Chapter Two

125 3 0
                                    

Misha Laurel's POV

Okay, malapit na ang exams namin at hindi pa ako nakakapag-review. Plus the fact na naiinis ako dahil hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa isang project ko. Ano ba kasing silbi ng projects na yan? It's not as if gagawa rin ako ng ganyan pagkatapos ko nang mag-aral? Bakit? Mapapakinabangan ko ba yan kapag nagkaroon na ako ng trabaho? Hindi naman ah!

At ang aarte ng mga teachers na yan! Anong akala nila, hindi ko alam? Duh, isang malaking joke at niloloko lang nila ang sinasabi nila na sa college is mas mahirap pa ang mararanasan namin! Big joke! Oo nga, mas mahirap ang college but with more freedom naman! At kahit hindi pa ako nakakapag-college, alam kong hindi ganito katindi ang mga projects na ibinibigay sa level na yun! Anong akala ng mga teachers sa lahat ng estudyante? Tanga?!

Naglalakad na lang ako sa hallway at papunta sana sa Science laboratory para hanapin ang President ng Einstein's Children Club kaso bigla kong nakita si Jenny. I was about to approach her kaso napahinto ako sa paglalakad nang makita kong may sinuntok syang lalaki. Straight on the face. Hindi na ako nagtaka na nakikita ko syang nanununtok, may pagkabaliw yan eh.

Kilala ko ang lalaking yan, sya yung nakausap ko nun sa Garden. Well, buti nga sa kanya at nasuntok sya.

"Gago ka! Wag mo akong minamanyak!" Sigaw ni Jenny. Oh yeah, this is quite a show.

"Ikaw? Mamanyakin ko?! Tumingin ka nga muna sa salamin." Gusto kong matawa dahil sa pula ng mukha ni Jenny. Parang sasabog na sya sa galit. Haha. On the contrary, I can't say that I believe she was harassed since she could really make a big deal out of tinnie-tiny things most of the time.

"Ang yabang mo! Akala mo gwapo ka! Hoy, tumingin ka rin sa salamin!"

Umalis na lang ako since nakakarindi na ang sigawan nilang dalawa. Like, a petty fight like that is not worth my precious time.

Pagdating ko sa classroom, nakita ko si Chloe. Sya ang pinakasikat na babae dito sa school. But unlike those trying hard queen bees and feeling pretty frogs, Chloe is nice. And I really don't get it why she looks so dull today, parang stressed out sya o kaya kakagaling lang sa pag-iyak.

"Diba magaling kang magbigay ng advice? Care to give me one?" Bigla nyang sabi.

Ngayon lang nya ako kinausap na hindi related sa Academics or sa kahit anong activity. Mabait naman si Chloe, pero hindi ko lang feel minsan ang aura nya. Normal naman kasi talaga 'to sa mga taong maganda at amazing na tulad ko, yung feeling na you don't like someone for no reason at all.

"Si Prince Aris Ledesma ba?" I asked.

Naconfirm ko na tama nga ako kasi nanlaki ang mga mata nya. Alam kong may something sa kanila, they are like the royal ideal-couple of this school. Paano ba naman kasi, pareho silang good looking and talented. Lagi silang tampulan ng chismis kasi magkasama sila halos araw-araw pero todo parin ang pag-deny nila na may relasyon nga sila.

  Matagal ko na silang napapansin ni Aris na magkasama. Ewan ko nga eh. Sobrang tahimik ni Aris pero panay ang pagdadaldal ni Chloe sa kanya.  But I must say, bagay sila kahit ganun ang ugali nila. Kasi nga, there must be a little noise in every silence. And there is always a hint of light beneath an area of darkness. 

"Pa'no mo nalaman?"

"I am not stupid here, Miss Chloe. Ang masasabi ko lang, sana hindi puro yang nararamdaman mo na lang ang inaatupag mo. Isipin mo rin yung nararamdaman nya, dahil baka sa sobrang bulag mo dahil sa sakit na nasa puso mo ngayon... hindi mo nakikita yung mga bagay na sobrang halata na."

Gusto kong mapaisip sya kaya kahit tinawag nya ang pangalan ko ay umalis na ako nang hindi sya nililingon. Somehow, nahuhulaan ko ang issue nila ni Aris. It just figures, halatang may feelings sila ni Aris sa isa't isa pero hindi pa siguro nila official na inaamin. Then hindi sila nagkasama buong araw because there's this girl na lagi nang nakakasama nitong si Boy, and I think Chloe is jealous.

But if she'd ask me? Tingin ko naman platonic ang relationship ni Aris dun sa girl, nakita ko sila kanina sa canteen na sabay na naglu-lunch and even though may hint of closeness nga sa pagitan nila, I can clearly see the absence of romance.

Sobrang makulay ng lovelife ng maraming tao sa paligid ko. Isa sa mga patunay ko si Keyla.

She's oblivion that she has a stalker. Nakadungaw ako ngayon sa library at tinitignan ko si Keyla na nagbabasa ng libro. Sa di kalayuan, may isang lalaking pasimpleng nakatitig sa kanya at nagkukunwaring nagbabasa ng libro. Pumasok ako sa library at biglang may evil plan ang nag-pop up sa utak ko.

I flashed a devilish grin.

"Keyla," I shout whispered. Nilapitan ko sya at umupo ako sa tabi nya.

"Oh? Anong ginagawa mo dito?"

"Alam mo, sa pagkakaalam ko ay hindi pa naman ipinagbabawal sa library ang mga matatalinong katulad ko." Inirapan nya lang ako at ibinalik ang tingin sa binabasa nya.

"Ano bang babasahin mo dito?" Tanong nya sakin pero hindi ko sya pinansin.

I turned to that guy who was staring at Keyla earlier and I noticed that he looked away. Afraid to meet my gaze, tsk.

"Hey, you!" Sigaw ko at tinuro ko sya.

Luckily, wala ang librarian namin. Nag-aalinlangang napatingin sakin yung lalaki, well may itsura naman pala sya. Medyo tisoy, payat sya tapos chinito, may lahi atang intsik.

"Ako?" Itinuro nya pa ang sarili nya at dali dali akong tumango. Like duh, kami lang naman kasing tatlo ang tao dito.

"Hoy Misha, ano na naman yang gagawin mo?" Bulong sakin ni Keyla pero hindi ko sya pinansin.

"Come here!" Sigaw ko at dahan dahan namang naglakad papalapit yung lalaki, scratching his neck.

"A-anong kailangan mo?" Tanong nya sakin.

"First of all, what's your name? At wag kang mauutal kung ayaw mong hilahin ko yang dila mo." Pagtataray ko sa kanya.

I need to scare him para sundin nya ang sasabihin ko. I have to give an impression na madali akong magalit para naman masindak ko sya para makumbinse ko sya na makipaglapit na kay Keyla. I've been noticing him for quite some time now, but I really didn't give a damn about his presence until now that I realised na mayroon pala syang NTS. Nakakamatay na Torpeness Syndrome.

"Ako si Seon Go," Nahihiyang bulong nya.

Sinulyapan ko si Keyla at nakita ko ang pamumula nya. Hmm, kung makapag-blush naman ang bruha akala nag-uusap na sila. Oh well, ganitong itsura at postura naman talaga ang gusto ni Keyla. Yung may piercings at payat na medyo maputla, yun bang tipong langaw na lang ang pipirma tapos mamamatay na.

"Aalis ako sandali at babalik rin naman ako agad, gusto kong samahan mo ang kaibigan ko at siguraduhing ligtas sya. Pag may nakita akong gasgas mamaya pagbalik ko ay patay ka sakin,"

Nakita ko ang paglunok nya bago sya tumango at umupo sa tapat ko. Tinaasan ko sya ng kilay, nasan ang excitement kung nandun sya at hindi tatabi kay Keyla?

"Oh bakit dyan ka? Dito ka sa upuan ko at tumabi ka kay Keyla, wala namang nakakahawang sakit ang kaibigan ko."

"Mish, ano ba yang ginagawa mo?" Tumayo ako at tinignan silang dalawa na parang kamatis ang mga mukha. Sus, hula ko ay three months from now may boyfriend na si Keyla. And oh boy, I am more than excited.

"May narinig ako na may grupo ng mga mean girls ang gustong umaway sayo. I just want to make sure you're safe, may meeting kasi ako ngayon sa school paper and I need someone to be with you." Sabi ko at umalis na. It was a bluff. Wala naman talagang may planong mang-away sa kanya. At wala na rin akong planong balikan pa sya. Pag ngayon ay nag-usap sila ay mago-Oplan match making ako.

Pero kung hindi? Edi hindi.








Vote, Comment, & Be a Fan

My Friends' Love storyWhere stories live. Discover now