iv

3.1K 195 291
                                    

iv

"San ka nanggaling Unnie?" Tanong ni Somi sa kadarating lang na si Yesung. Magkasama sila sa iisang kwarto kung saan sila pansamantalang tutuloy para sa sinalihan nilang Medical Mission at kanina nya pa kinokontak ang kasama nya pero hindi ito nasagot.

Hindi sya nito pinansin, inalis nito ang suot nyang jacket at umupo sa kama nila. Narinig nya pa ang pagtunog ng bracelet ng Unnie nya. Tinignan nya ito ay nakita nyang napapikit ito at napabuntong hininga.

"Uminom ka ba ang gamot mo Unnie?" Dahil sa tanong nyang iyon ay nakuha nya ang atensyon ng nakakatanda. Tumingin ito sa kanya at umiling bago tuluyang humiga sa kama.

Tumayo si Somi mula sa kinauupuan nya at lumapit sa bag ni Yesung saka nito kinuha ang isang bote kung saan nakalagay ang mga gamot ng Unnie nya. Kumuha rin sya ng isang basong tubig bago lapitan si Yesung na nakahiga pa rin ngayon.

"Unnie" tawag nya dito, umupo naman ito saka nya inabot yung gamot na hindi nito ininom. Napatitig si Yesung sa mga ito.

"Saeng, kailangan ko pa ba talaga inumin ang mga iyan?" Tanong ni Yesung kay Somi.

"Ayaw mo na ba Unnie?. Gusto mo na bang bumalik sa dati ang buhay mo?" Balik na tanong ng nakakabata kay Yesung. Napatingin naman sya dito, alam nyang kapakanan nya lang ang inaalala ni Yesung pero hindi pa rin nya maiwasang ibalik sa normal ang buhay nya.

Ilang segundo pang tinitigan ni Yesung ang mga gamot sa kamay ni Somi bago nya ito kinuha at ininom.

"Magiging maayos din ang lahat Unnie" sabi ni Somi kay Yesung kaya ngumiti ito. Kinuha nito ang mobile phone nya sa bulsa ng jacket na suot nya kanina.

"No message again?" Iritadong sabi ni Yesung ng makita nyang walang bagong message sa mobile phone nya.

"Baka busy pa si Hanuel Oppa Unnie" Singit naman ni Somi, napatango na lang si Yesung. Hanggang ngayon ngayon ay hindi pa rin sya kinaka-usap ni Hanuel.

***
Maagang pa lang ay nasa labas na si Somi at Yesung. Ngayon ay pupunta sila sa isang malapit na bayan para magbigay ng libreng check-up at mga gamot sa mamayan dito. Hindi man sila Medical student ni Somi ay gustong-gusto nilang nakakasama sa mga ganito para makatulong sa kapwa. Isa pa, nakakakuha sya ng maraming ideas sa iba't-ibang mga tao at tanawin na nakikita nya sa bawat pagsama nya sa mga missions para sa mga proyekto nila sa eskwelahan. Naiinispire din sya sa mga iba't-ibang kwento ng mga taong nakakasalamuha nya dito.

Unti-unti ng nadami ang mga tao na kasama nila sa Medical Mission. Nilabas ni Yesung ang camera nya at kinuhaan sila ng mga litrato. Gagamitin nya ito sa school publication nila, hindi lang film student si Yesung sa Seoul University, isa rin syang writer sa school publication nila.

Naka-ilang kuha na si Yesung ng mga litrato, gustong-gusto nyang subject ang madaming tao. Pakiramdam nya kasi konektado sya sa mga ito. Pagharap ng kamera ni Yesung sa bandang kanan ay napatigil sya ng makita sa lente ng kamera nya yung pinakabata miyembro ng grupong BTS.

Maya-maya ay napalingon ito sa kanya kaya ibinaling nya agad sa katabi nito ang camerang hawak nya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Maya-maya ay napalingon ito sa kanya kaya ibinaling nya agad sa katabi nito ang camerang hawak nya. Agad namang ngumiti at nagV sign si Jimin sa harap ng camera ni Yesung dahilan para ibaba ng babae ang camerang hawak nya.

"Kunan mo kami ng Jungkook" bigla na lang hinila ni Jimin si Jungkook papalapit kay Yesung at nagsabing kunan sila ng picture.

"Hyung, ang aga-aga pa oh!" Maktol ni Jungkook kay Jimin pero ayaw magpatalo ni Jimin.

Hindi alam ni Yesung pero bigla na lang syang napangiti, ipinuwesto nya ulit ang camera nya at inadjust ang lens nito. Inakbayan ni Jimin si Jungkook at ngumito ito, samantalang nakapokerface naman ni Jungkook.

Matapos kunan ni Yesung ng litrato yung dalawa ay kusang gumalaw ang kamay nya upang izoom ang camera para tanging mukha na lamang ni Jungkook ang makunan nya.

"Yeorobun!" Agad na ibinaba ni Yesung ang camera ng may magsalita nagpaalam na rin si Jimin sa kanya at hinila nya ulit si Jungkook palapit sa mga kamirembro nila sa di kalayuan.

Nagsimulang magsalita yung lalaki, ipinaliwanang nito ang lugar na pupuntahan nila, at kung anong gagawin nila doon. Nung una ay nakikinig pa si Yesung pero maya-maya ay kinuha nya yung camera nya at sinimulang tignan yung mga pictures na kinunan nya kanina.

Napatitig syang maigi sa screen ng camera nya ng makita yung mga pictures ni Jungkook, maya-maya ay isang ngiti ang gumuhit sa labi nya.

***
"Jungkook, Yura, Yesung" tawag nung pinakaleader nila sa grupo. Isa-isa silang tinatawag para malaman nila kung saan Van sila nakaassign bago umalis ng Jeju University.

Naunang pumunta malapit sa Van si Yura, sumunod si Yesung at pinahuki ay si Jungkook. Inabutan si Yura ng isang I.D bago pumasok  sa loob Van, ganon din kay Yesung pero bago pa sya makapasok ng Van ay tinawag sya ni Somi at pinaalalahan syang uminom nga gamot sa tamang oras dahil baka magkaiba sila ng lugar mamaya. Madami pang binilin si Somi kay Yesung at ng magkaintindihan sila ay pumasok na din ng Van si Yesung. Halos puno na yung van dahil nauna na yung iba pa nilang kasama sa loob, ang tanging bakante ay sa likod. Sa tabi ni Jungkook na katabi ni Yura.

Habang nasa biyahe sila ay tahimik  lamang si Yesung kahit na medyo maingay sa bandang unahan ng Van dahil magsama-sama yung mga maiingay doon. Nakatingin sya sa labas ng bintana at kung may magustuhan syang tanawin ay kinunan nya ito ng litrato.

"Noona" napatigil sya ng biglang magsalita yung katabi nya sa gitna.

"Galit ka pa rin ba sa akin?" Dagdag pa nito. Nakita nya sa peripheral vision nya na nakatingin si Jungkook dun sa babaeng katabi nya sa kabila.

"Aniyo" narinig nyang sagot nito. "Hindi kita pinansin kasi natakot lang ako na bumalik na naman sya" napalunok na lamang si Yesung ng marinig nya ang sinasabi ng kausap ni Jungkook.

"Hindi na sya babalik Noona, hindi na" sagot ni Jungkook.

"Mahal kita Noona, pero mas kailangan ako ngayon...." napahawak si Yesung sa ulo nya.

-----
Still confused?

Gusto kong malaman kung ano sa tingin nyo ang nangyayari sa story na ito ngayon.

Comment your theories guys...
Malay nyo tama pala kayo haha. XD

Hold Me TightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon