Chapter Twenty-three

38 1 0
                                    

Misha Laurel's POV

Nandito si Julie sa bahay, mukhang isinumbong ako ni Manang sa kanya na hindi ako kumakain ng maayos. Though kumakain naman ako, ayoko pa kasing mamatay. Baka mamaya nyan ibigay ni Dad kay Miley ang lahat ng mamanahin ko.

Naku, mukhang hindi ata matatahimik ang kaluluwa ko pag ganun. Baka multohin ko si Miley hanggang sa umitim sya at maging kulot ang straight nyang buhok.

"Anong problema mo?" Tanong nya sakin.

I sighed and shook my head, does she have to know?

"Wala, wag mo akong alalahanin." I lied, and I know she'll find out that I did.

Pero anong magagawa ko? She looks up to my Dad, itinuring nya na parang ama na rin ang Dad ko. For sure, hindi maganda ang mararamdaman nya kung sakaling malaman nyang may anak sa labas si Dad.

At ang anak na yun ay si Miley, ang babaeng nanakit kay Julie.

"Yan ba talaga ang totoo?"

Tears stream down my pretty face, alam kong namumula na ang ilong ko dahil sa kaka-hingos ko pero wala akong pakialam.

"Ano bang gusto mong sabihin ko? Ha? Just go home, Juls." Tatayo na sana ako kaso hinawakan nya ang braso ko.

"Alam mo ba, nagkita kami uli ni Robin and mukhang gusto nya ako. That was weeks ago, I didn't tell you kasi alam ko naman na ang sasabihin mo. Baka bigyan mo pa ako ng mahabang litanya tungkol sa walang forever at wag na akong aasa."

"Pag may pinaramdam sayo ang crush mo, kabahan ka na. Baka networking yan."

Nakangiting kumunot ang noo nya pagkatapos ay marahan nyang hinampas ang balikat ko.

"Eeehhh!! Wag ka ngang panira!" She whinned.

I just chuckled, nakakagaan talaga ng loob ang makausap si Julie. Masarap sa pakiramdam. Wala naman akong sinabi, ah! Atsaka bakit ba yan nasama dito?! Balik na nga tayo sa realidad! Shoo na! Go away!

"He asked for my number and kinda asked me to go out with him tonight, kaya nga ako nandito para sabihin sayo kung gano ako kakilig ngayon. Pero ito ang nadatnan ko. I may not be a perfect bestfriend to you, but I've learned my lesson. Mish... bestfriend mo ako kaya responsibilidad kong damayan ka ngayon. Kaya sana sabihin mo sakin kung anong problema mo."

Really? Gusto nyang sabihin ko sa kanya kung anong problema ko. Ngayon pa? Ngayon pang may date sila ni Robin!

"No,"

"What?" Mukhang nagulat sya sa sinabi ko. Sa palagay nya ba talaga ay hahayaan ko syang mamroblema?

"Ang totoong nagmamahal, handang magtiis para sa taong minamahal nila. Ano naman sakin ang ilang oras na pagtitiis, diba? Pagkatapos ng date mo kay Robin, saka ko sasabihin sayo ang problema ko."

She pouted, mukhang ayaw nya sa set up na gusto ko. Pero wala syang magagawa, I will never let her blow her chance with her ultimate crush.

Kahit naman naniniwala akong walang forever, gusto ko paring sumaya si Julie. And I think, Robin can make her happy.

"Pero Mish..."

"Ayokong mamroblema ka, just enjoy your date with Robin."

***

A week has passed, hindi ko sinasagot ang tawag nina Mommy at Daddy. They're worried, kaya nga nakatanggap ako ng isang karagatang sermon mula kay Manang. And because I was hard to tame, napilitang mag-book ng flight sina Mommy pauwi rito sa Pilipinas.

Mabuti na rin yun, para naman personal kong masabi na alam ko na ang lahat.

At sa loob ng isang linggong yun, hindi na ako gaanong ginugulo ni Miley. Keyword, gaano.

"Haay naku, ang perfect ko talaga. Nasakin na kasi ang lahat eh, hindi katulad ng iba dyan. Right girls?" Nakangising sabi ni Miley na sinang-ayunan naman ng mga Froglets nyang alalay.

Kasama ko si Keyla at Sophie, and as usual ay walang pakialam si Keyla. Pero si Sophie? Hayan, nagtatagis ang bagang. At syempre, in a slow motion way. Haha XD.

I stepped closer towards Miley, pagkatapos ay sinuri ko sya from head to toe kaya napataas ang kilay nya.

"Maganda... Matalino... Matangkad... Mabait... at higit sa lahat... Malinis." I said then smirked at her.

"Yan ang mga bagay na wala ka, kaya wag kang ambisyosa!"

Nakita ko ang pagdilim ng mukha nya at ang pagkunot ng noo nya, akmang sasampalin nya ako nang iharang ko ang kamay ko sa pagmumukha nya.

"Wag kang lalapit sakin, at wag na wag mo ring idadampi ang marurumi mong kamay sa maganda kong mukha. Plastic ka, Hot ako. Baka masunog ka kung sakaling lumapat ang balat mo sa balat ko." Nakangising sabi ko sa kanya at umalis na.

That crazy little slut! Akala nya ba masasaktan nya ako? Ingudngod ko sya sa putikan eh!

Nagtatawanan na kaming umalis nina Keyla at Sophie.
Again, panalo na naman sa laban ng Hugot si Misha Laurel. Hehe.





Oh my gee, alam ko na ang tagal ko nang walang update at hindi ko pwedeng idahilan na busy ako kasi honestly ay hindi yun totoo.

Ang totoo, tinamad lang akong magpaload kaya hindi ako naka-update. Hehe. Peace tayo, lol.




Vote, Comment & Be a Fan

My Friends' Love storyWhere stories live. Discover now