xxxix

1.2K 54 10
                                    

xxxix

Napatigil ako sa paglalakad ng makita ko ang pares ng sapatos na nakatigil sa di kalayuan. Di ko na kailangan pang tignan ang mukha ng kung sino man ang may suot non dahil alam na alam kong mahilig sya sa ganong uri ng mga sapatos.

Nagsimula akong maglakad ulit pero nanatili akong nakayuko. Dahan dahan akong naglakad papalapit sa kanya at ng malapit na ako ay sinadya kong lampasan sya para malaman kung anong magiging reaksyon nya. Nakatatlong hakbang na ako palayo sa kanya ng naramdaman kong humarap sya sa akin.

"Noona" gamit ang malalim nyang boses ay tinawag nya ako. Tumigil ako at humarap sa kanya, nagkasalubong ang mga mata namin at nakita kong seryoso ang mukha nya at bahagyang nakakunot ang noo nya.

"Hindi mo ba ako nakita?" Seryosong tanong nya sa akin. Nagkunyari ako nagulat na makita sya bago bahagyang lapitan.

"Omo! Jeon Jungkook? Yung maknae ng BTS?" Nakapahawak pa ako sa bibig ko na parang manghang-mangha. Para akong isang fan na nakita ang idol nya sa personal sa unang pagkakataon.

"Noona" bakas sa boses nya na naiinis na sya sa ginagawa kong pang-aasar sa kanya.

"Omo! Omo!" Patuloy lang ako sa kunyaring paghihysterical ng bigla nyang kunin ang kamay ko at hinila ako papalapit sa kanya at halikan dahilan para matahimik ako. Inilayo ko ng konti ang mukha ko sa kanya matapos ang halik na iyon. Tinitigan ko bawat detalye ng mukha nya. Mula sa buhok nyang tumatakip sa noo nya ngayon, sa mga mata nyang palagi akong nalulunod kapag tinitignan ko, sa ilong nyang halos perpekto na dahil sa tangos nito, sa pisngi nya na gustong gusto kong hinahawakan at sa labi nya.

Napalunok ako ng mapatigil ako sa pagtingin sa labi ni Jungkook, hindi sya ang first kiss ko. Wala din naman akong pinagsisihan na hindi si Jungkook ang first kiss ko pero gusto kong sya na lang ang palaging hahalik sa akin. Wala sa loob kong hinawakan ang malambot at mapulang labi nya.

"Eun-ah" bigla bumalik sa akin yung nga panahong nasa camp fire kami at dinare ko si Jungkook na halikan nya sa labi yung taong mahal nya. Wala pagdadalawang isip nyang hinalikan yung babae katabi nya na sa pag-aakala nya ay ako. Halos madurog ang puso ko habang nakatingin sa kanilang dalawa noon, pakiramdam ko namatay na ako nung mga panahong iyon.

"Yoora" napaangat ako ng tingin ng tawagan nya ako hindi sa honorifics na palagi nyang ginagamit sa akin kundi sa mismong pangalan ko. Nagtama ang mga mata namin at unti-unti kong nararamdaman ang dahan-dahang pagkalunod habang nakatingin sa mga mata nya. Gusto ko simula ngayon sa akin lang nakatingin ang mga mata nya, wala ng iba. Sa akin lang magiging makasarili na ako simula ngayon.

Naramdaman kong humigpit ang pagkakahawak nya sa bewang ko kaya may napalapit ako sa kanya. Rinig na rinig ko ang pabilis na pabilis na pagtibok ng puso ko. Unti-unti gumalaw si Jungkook upang alisin ang distansya sa aming dalawa. Nakita ko ang pagpikit nya, alam ko ang gusto nyang mangyari. Ipipikit ko na rin sana ang mga mata ko ng biglang may isang mabilis na liwanag ang napansin ko. Bahagya ko syang itinulak at lumingon-lingon sa paligid.

"Shibal" may narinig akong bulong sa di kalayuan. Maya-maya ay may ilang tao ang naglalakad papalapit sa amin. Hinawakan ni Jungkook ang kamay ko tsaka kami tumakbo paalis sa lugar na iyon. Nakarating kami ng Han River para lang iligaw yung mga taong humahabol sa amin.

"Sino sila?" Takang tanong ko kay Jungkook na naghahabol pa rin ng hininga nya ngayon. Hinawakan nya ang mukha ko kaya napatingin ako sa mga mata nya, bakas dito ang pag-aalala.

"Nakalimutan mo na ba Noona? Dispatch. Kasalanan ko to" sagot nya sa akin at sinisisi nya ang sarili nya. Nakaramdam ako ng kaba dahil sa sinabi nya. Bakit nga ba nakalimitan ko na Idol pa rin si Jungkook at hindi sya titigilan ng mga paparazzi hanggng walang nakukuhang bagay na makakasira sa trabaho nya.

Naguupisa na naman ba akong sirain ang buhay nya? Magiging problema na naman ba ako sa mga pangarap nya?

"Jungkook paano kung---" hindi ko natuloy yung sasabihin ko ng hilain ang ni Jungkook papalapit sa kanya at yakapin ng mahigpit. Ibinaon nya ang ulo nya sa leeg ko habang nailing.

"Aniyo Noona, hindi ako papayag na umalis ka naman. Kung kinakailangan na iwan ko ang pagiging Idol para sayo gagawin ko. Wag mo lang ako iwan ulit"

Ako naman ang umiling, "Andwae Jungkook, andwae"

-------------

'Jeon Jungkook of BTS spotted with a girl last night. Could that be his new girlfriend?' -Dispatch

'Is Empress ex member Choi Yoora alive? See photos below' -AllKpop

Bumuntong hininga ako at napapikit ng makarating ako sa tapat ng pintong iyon. Hindi ko alam kung ano ba talagang nararamdaman ko o tama ba yung gagawin ko. Nalilito ako, pakiramdam ko nahahati yung katawan ko sa kung ano bang dapat kong o kung dapat kong sundin yung gusto ng puso ko.

Hinawakan kong ng mahigpit yung sendura ng pinto ng kwartong iyon. Maka-ilang beses kong pinang isipan ang bagay na ito kagabi at palaging iyon na ang sagot na nakukuha ko mula sa sarili ko kahit na alam kong mabigat at maaring may hindi magandang mangyari sa gagawin ko.

Binuksan ko ang pinto at dahan-dahang pumasok sa loob. May isang mahabang lamesa sa gitna ng kwartong iyon at isang swivel chair na nakatalikod sa akin pero alam kong nakaupo ang taong pakay ko sa upuan na iyon.

Inilapag ko ang papel na hawak ko sa mesa nya. Biglang humarap ang upuan at sinalubong ako ng seryosong tingin ng lalaking naka-upo doon. Ngumiti ako sa kanya pero nananatili lang na blangko ang mukha nya. Matagal ko na ring hindi nakikita ang lalaking may ginampanang napakalaki sa buhay ko.

Napansin nya ang papel na nakapatong sa ibabaw ng mesa nya at kinuha nya ito. Ilang minuto ang lumipas bago nya ibaba ang papel sa mesa. Muli syang tumingin sa mga mata ko at tumayo.

"Sigurado ka ba sa bagay na ito Yoora?" Hindi ko maiwasang hindi mapangiti dahil sa pagtawag nya sa pangalan ko.

"Ne, PD-nim"

--------

Hold Me TightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon