x

2.3K 175 251
                                    

x

"Eto Unnie, pwede?" Tanong ni Somi sabay pakita ng isang kahoy na nakita nya sa dinadaanan nila. Tinignan ito ni Yesung at tumango.

"Tama na saeng, madami na tayong nakuha" yaya ni Yesung kay Somi na naghahanap pa rin ng mga kahoy na pwedeng gamitin sa camp fire nila mamaya. Isang linggo na ang nakakalipas simula nung magsimula yung medical mission nila at napagdesisyunan na magpahinga muna sila saglit kaya magkakaroon sila ng campfire mamaya.

Sabay na naglakad pabalik si Yesung at Somi sa lugar kung saan sila gagawa ng bonfire mamaya.

Pagkalapag nila ng mga kahoy na kinuha nila ay agad itong inayos ni Yesung ng maramdaman nyang may lumapit sa kanya. Pag-angat nya ng tingin ay nakita nya ang isang gwapong lalaki. Ng magkasalubong ang mga tingin nila ay ngumiti ito sa kanya.

"Ah pwede mo ba akong tulungan na magluto ng hapunan natin?" Nahihiyang tanong nito sa kay Yesung

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ah pwede mo ba akong tulungan na magluto ng hapunan natin?" Nahihiyang tanong nito sa kay Yesung. Napatayo naman si Yesung at tumango.

"Nakita kasi kita nung isang araw na nagluluto kaya magpapatulong sana ako sayo" paliwanag nito habang naglalakad sila papunta sa kung saan nagluluto ito. Itinuro ni Seokjin yung mga gagawin ni Yesung at agad silang nagsimula na magluto.

Pagkatapos nilang magluto ay agad nila itong inihanda tsaka sila kumain ng sabay-sabay. Sunod ay inutusan ni Seok Jin si Jungkook na samahan ni Yesung na maghugas ng pinggan.

Tahimik lang na nagsasabon ng mga pinggan si Yesung samatalang panay naman ang sulyap sa kanya ni Jungkook.

"Mahugas ka na lang" bigla nagsalita si Yesung kaya nagulat naman si Jungkook. Agad nyang kinuha yung baso na nasa harapan nya at dahil puno ng sabon ang kamay ni Jungkook ay dumulas ito sa kamay nya at nahulog. Rinig ang tunog ng basong nabasag sa lugar kung saan sila naghuhugas.

Agad namang inalis ni Yesung yung gloves na sout nya at nilapitan si Jungkook na umupo na para pulutin yung mga piraso ng baso na nabasag.

"Ako na" sabi ni Yesung habang dahan-dahang pinupulot yung mga malalaking piraso ng bubog pero hindi pumayag si Jungkook.

"Ani, ako na" sabi din nya kaya napatingin si Yesung sa kanya at nagkasalubong ang mga tingin nila.

Kinuha ni Jungkook yung mga nakuhang bubog mula sa kamay ni Yesung at sya na ang nagpatuloy ng pag-lilinis nito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kinuha ni Jungkook yung mga nakuhang bubog mula sa kamay ni Yesung at sya na ang nagpatuloy ng pag-lilinis nito. Bumalik na lang si Yesung sa paghuhugas ng pinggan.

---
"Aya!" Sigaw ni Somi matapos lagyan ni Hanuel ng alcohol ang sugat ni Yesung na nakuha nya dahil sa pagpulot ng bubog kanina. Napakunot ang noo ni Hanuel dahil sa ginawa ng kapatid.

"Pabo-yah!" Sabi ni Hanuel kay Somi kaya nagpout naman ito. "Ikaw ba ang may sugat ha?" Asik nito sa kapatid nya kaya nakatanggap si Hanuel ng palo mula dito.

"Hajima! Nag-aaway na naman kayo eh!" Awat ni Yesung sa magkapatid na nag-aaway pa rin hanggang ngayon. Pareho silang tumigil saglit pero maya-maya ay nagsisihan naman.

"Doon na tayo sa may bon fire, magsisismula na" napatigil yung pag-aaway ng magkapatid ng lumapit sa kanila si Taehyung at niyaya na silang lumapit sa may Bonfire. agad namang nagwala si Somi kaya pinauna na sya nila Yesung na sumama kay Taehyung

"Tsk tsk, hindi ko na talaga alam ang gagawin sayo Yesung. Hanggang dito ba naman nasusugatan ka?" Out of the blue na sabi ni Hanuel kay Yesung habang inililigpit yung mga ginamit nya na panglinis sa sugat ni Yesung. Ngumisi naman ito at saka tumayo na mula sa kinauupuan nya.

