xxv

2K 164 99
                                    

xxv

"Ah Somi, pwedeng magtanong?" Tanong ni Jimin kay Somi na kasalukuyang naka-upo sa tapat nya. Napalingon naman si Somi sa kanya at tumango.

"Matagal na ba kayong magkakilala ni Yesung?" Napansin ni Jimin na nabigla si Somi sa tanong nya pero pilit nitong itinago. Kahit na alam nyang si Yoora at Yesung at iisa, madami pa rin syang hindi maintindihan sa mga nangyayari.

"Si Yesung Unnie? Neh, mga ilang taon na rin, classmate ko sya simula nung first year kami hanggang ngayon bakit?" Sagot ni Somi sa tanong ni Jimin at tumango-tango naman ito. Maya-maya ay tumabi si Jungkook kay Jimin na naka-upo sa isang mahabang sofa.

Halos lahat ay nag-aayos na para sa nalalapit na pagbabalik nila sa Seoul dahil tapos na ang Medical Mission na sinalihan nilang lahat. Magbabalik na naman sa dati ang mga buhay nila pero hindi para sa isang taong kilala nya.

"Jinjja? Kaya pala close na close na kayo" sabi ni Jimin sabay ngiti kay Somi kaya ngumiti rin ito pabalik.

"Pero pansin ko lang, ano yung iniinom na gamot ni Yesung na palagi mong ibinibigay?" Tanong ulit nito at napatingin si Somi kay Jungkook na nakikinig lang sa kanila.

"Yun ba? Jintongje" sagot ni Somi habang nakatingin sa mga mata ni Jungkook.

"Jintongje? Wae?" Takang tanong ni Jungkook kay Somi. Napangiti naman si Somi dahil sa tanong ni Jungkook sa kanya. *Painkiller, why?*

"Palagi kasing may masakit kay Unnie" nakita nya ang pagtataka sa mga mata ng dalawang kasama nya dahil sa sagot nya.

"Ibig kong sabihin palagi kasing masakit ang ulo ni Unnie kaya binibigyan ko sya ng painkiller, naaksidente kasi sya dati kaya palaging nasakit ang ulo nya" paliwanag nya para mas maintindihan ng dalawa.

"Aksidente? Anong aksidente?"

"Cha-e chi" *hit by a car*

"Kawawa naman pala si Yesung Noona" komento ni Jungkook kaya napatingin si Somi sa kanya at napangisi.

"Yesung Noona?" Ulit nito sa huling sinabi ni Jungkook at napatawa sya kaya napakunot ng noo si Jungkook. Simula umpisa ay ramdam na Jungkook na ayaw ni Somi sa kanya.

"Wae?" Napailing naman si Somi pero nakatawa pa rin ito.

"Hanggang ngayon ba hindi mo pa rin pansin?" Balik na tanong ni Somi. Mas lalo tuloy nagtaka si Jungkook dahil sa mga sinasabi ni Somi at ikinikilos nito.

"Ang ano?"

"Ah Somi baka hinahanap ka na ni Hanuel Hyung" singit ni Jimin sa usapan nilang dalawa pero hindi sya nito pinansin.

"Hindi Yesung ang totoong pangalan ni Unnie" tumayo si Jimin mula sa pagkaka-upo nya at lalapitan nya sana si Somi pero sinabi na nito ang sikretong pinagkasunduan nilang hindi nila pakikielaman kahit kailan.

"Yoora, Choi Yoora ang totoong pangalan ni Yesung Unnie" kita sa mukha ni Jungkook ang pagkagulat dahil sa sinabi ni Somi, samantalang hindi naman malaman ni Jimin kung anong gagawin nya sa dalawa.

"C-choi Yoora?" Patanong na ulit ni Jungkook pero tinignan lang sya ni Somi.

"Sabi mo mahal mo si Choi Yoora di ba? Pero hindi mo nahalata na si Yesung at Yoora ay iisa" dagdag pa ni Somi. Napailing si Jungkook at mabilis na tumakbo palabas ng kwartong iyon.

