xii

2.1K 166 171
                                    

xii

"Annyeong Unnie" napalingon si Yesung ng biglang may magsalita habang naka-upo sya sa isang bench sa park na malapit sa apartment nila.

Pinatay nya yung music player nya, at inalis yung headphones nya saka ngumiti dun sa nagsalita na nakatayo pa rin sa gilid nya.

"Pwedeng umupo?" Tanong nito kaya umusog sya ng konti at tumango, umupo naman ito at ngumiti sa kanya.

"Ikaw yung kumanta ng Save Me di ba?"

"Ne, wae?" Tanong pabalik ni Yesung sa kausap. Nakita nyang umiling ito saka ngumiti.

"Wala lang, apat na araw na kasi akong kasama nyo pero ikaw na lang ata yung hindi ko pa nakaka-usap" paliwanag nito. Hindi naman kasi si Yesung yung klase ng tao na sya yung unang mag-aaproach sayo, pwera na lang kung ikaw ang unang kakausap sa kanya. Mas gusto nyang si Somi o Hanuel lang ang kasama dahil sila lang naman talaga ang kakilala nya talaga.

"Mianhe, hindi lang talaga ako sanay na makipag-usap sa mga taong hindi ko kilala" sagot ni Yesung. Napalingon muli yung kausap nya at napansin nyang napatingin ito sa mobile phone nya at napakunot ang noo.

"Pamilyar yung phone case mo Unnie, parang nakakita na ako nyan dati" sabi nito kaya napahigpit ng kapit si Yesung sa mobile phone nya. Nakatingin pa rin ang kausap nya sa mobile phone nya, bigla naman syang kinabahan pero maya-maya ay ngumiti na ito at umiwas ng tingin.

"Ikaw naman Unnie, hindi ko naman kukunin yang phone case mo. Nacutan lang talaga ako" sabi nito, maya-maya ay inilahad nito ang kamay nya sa harap nya.

"Kanina pa tayo nag-uusap hindi pa ako nagpapakilala, Han Eun-ah" nakipagshakehands naman si Yesung.

"Yesung, Moon Yesung" pakilala din nya. Pagkatapos nun ay may narinig silang nagtatawanan, maya-maya ay dumaan si Jungkook kasama ang Noona nya. Magkaholding hands sila tapos may hawak na plactic si Jungkook sa isang kamay nya.

Pareho silang napatigil sa paglalakad ng makita si Eun-ah at Yesung na nakaupo sa isang bench. "Anong ginagawa nyo dito?" Tanong ng babaeng kasama ni Jungkook, tumayo si Eun-ah at nagbow kaya ganun din ang ginawa ni Yesung.

"Wala po Unnie, nagpapahangin lang" sagot ni Eun-ah. Napa-angat ng tingin si Yesung at nagtama ang mga paningin nila ni Jungkook pero agad din syang tumingin sa iba.

"Jinjja? Mamaya pumasok na kayo, mas malamig na mamaya" paalala nito sa kanila, tumango naman sila at nagpaalam na sila na mauuna na silang umuwi.

"Haystt! Ang swerte talaga ni Unnie" sabi ni Eun-ah dahila para mapatingin sa kanya si Yesung.

"Wae?"

"Girlfriend sya ni Jungkook, siguro kung umayos lang ako dati kami pa rin hanggang ngayon" may panghihinayang sa tono ng boses ni Eun-ah.

"Sana alagaan ni Unnie si Jungkook ng mabuti, deserve nya maging masaya dahil nasaktan ko sya ng sobra noon" dagdag pa nito. Hindi naman alam ni Yesung ang gagawin o sasabihin. Ito ang ayaw nya sa mga taong di nya kilala, bigla-bigla na lang magkukwento sa buhay nila, sa mga bagay na pinagsisisihan nila.

Tumayo si Eun-ah at nagpaalam na.
"Una na ako Unnie, salamat oras" sabi nito bagi tuluyang umalis.

Nagtagal pa ng konti si Yesung sa lugar kung nasaan sya ngayon bago bumalik sa apartment nila.

---
Someone's POV

Napangiti sya ng makita ang isang pamilyar na mukha na natingin sa kanya at nakangiti. Lumapit sya dito at kinuha yung beanie na suot nito saka isinuot sa sarili nya.

"Yoora" walang emosyon na tawag nito sa kanya pero hindi nya ito pinansin, mas pinagtunan nya ng pansin ang beanie na kinuha nito mula sa lalaking nasa harapan nya.

"Bagay ba sa akin Yoongi Oppa?" Tanong nya pero nananatiling poker face ang Oppa nya kaya napapout sya. Inalis nya iyon sa ulo nya at ibinalik na sa Oppa nya.

"Oh! Masungit ka pa rin hanggang ngayon" maktol nya sa kausap. Kinuha naman nito yung beanie at hinila sya papalapit sa kanya. Inayos nito yung buhok nya at saka inilagay yung beanie sa ulo nya.

"Isip bata ka pa rin hanggang ngayon" sabi nito habang inilalagay yung beanie, kinurot naman nya sa tyan ang Oppa nya. Kahit kelan ang bunganga talaga ng Yoongi Oppa nya dire-diretso. Kung anong gusto nyang sabihin-sasabihin nya.

Matapos nitong ilagay yung beanie ay hinaplos nito ang buhok nya. "Bakit ka nagpagupit? Mas bagay sayo ang mahabang buhok" napakunot naman ang noo ni Yoora dahil sa sinabi ni Yoongi.

"Eh? Bakit ganyan ka kung makipag-usap sa akin Oppa, kinikilabutan tuloy ako sayo" asik nya. May kakaiba kasi sa kinikilos ng Oppa nya. Maya-maya ay inakbayan sya nito at dahan-dahan silang naglakad.

---

"Hyung, pansin ko palagi kang may kasamabg babae tuwing gabi" napalingon si Yoongi dahil sa sinabi ni Jungkook sa kanya. Tumabi ito sa kanya at nagtaas-baba ng kilay.

"Girlfriend mo ba yun Hyung? Ang bilis mo ah! Isang linggo pa lang tayo dito meron ka na agad girlfriend" dagdag pa ng maknae nila. Umusong si Yoongi dahil nagsisimula na nyang marandaman ang sakit dahil sa bigat ng maknae nila na nakasandal sa kanya.

"Sinusundan mo ba ako, Kookie?" Seryosong tanong ni Yoongi kay Jungkook kaya nawala ang mga ngiti nito.

"Ani! Bakit kita susundan hyung? Nagkataon lang na sa tuwing nakikita kita sa labas tuwing gabi ay may kasam kang babae. Sino yung Hyung? Pakilala mo naman kami!" Pangungulit pa rin ni Jungkook sa Hyung nya.

"Wag na, mas magandang huwag mo na syang makilala" napatahimik naman si Jungkook dahil sa sinagot ni Yoongi. Sanay naman syang mabara ng nakakatanda dahil ganito talaga ang ugali nito pero parang iba na yung ibig nyang sabihin sa sinagot nito.

"Sino ba yun hyung?" Ulit ni Jungkook. Tumayo si Yoongi mula sa pagkaka-upo at naglakad na paalis.

"Yung totoong Yoora" bulong Yoongi pero mukhang hindi narinig ni Jungkook.

Naiwan naman nakatulala si Jungkook. Kailangan nyang malaman kung sino yung babaeng palaging kasama ni Yoongi, pakiramdam nya kasi may hindi tama.

----
Baka sabihin nyo may gusto si Yoongi kay Yoora! Ngayon pa lang po sinasabi ko na sa inyo na wala ok? Wag ng gumawa ng ibang barko XD

Hold Me TightWhere stories live. Discover now