v

2.7K 189 234
                                    

v

Kailangan ko na bang mag-apply sa BigHit?

----
Agad na sinalubong ng mga nakatira sa isang bayan malapit sa Jeju University ang van nila Yesung. Nandoon na yung mga volunteer doctors na sila na lang ang hinihintay dahil sa Van nila ipinadala yung mga gamot na kakailanganin.

Pagkababa ni Yesung ay agad syang dumiresto sa likuran ng van na dala nila para tumulong sa pagbubuhat ng mga kahon ng gamot. Ito yung inayos nya kahapon kasama si Jungkook at Jimin.

Nadaanan ni Yesung si Yura na nakatayo lang sa gilid ng van kaya nilapitan nya ito at inabutan ng maliit na kahon ng mga gamot. Iritado itong tumingin sa kanya at inirapan sya.

"Kaya ka nga sumama sa Medical Mission na ito para tumulong di ba?" Malumanay na sabi nya dito pero hindi pa rin sya nito pinansin. Inilabas nito ang foundation nya mula sa bag nya at naglagay nito sa mukha nya. Gusto mainis ni Yesung, hindi maiiwasan sa ganitong mga Medical Mission ang mga nakikijoin lang. Yung mga nasabi lang na sumama para masabing mabait sila, pero naaawa sya sa mga ganong tao. Ewan nya, pakiramdam nya nakakaawa yung mga taong hindi marunong tumulong sa kapwa nila.

Tinalikuran nya si Yura at sya na lang ang nagdala ng kahon na iyon sa malapit na mesa. Muli syang bumalik sa likod na bahagi ng van ay may dalawa pang kahon na hindi nakukuha.

Kukunin na sana nya yung pinakamalaking kahon ng ganon din ang ginawa ni Jungkook dahilan para mahawakan nya ang kamay nito. Nagkatinginan sila hanggang sa mapahawak na naman sya sa ulo nya.

"Noona nomu yeppeo" bigla na lang sumakit ang ulo nya at may nakita syang isang mukha na malabo at nakatingin sya kanya. Hindi nya ito mamukhaan pero sigurado syang nakangiti ito.

"Gwenchanayo?" Narinig nyang may nagsalita kaya napa-angat sya ng tingin at ng makita nya kung sino yung nagsalita ay tinalikuran nya ito kahit na ramdam nya ang sakit pa rin ng ulo nya.

"Mianhe" sabi nung lalaking nakita nya, samantalang nanatiling nakapikit si Yesung dahil sa sakit na nararamdaman nya. Nung medyo nawala na yung sakit ay kinuha nya yung kahon at humarap na dun sa lalaking nagsalita kanina.

"Ako na magdadala nito Yesung" sabi ni Jungkook kaya napatingin ulit sa kanya si Yesung, maya-maya ay akmang kukunin ni Jungkook yung kahon nito mula sa pagkakahawak ni Yesung pero hindi nito ito ibinigay. Umiling si Yesung, "Gwenchana, ako na lang ang magdadala"

"Aniyo, ako na" sabi nung lalaking kanina pa nakatayo sa harapan nila at kinuha na yung kahon mula sa kamay ni Yesung. Napatingin naman si Jungkook dun sa lalaki.

"Nuguya?" Tanong nya dito, napansin nya na wala itong I.D na kagaya sa kanila.

"Kim Hanuel, Medical Student from Seoul University" pakilala nito sabay lahad ng kamay sa harapan ni Jungkook pero tinignan lang ito ni Jungkook.

"Hanuel-ah" tawag ni Yesung dito saka nya inalis yung kamay ni Hanuel na naka-abang pa rin kay Jungkook.

"Ah ne, kami ng bahala, kamsahamnida Jungkook-shhi" paalam ni Yesung kay Jungkook saka nya tinulak si Hanuel para maglakad na ito palayo. Mukhang magkakainitan pa sila.

"Sabi mo baka hindi ka makapunta?" Tanong ni Yesung habang naglalakad sila ni Hanuel. Napatingin sa kanya yung lalaki at napangiti ito.

"Na miss mo na ako agad?"pang-aasar nito sa kasama kaya nakatanggap ito ng hampas sa braso nya mula kay Yesung.

"Ani, alam kong magaling kang doktor kaya iniisip ko baka malaki ang maitulong mo sa medical mission na ito" sagot ni Yesung. Maya-maya ay naramdaman nya na hinawakan ni Hanuel ang kamay nya.

"Ganon ba?" Malungkot na tanong ni Hanuel dahil sa sagot ni Yesung sa kanya. Simula ng makilala nya ito ilang taon na ang nakakaraan hindi na talaga ito magaling magtago saloobin o magsinungaling. Kung anong nasa isip nya yun ang sasabihin nya kahit alam nyang nakakasakit na sya.

"Hindi ka man lang nagmessage o tumawag" sagot ni Yesung. May himig ng pagtatampo sa boses nito, tinignan ulit ni Hanuel si Yesung, bakas na naman sa mukha nito ang lungkot.

"Gwenchanayo? Naatake na naman ba?" Seryosong tanong ni Hanuel kay Yesung dahil naabutan nya ito kaninang nakahawak sa ulo nito. Hindi agad sumagot si Yesung, nakarating na sila sa isang mahabang mesa at inilapag ni Hanuel doon ang kahon na dala nya.

"Dun muna ako sa mga bata" paalam ni Yesung saka itinuro yung ilang mga kabatang nag-aaral magbasa sa di kalayuan.

Sinundan ng tingin ni Hanuel si Yesung habang naglalakad ito palayo sa kanya.

"Kelan mo ba balak palayain ang sarili mo Yesung?"

----
"Jungkook-shhi"

"Jungkook-shhi"

"Jungkook-shhi"

"Jungkook-shhi"

"Jungkook-shhi"

"Jungkook-shhi?" Bigla na lang may naramdaman na kung ano si Jungkook ng tawagin sya ni Yesung sa ganong pangalan.  Kung hindi sya nagkakamali, isa lang ang tumawag sa ganoong pangalan at yun ay si Yoora nung una silang magka-usap.

Sinundan nya ng tingin yung babaeng naglalakad palayo sa kanya habang may kasama itong lalaki. Yung paglalakd nito at kung mahaba lang ang buhok nito, iisipin nyang si Yoora ito dahil parehong-pareho sila ng paraan kung paano magdala ng sarili.

"Jungkookie, gwenchanayo?" Napukaw sa pag-iisip si Jungkook ng makita nya ang Noona nya sa harapan nya. Pulang-pula ang labi nito dahil sa lipstick, may blush-on din ito at makapal ang mascara-ng nakalagay sa mga pilik nito.

Lumapit ito sa kanya at kumapit sa braso nya kaya nakaramdam sya ng pagka-ilang. .

Nagsimula silang maglakad kasunod ni Yesung at Hanuel. Nakita nya kung paano sila mag-asaran at hampasin ni Yesung yung kasama nya sa braso. Bigla nya tuloy naalala yung mga hampas na ginawa sa kanya ni Yoora noon dahil inasar nya ito.

Maya-maya ay napatigil sya sa paglalakad ng makita nyang hinawakan nung lalaki yung kamay ni Yesung.

"Waeyo?" Nag-aalalang tanong ng Noona nya sa kanya. Napatingin sya dito at may kakaiba talaga syang nararamdaman. Parang may mali.

Kasama nya ang Noona nya ngayon, pero pakiramdam nya hindi pa rin.

----
Guys.. Wag nyong seryosohin ok?
Ang lalalim ng theories nyo eh.

Promise mababaw lang talaga to.

Baka nga madissappoint pa kayo kapag natapos na tong story na ito eh.

Yun lang hue hue.

Makapagtype na nga sa The Main Dancer, beast mode na si Jinri, bakit daw di na sya nalabas XD

Hold Me TightWhere stories live. Discover now