ii

4.1K 232 190
                                    

ii

Taehyung's POV

"Jungkook!" Sigaw namin ng makita naming tumakbo papalayo si Jungkook, napansin kong may sinusundan syang babae at ewan ko pero may nagsasabi na sumunod ako kaya tumakbo din ako sunod sa kanya.

Napatigil ako ng makitang may nakabanggang babae si Jungkook pero hindi nya ito tinulungan, patuloy lang sya sa pagtakbo hanggang sa may hinawakan syang babae at ipinaharap ito sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko ng maaninag ko kung sino yung babae, kalahati lang ng mukha nya ang nakikita dahil nahaharangan ni Jungkook pero kilala ko kung sino sya, yung babaeng hanggang ngayon nagmamay-ari ng puso ko. Gusto kong lumapit, gusto ko syang makita ulit at mayakap pero alam kong kailangan ko ng dumistansya sa kanya.

"Yesung Unnie!" May narinig akong sumigaw at sunod ko na lang na naramdaman na may bumangga sa akin hanggang sa may makita akong isang babaeng nakatayo habang nakatingin sa di kalayuan, sa direksyon kung nasaan sila Jungkook.

"Oh Somi-shhi?" Nilingon nito yung babaeng natawag sa kanya kanina agad syang nataranta ng makitang pinupulot na nung tinawag nyang Somi yung mga gamot na nakakalat sa sahig kaya agad syang tumulong dito.

Napatingin ako kila Jungkook at wala na yung babae sa harapan nya pero nakatayo pa rin si Jungkook doon. Napayuko ako at nakita kong may isang gamot ang malapit sa paanan ko. Pupulutin ko na sana iyon nh mga isang kamay din ang pumulot doon.

Ramdam ko ang maliliit na kuryente ng magtama ang mga balat namin. Inangat nya ang mga tingin nya at nagtama ang mga paningin namin.

Parang nakita ko na yung mga mata nya dati, hindi ko lang alam kung saan.

"Whaaa! Taehyung Oppa! Omo!" Agad nyang inagaw sa akin yung gamot na nasa kamay ko ng biglang sumigaw yung kasama nya. Kilig na kilig ito at nagbublush pa. Lumapit ito sa akin at agad akong niyakap.

"Ang swerte ko omo! Nakita ko ng malapitan si Taehyung Oppa" sabi nya habang nakayakap pa rin sa akin, maya maya ay hinawakan sya ng kasama nya at hinila palayo sa akin.

"Marami pa tayong gagawin Somi, mamaya ka na magfangirl" sabi nya dito pero mas humigpit lang ang pagkakayakap ni Somi sa akin.

May kinuha sya sa bulsa ng pantalon nya at inabot ang isang mobile phone doon sa babae. "Yesung Unnie, kuhanan mo kami ng picture ppali! Ok lang naman di ba Oppa?" Baling nya sa akin kaya tumango ako. Napailing naman yung tinawag nyang Yesung pero kinuha din nito yung mobile phone tsaka ibinaba yung box na dala nya tsaka umurong.

"Against the light" sabi nya tapos umurong sya ulit at sa kakaurong nya ay naurungan nya si Jungkook na naglalakad na papalapit sa amin.

Nahulog nya yung mobile phone ng kasama nya kaya dali-dali nya itong pinulot pero ganon din ang ginawa ni Jungkook kaya nagkauntugan silang dalawa.

"Unnie!" Umalis sa pagkakayakap sa akin yung kasama nya at nilapitan yung Unnie nya na namimilipit sa sakit dahil sa lakas ng pagkakauntog nito kay Jungkook.

"Gwenchanayo?" Tanong ko kay Jungkook at inakbayan sya, tumango naman sya at tinignan ko yung babaeng nakauntugan nya.

"Gwenchanayo?" Sabay naming tanong sa kanya kaya napatingin sya sa aming dalawa. Maya-maya ay napahawak sya sa ulo nya kaya lalong nataranta yung kasama nya.

"Omo! Naatake na naman ba Unnie? Eottokhae? Eottokhae Unnie?" Natatarantang sabi nito at hindi alam ang gagawin.

"Calm down Somi, I'm ok" biglang sabi nito in English tapos inalalayan naman sya ni Somi. Tinulungan din namin sya ni Jungkook na naiupo sa isang malapit na bench.

***
"Hindi ako yung Yoora-ng sinasabi mo, pwede ba"

"Hindi ako yung Yoora-ng sinasabi mo, pwede ba"

"Hindi ako yung Yoora-ng sinasabi mo, pwede ba"

"Hindi ka ba kakain?" napukaw ang pag-iisip ni Jungkook ng marinig nyang magsalita si Jin na nakaupo sa tapat nya.

Hindi mawala sa isip nya yung babaeng nakita nya kanina sa school grounds. Hindi sya pwedeng magkamali, si Yoora iyon. Mula sa mukha hanggang sa pangangatawan nito, siguradong-sigurado syang si Yoora ito kaya nagtataka sya ng sabihin nitong hindi sya si Yoora.

"Kumain ka na, magsisimula na mamaya yung program" sabi naman ni Yoongi sa kanya pero nanatiling nakatingin sa kawalan si Jungkook. Nagkatinginan naman ang mga kamiyembro nya, hanggang ngayon ay hindi na nila alam kung anong gagawin sa Maknae nila.

Maya-maya ay tumayo ito at walang paalam na lumabas ng kwarto king saan sila nakain. Napakamot naman ng ulo si Namjoon at Jimin dahil sa nangyari habang si Taehyung ay sinundan ng tingin ang kagrupo hanggang sa mawala ito sa paningin nya.

"Hyung" tawag ni Taehyung sa mga kasama nya. Nakuha naman nya ang mga atensyon ng mga ito.

"Nandito si Yoora Hyung, nandito sya" kita nya ang pagkagulat sa mga mukha ng kasama.

"Pero di ba --" hindi na natapos ni Hoseok yung sasabihin nya ng tignan sya ni Taehyung. Maski kasi sya ay hindi pa rin naniniwala at sumusuko ba patay na si Yoora. Ramdam nya na buhay pa ito, ramdam nya.

Yesung's POV

"We are lucky to have these boys here, they were so popular but they choose to be with us for a month, let us all welcome BTS" isa-isang naglakad papunta sa gitna ng maliit stage ang mga miyembro ng BTS. Nagpakilala sila at yung mga fans nila ay nag-ingay.

"Taehyung Oppa!" Rinig kong sigaw ni Somi mula sa tabi ko. Gustong-gusto nya talaga yung member ng BTS na si Taehyung. Halos mapuno ang apartment namin ng mukha ng mga lalaking nasa harapan namin ngayon, maski mobile phone nya ay puro BTS ang laman.

Habang nakatingin sa kanila ay unti-unting nasakit ang ulo ko, pakiramdam ko may kung ano sa kanila na nagtitrigger sa pagsakit ng ulo ko. Araw-araw kong nakikita ang mga mukha nila sa apartment namin ni Somi pero never kong naranasan ang pagsakit ng ulo ko ng ganito. Isang beses lang, yung unang beses na idinikit nya yung poster nung tinawag nyang Jungkook.

"Annyeong haseyo! Yura imnida!" Pakilala nung isang magandang babae mula sa Jeju National University. Napalingon ako sa paligid at nakita ko kung paano sya sugudin ng mga member ng BTS. Binigyan sya nito ng mahigpit na yakap at may napa-iyak pa.

"Bakit ngayon ka lang nagpakita?" Tanong nung isa sa kanya pero bakas sa mukha nya ang pagtataka.

"Noona" tawag ulit nung lalaking nakauntugan ko kanina. Bakit ganon sa tuwing naririnig ko ang tawag na iyon pakiramdam ko ako yung tinatawag.

-----
Lame! Lame! Lame!

I'm going to edit this!

I know nalilito kayo pero soon lilinaw din ang lahat. XD

This story will only have 30 chapters, kung saan pipilitin kong pahirapan si Jungkook XD.

Yun lang.
K.Dot.
Share lang, lang may pake.

P.S: Pakisabi sa BigHit paki balik na yung kalan namin, hinahanap na ni Mama ok?

Hold Me TightWhere stories live. Discover now