tandaan mo, gaano man katalim ang kutsilyo... hindi ka masusugatan kung hindi ka tatamaan."

"Ah, before I forget. Kung gusto mo ng sex advice, bakit hindi ka na lang sa Mama mo magtanong? Tutal dati naman syang prostitute."

After it was done, it played again. Sa totoo lang, hindi naman talaga ganun kabigat ang pinag-usapan namin eh. But because of stupid students that loves to spread rumors, alam kong mamamatay sa kahihiyan si Miley. Kung nauso man sa kanya ang salitang yun.

"Yuck, kadiri ka talaga Miley. Nung nagsabog ata ng kalandian sa mundo, ikaw siguro mismo yung pinasabog."

"You bitch!" She aimed to slap me but I was able to slap her first.

"You whore! Ano bang kasalanan ko sayo at ginaganito mo ako? Ha?! You insecure little slut! Ano bang naging kasalanan ko, ha?!"

She looked at me with so much pain, na para bang inilagay ko sya sa isang impyerno at pagod na pagod na sya sa nangyayari sa kanya.

"Wala kang alam, dahil wala ka namang pakialam."

Then she pushed me and ran away, pinanood ko lang sya habang tumatakbo paalis.

Napailing na lang ako, mang-iinis at mambu-buwisit pero iiyak iyak naman pala. Tanga lang?


***


"Hindi ako makapaniwala na ginawa mo yun sa kanya Mish," Naiiling na sabi ni Sophie.

Napataas naman ang kilay ko, anong hindi sya makapaniwala?

"Bakit naman? Eh maldita naman talaga yan eh." Kaswal na sagot ni Keyla.

Tinignan ko naman sya at itinuro ang sarili ko.

"Ako? Maldita? Excuse me, I was just defending myself. What was I supposed to do, huh? Hayaan na lang syang ipahiya ako?" Depensa ko sa sarili ko.

Totoo naman eh, kung hindi plinano ni Miley na saktan ako ay hindi naman mangyayari sa kanya ang lahat ng to.

"Mish, plinano mo yung nangyari sa field. Plinano mong ipahiya si Miley,"

Inirapan ko sya, okay so talagang pursigido syang ipagtanggol ang haliparot na yun.

"Yeah, dahil alam kong plinano nya rin namang saktan at ipahiya ako. That's just fair, kung hindi ako nakaisip ng plano ako naman ang mapapahiya."

"Alam mo naman palang ipapahiya ka nya edi sana umiwas ka na lang, hindi lang sa nangyari nung isang araw kundi kay Marcus mismo. The moment you knew what they planned against you, sana umiwas ka na lang." Sabi naman ni Sophie.

"Miley had something against Marcus, I just helped him out of the goodness of my heart, you know." Nakangiting sabi ko sa kanya.

"Ah, okay." Mahina at malumanay nyang sabi habang mahinang tumatango.

Ganyan naman talaga yan lagi eh. Magpapasko na pero wala paring energy.

"Hoy, walang goodness yang haert mo uie!"

"Yeah whatever."

Pero naalala ko, hindi pa pala sinasabi sakin ng kumag na Marcus na yun kung anong dahilan ni Miley.





Hmmm, ano kaya ang sikreto ni Miley? And oh, magiging si Misha at Marcus kaya?! Haha!




Vote, Comment & Be a Fan

My Friends' Love storyWhere stories live. Discover now