Kaya pala pamilyar ang mga kinikilos ni Yesung sa kanya, ang mga ngiti nito at mga mata dahil sya si Yoora. Wala ng pakielam si Jungkook sa mga nakakabangga nya sa daan, ang gusto nya ay makita si Yesung at tanungin ang lahat.

Napahinto sya sa tapat ng isang babaeng nag-aayos ng mga gamit sa likod ng isang van. Tinignan nya itong mabuti at nilapitan ito saka niyakap ng mahigpit.

"Noona" tawag nya dito kasabay nun ang pagtulo ng mga luha nya.

---
Nagulat si Yoora ng biglang may yumakap sa kanya mula sa likod. Paalis na sya ng Jeju at mauuna sya kesa kila Somi dahil kailangan nyang makabalik agad sa Seoul.

"Noona" hindi na nya kailangang lumingon para malaman kung sino yung tumawag sa kanya, sa lahat ng natawag sa kanya ng Noona, itong lalaking ito ang pinakaespesyal sa puso nya.

Matagal na rin simula nung huli nyang maramdaman ang mga yakap ni Jungkook, gusto nya pa sanang magtagal ito pero hindi pwede. Inalis nya ang mga kamay ni Jungkook na nakayakap sa kanya. Hinarap nya ito at bakas dito ang pagtataka, muli syang nilapitan nito at hinawakan ang mga pisngi nya at muli syang niyakap.

"Noona, Yoora Noona, jeongmal bogoshipo" bulong nito sa kanya.

"Jungkook ano ba!" Sigaw sya sabay tulak ulit kay Jungkook para lumayo ito sa kanya. Ramdam nya ang pamumuo ng mga luha nya dahil nakikita nyabg umiiyak si Jungkook pero hindi pwede, dapat maging matapang sya.

"Bakit hindi mo sinabi na ikaw si Noona?" Napangisi si Yesung dahil sa sinabi ni Jungkook.

"Dapat ba Jungkook? Dapat ko bang sabihin sayo?" Sarkastikong sagot ni Yesung kay Jungkook at kita nya nasaktan ito dahil sa sinabi nya.

"Neh, Noona. Dapat sinabi mo sa akin kasi boyfriend mo ko" muling napangisi si Yesung at napailing.

"Namja chingu? Jinjja? Sa pagkaka-alam ko wala na akong boyfriend simula nung piliin nya si Han Eun-ah kesa sa akin"

"Noona, aniyo. Hindi ko naman sinasadya--" hindi natapos ni Jungkook yung sasabihin nya dahil pinutol na ito ni Yesung.

"Hindi sinasadya? Paano kung sabihin ko syang hindi ko din sinasadya na hindi sabihin sayo na ako si Yoora ha Jungkook? Masakit di ba?" Hindi na napigilan ni Yesung ang pagpatak ng mga luha nya.

"Anong pakiramdam ng pinaglalaruan? Anong pakiramdam ng pinaasa? Na akala mo sya na pero hindi pala? Anong pakiramdam ng maghintay sa wala? Wala pa yang sakit na nararamdaman mo sa sakit na naramdam ko noon Jungkook!" Muling lumapit si Jungkook kay Yesung at pilit nya itong niayayakap pero inaalis nito ang mga kamay nya at nalayo ito.

"Noona! Mahal pa rin kita! Mahal na mahal!"

"Mianheyo Jeon Jungkook pero ako kasi hindi na. Hindi ko sinabi na ako si Yoora kasi hindi na kita mahal. Naneun dangsin-eul deo isang salanghaji anh-a" matapos sabihin ni Yoora ang mga salitang iyon ay umalis na sya sa lugar na iyon at iniwan nya si Jungkook na umiiyak. *I don't love you anymore*

------
*le pray na may nababasa ba*

Hold Me TightWhere stories live. Discover now