"Sanay naman akong masaktan Hanuel, wala ng bago dun" sagot nito bago magsimulang maglakad papunta sa kung nasaan na yung bonfire.

"Unnie! Dito ka dali!" Tawag ni Somi kay Yesung, lumapit naman ito sa kanya at umupo sa tabi nito. Inabutan naman agad ni Jimin si Yesung ng marshmallows na nakatusok sa may stick at kinuha nya iyon.

"Ayan so guys, since nandito na rin naman na tayong lahat except kay Eun-ah na maagang natulog ngayon, let's play a game " sabi ni Namjoon sabay pakita ng isang bote.

"Common na nilalaro sa mga camping, spin the bottle pero walang dare puro truth lang para lang mas makilala natin ang isa't-isa since medyo matagal pa tayong magkakasama. Ok na ba? So start na tayo" inabot ni Namjoon yung bite kay Yoongi na mukhang wala sa mood dahil inaantok na sya.

"Kapag tumigil sayo yung dulong parte ng bote, ikaw yung tatanungin at kung saan tumuro yung unahang parte sya yung magtatanong" paliwanag nya kung paano nila lalaruin yung laro. Pinaikot na ni Yoongi yung bote at tumigil yung unahang parte ng bote kay Jin at yung dulong parte kay Jimin.

"Whoa!" Sigaw nila ng makitang si Jimin ang tatanungin.

"Saeng, bakit ang pogi ko?" Tanong ni Seokjin kay Jimin na naging dahilan ng pagtawa ng lahat.

"Hyung, mana ka kasi sa akin kaya ganun" sagot ni Jimin na hindi sinang-ayunan ni Seokjin at nagkaroon ng kumosyon.

"Aiish! Tama na yan! Ipaikot mo na yung bote Jimin!" Sigaw ni Yoongi kaya napatahimik lahat. Kinuha na ni Jimin yung bote at nagsimula na ulit sila sa paglalaro.

Nakailang paikot na sila ng bote hanggang sa tumigil yung unahang parte kay Taehyung at yung dulong parte kay Jungkook. Napatahimik ang lahat.

"Hyung, mahal mo pa ba si Noona?" Lahat ay nakatingin kay Taehyung na hindi man lang nagbago ang expression ng mukha, maya-maya ay ngumisi ito.

"Ano bang klaseng tanong yan, Kookie? Oo naman" seryosong sagot nito.

"Kaibigan ko pa rin naman sya di ba?" Dagdag nya pa. Walang nagtangka na magsalita pagkatapos nyang sumagot. Kinuha ni Taehyung yung bote at sya yung nagpaikot nito, sakto namang tumigil yung unahang parte kay Yesung at yung dulo kay Jungkook.

Hindi alam ni Yesung kung anong gagawin, nakaramdam sya ng pagbilis ng tibok ng puso nya dahil sa pagtapat sa kanya nya ng bote. Halos lahat ay nakatingin sa kanya at naghihintay ng itatanong nya.

"Kung nandito yung taong mahal mo halikan mo" nagulat ang lahat ng iyon ang sabihin ng Yesung. Umangal si NamJoon dahil wala nga silang dare pero pinigilan sya ni Jungkook.

"Hyung, gwenchana" sabi nito sabay harap sa babaeng katabi nya ngayon at hinalikan ito sa labi.

Matapos yung halik ay tumingin si Jungkook at ngumiti si Yesung sa kanya. Kinuha ni Jungkook yung bote at ipinaikot ito. Tumigil yung unahang parte kay Hanuel at yung dulong parte kay Yesung.

"Yesung-ah" tawag ni Hanuel kay Yesung, nilingon naman sya nito.

"Jeongmal haengbokhaeyo?" Napatigil si Yesung sa itinanong ni Hanuel, matagal ito bago nakasagot. *Are you really happy?"

"Aniyo"

-------
Lame! Mianhe!

Shout out sa may mga theories pa rin hanggang ngayon! Yung iba tumatama na! Haha XD

Hold Me TightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon