EPILOGUE

69 2 0
                                    

Misha Laurel's POV

Graduation, akalain mo nga namang magiging ganito pala kadrama ang taon na to? Hayst, ganyan talaga ata pag graduating! Pero worth it naman ang lahat ng yun, at least naging masaya naman ang Bitter life ko.

"Haay naku, nakakaasar talaga! Wala akong love life, habang si Keyla tatahitahimik lang pero ayun. She's talking to Seon," Mahina at mabagal na reklamo ni Sophie kaya inirapan ko sya.

"Magpasalamat ka na lang sa kung anong meron ka. Hindi yung nagrereklamo ka sa kung anong wala ka." Sabi ko sa kanya.

She sighed at umirap, pero teka... Kausap ni Keyla si Seon? But its been two months since nung huli silang nagkausap! Naku naman, baka... hayst, I don't want to assume anything! I don't want to think of negative things today, its my graduation for Pete's sake!

Aalis na sana ako at hahanapin si Keyla nang biglang may humila sakin at yumakap. Handa na sana akong sipain sa bayag ang kung sino mang lalaking nagtangkang chansingan ako kaya lang ay humiwalay agad sya kaya nakita ko na ang mukha nya.

And its the least person I ever expected to show up in my graduation.

"Oh my! Clinton?! Geez, anong ginagawa mo rito?!" Gulat na sabi ko sa kanya.

"Well, naisip ko na baka hindi maging kompleto ang graduation mo kung hindi mo masisilayan ang kagwapuhan ko." Nakangiting sabi nya then he winked at me.

Binatukan ko naman sya habang natatawa,

"Sira ka talaga, ang hangin mo. But anyway, pakilala kita sa kaibigan ko." Sabi ko at hinila sya papunta kay Sophie.

Pero si Sophie? Nakatanga, nakanganga habang nanlalaki ang mga matang nakatitig kay Clinton.

"Hey, Sophie!" Tawag ko sa kanya pero mukhang naglakbay na sa Wonderland ang utak ng bruha.

"Solenn Pherina Melgo!" I shouted her name and looks like it brought her back to reality, nabilaukan sya sa sarili nyang laway pagkatapos ay namamanghang tinignan si Clinton.

"Hi there, Pretty." Clinton said then winked at her. Ang landi talaga ng lalaking to.

"Uh... Hello?" Nahihiyang sabi ni Sophie sabay lipbite kaya naman napairap na lang ako.

"Sige, mag-usap muna kayo at hahanapin ko pa si Keyla." Sabi ko.

Sophie was about to protest but I cut her off, alam ko namang gusto nya rin to. Ang dami pang arte!

"Shut up, Sophie. Mag-uusap lang naman kayo, hindi ka naman kakainin ni Clinton. Literally." Sabi ko at tumalikod na, pero bago ako tuluyang umalis ay kinurot ko muna ang tagiliran ni Clinton at bumulong sa kanya.

"Wag masyadong malandi, Off limits ang mga kaibigan ko. Pag yan sinaktan mo, expect mo nang mapuputol ang ayaw mong putulin ko."

He just chuckled as I walked away from them, maraming tao sa paligid kasi graduation nga kaya naman nahihirapan akong hanapin si Keyla. I sighed in frustration, pero naisip ko na hindi mag-uusap ang dalawang yun dito kasi maraming tao.

Where could they be? Saang parte ba ng school ang hindi gaanong pinupuntahan ng mga studyante? Lalo na ngayon kasi busy sila sa picture taking.

Hmm, Sa garden! I texted my Mom na may pupuntahan lang ako sandali sa classroom para hindi na sila maghanap pa sakin.

It was a lame excuse but its the first thing that came into my mind. Pagkarating ko sa garden, nakita ko agad sina Keyla at Seon pero syempre ay hindi ako lumapit. Moment nila yan eh.

"I'm leaving for Chicago, dun ako gustong pag-aralin ni Angkong. So I'll ask you again, Keyla. Will you be my girlfriend?"

Naku, maraming temptation sa ibang bansa! Err, sige na naman Keyla. Say yes! Baka magsisi ka!

My Friends' Love storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon