Chapter Six

49 3 0
                                    

Misha Laurel's POV

Pagpasok na pagpasok ko sa school, parang bigla akong kinabahan. Parang may hindi magandang mangyayari... o nangyari. Napabuntong hininga ako, ngayon nga pala ang labas ng results ng first grading. Natural lang na kabahan ako. Pero sino bang niloloko ko? I know for a fact na wala akong line of 7. Yun lang naman ang importante eh, ang pumasa!

Then a text message flashed in my mind.

Fix this...

I'm going to choke whoever sent me that! Ngayon mas lalo akong kinabahan. I bit my lower lip as I entered my classroom, nakita ko si Keyla na hawak hawak ang phone nya.

That's strange, kadalasan kasi ay libro ang hawak nya o kaya laptop. Nginitian ko sya at umupo na sa tabi nya, she just smiled tightly.

"Good morning. You look strange today, is something bothering you?" Tanong ko sa kanya pagkatapos kong ilabas ang assignment notebook ko.

"May naghiwalay..." She whispered.

Napangiti ako, now this is a good news. May isang couple na naman ang naka-realise na wala talagang forever.

"And who's the lucky couple?" Excited ba tanong ko then the bell rung.

Kainis naman. Seriously, naiinis ako sa tunog ng school bell namin. Sobrang ingay.

"Ivan... and Julie."

Nawala ang ngiti sa mga labi ko. I know I was against their relationship. And I know Ivan has a possibility that he's cheating on Julie. Pero hindi ko naman gusto na maghiwalay sila agad agad! Mabigat pa to kay Julie! And by the looks of it, mukhang biglaan.

"Why?" That was the only thing that came out of my mouth.

Naiisip ko na ngayon ang sakit na nararamdaman ni Julie. My sweet little bestfriend, she's hurting right now. Mukhang gusto ko atang sakalin at katayin ng paulit ulit si Ivan.

"Mamaya ko na sasabihin, andyan na si Ms. Bea." Umayos na sya ng upo at itinuon ang atensyon sa harapan.

Napaawang ang bibig ko bago ako humarap sa kinaroroonan ng blackboard namin. Mukhang kailangan kong maghintay hanggang recess para sabihin nya sakin kung bakit naghiwalay sina Ivan at Julie. Arrggghhh!

Natapos ang dalawang period namin sa morning kaya recess time na for twenty-five minutes.

"Spill," Utos ko sa kanya.

She sighed before she answered. Pasuspense pa eh!

"Nakipaghiwalay si Julie kay Ivan kahapon. She uhh... she caught Ivan and Miley kissing."

I let out a cuss before I stood up, slamming both my hands on our armchairs. Nakuyom ko ang mga palad ko. That bitch! Bakit ba hindi nya kayang i-contain ang kati nya sa katawan?!

"Misha!" Narinig kong tawag ni Keyla sakin pero hindi ako nakinig.

Nagngangalit kong tinahak ang hallway papuntang canteen kasi alam kong laging pumupunta ron si Miley tuwing free time para iparada ang pinaniniwalaan nyang kagandahan. Tsk, ang pangit nya kaya!

Kung sinu-sino na ang nababangga ko pero wala na akong pakialam. Kasalanan ko ba kung hindi sila marunong tumabi?!

I reached the canteen and searched the whole area. Nakita ko naman agad si Miley na nakatingin sakin, she smirked the moment I looked at her. My eyebrow creased, akala nya ba nakakatawa ang ginagawa nya?! Ang ginawa nya?!

I know she's been angry at since God knows when! Sa pagkakaalam ko, wala naman akong ginagawang mali sa kanya. I get that she hates me. Pero tama bang idamay nya pati si Julie?!

"B*tch," I muttered before I calmed myself then walked towards her.

May biglang humila sa braso ko at nakita kong si Keyla yun.

"Misha, bumalik na tayo." Bulong nya sakin.

"No," I said firmly then put a smile on.

Nasa harap na namin si Miley, tumayo sya at iniabot sa kasama nya ang sandwich na kinakain nya.

"Recorder on, Keyla." Bulong ko.

Naguguluhan man, she pulled her phone and tapped it several times before she nodded at me.

"Oh, if its not for the forever non-believer love advicer, Misha Laurel. Bibigyan mo ba ako ng advice ngayon?" Nakangiting sabi ni Miley.

I smirked, forever non-believer love advicer? Saan namang planeta nanggaling yun?

"Kailangan mo ba ng advice para sa pagpapalindol sa kama? Sorry, wala kasi akong alam dyan. And besides, you don't need my advice. Dyan ka naman magaling, diba? Oh, let me rephrase that... Dyan ka lang naman magaling, diba?" Nakangising sabi ko sa kanya, her jaw clenched.

Bahagyang tumahimik ang canteen, nilakasan ko kasi ang boses ko para marinig yun ng mga students.

"Oo, magaling ako. Bakit, naiinggit ka? Magaling na magaling ako sa kama, you should ask Ivan. Kaya nga naagaw ko sya sa bestfriend mong stiff, diba?"

Imbes na magalit, natuwa pa ako. Bobo talaga ang isang to kahit kailan. Hindi nya alam na sa mga pinagsasabi nya, mas lalo syang napapahiya.

"Well, may dignidad kasi ang bestfriend ko. Hindi sya katulad mo." I smiled sweetly at her before I turned my back, pero mahigpit nyang hinawakan ang braso ko kaya napalingon ako sa kanya at tinabig ang kamay nya.

I felt Keyla's hand on mine, alam kong kinakabahan sya.

"Sinasabi mo bang wala akong dignidad?!" She said through gritted teeth.

"Hindi ko sinabi yan, sa bibig mo mismo nanggaling na wala kang dignidad. Alam mo, minsan kasi para akong kutsilyo. Matalim ako kung magsalita." Ibinitin ko muna ang sasabihin ko at tumingin sa paligid.

Humanda kayk dahil huhugot ako! Bwahahaha!

"Pero tandaan mo, gaano man katalim ang kutsilyo... hindi ka masusugatan kung hindi ka tatamaan."Mas lalo akong natuwa nang mabakas ko ang galit sa mga mata nya.

Sige, mainis ka lang. Natutuwa ako, tuwang tuwa akong bruha ka!

"Ah, before I forget. Kung gusto mo ng sex advice, bakit hindi ka na lang sa Mama mo magtanong? Tutal dati naman syang prostitute."

"Tama na,"

"Alam mo ba kung anong prostitute? You know, masamang babae, marumi, nagbebenta ng katawan, at panira ng pamilya."

"Tama na!"

"Ano? Galit ka? Kasi totoo. Kunsabagay, masakit nga namang marinig ang hubad na katotohanan."

Then the next thing I knew, she was on top of me. Clawing my skin and pulling my hair.

"Shit!" I cussed.

Syempre gumanti ako, gumulong ako at sinabunutan din sya.

"You bitch!" She yelled.

"You whore!" I yelled back.

Gumapang sya at kumapit sa isang upuan nang mapagod, pero sorry sya kasi sinimulan nya akong sabunutan. Hinila ko sya at sinabunutan ko uli, kinalmot at sinampal. Gumanti rin sya pero hindi kasing tindi ng kanina.

A loud whistle made us stop, it froze and silenced the whole student body present in the Canteen. We all looked at the direction where the sound of the whistle came.

At nakita ko doon nakatayo ang isang may katandaang lalaki.

Our Prefect Of Discipline.







Hala, patay kang bata ka. Haha! Wag tularan si Misha...




Vote, comment & Be a Fan

My Friends' Love storyDonde viven las historias. Descúbrelo ahora