xxvi

2K 129 27
                                    

xxvi

Flashback (A week before going to Jeju Island)

"Medical Mission in Jeju Island?" Ulit ni Somi sa sinabi ni Yesung Unnie nya at tinignan ang isang papel na iniabot nito sa kanya.

"Seryoso ka Unnie? Malapit na ang end ng semester at alam mong sobrang busy natin di ba?" Hindi naman sa ayaw nyang samahan ang Unnie nya sa Jeju Island, gusto nga nya dahil matagal na nyang gustong nakapunta sa lugar na iyon per iniisip nya lahat ng mga deadlines ng mga gawain nila.

"Exactly! Kapag sumama daw tayo dyan, maeextend ang deadline mga Short film natin kay Mr. Lee!" Napatingin si Somi sa Unnie nya mukhang masaya ngayon, nakangiti ito pero alam nya at ramdam nyang hindi totoo ang saya na iyon.

6 years ago...

Nagising si Somi dahil sa lakas ng pagkalabog at sigaw ng Oppa nya sa pinto ng dorm nya. Inis syang bumangon at pinagbuksan ito ng pinto at laking gulat nya ng may buhat-buhat itong isang babaeng duguan at walang malay.

Mabilis na ipinasok ng Oppa nya yung babaeng walang malay sa loob ng dorm nya at ihiniga sa sofa nya. Nagpanic naman sya dahil hindi nya kilala ang babaeng iyon at baka mapahamak pa sila.

"Oppa sino sya ha? Bakit ang daming dugo?" Sunod sunod na tanong ni Somi sa Oppa nya pero hindi sya nito pinansin. Inilabas ni Hanuel mula sa bag nya ang stetoscope nya at tinignan kung may pulso pa ang babae.

"Mamaya ka na magtanong Somi, kumuha ka ng towel at tubig para malinis ko ang sugat nya ppali!" Utos ng Oppa nya at kahit gusto nyang magreklamo at sumunod na lang sya alam nyang gusto lang makatulong ng Oppa nya.

Pagbalik nya ay agad na sinimulan ni Hanuel ang paglilinis ng mga sugat nung babae. Nung mawala na yung nga dugo na nakabalot sa mukha nung babae at parehong napatigil yung dalawa.

"Di ba sya si--"

"Oppa! Baka makasuhan tayo nyan ah! Idol yan eh!" Asik ni Somi ng mamukaan nila na si Choi Yoora yung babaeng sugatan na dinala ng Oppa nya sa dorm nya.

"Pero di ba nabalitang patay na sya?" naalala naman ni Somi yung balita mga 2 buwan na ang nakakalipas na patay yung isang miyembro ng Empress.

"Hala! Wag mong sabihin na multo yan Oppa!" Tumayo si Hanuel mula sa pagkakaupo at binatukan ang kapatid nya.

"Her heart is still beating Somi so it means that she's not dead right?" Napapout na lang si Somi dahil nagsimula ng magenglish ang Oppa nya.

"Saan mo ba sya nakita Oppa? Tsaka bakit ganyan yung mukha nya ang daming sugat?" Pumunta si Hanuel sa kusina ng dorm ni Somi kaya sumunod ito.

"I found her lying in the middle of the road, dying. I think she was hit by a car. Gusto ko syang dalhin sa ospital pero bago sya tuluyang mawalan ng malay ay nasabi nya pa sa akin na wag ko syang dadalhin sa lugar na iyon kaya dito ko sya dinala sa dorm mo" paliwanang ni Haneul sa kapatid.

"Anong gagawin natin sa kanya Oppa, mukhang kailangan nya talagang dahil sa ospital dahil sa mga sugat nya" sabi ni Somi habang tinatanaw yung babae na nakahiga sa sofa mula sa kusina ng dorm nya.

"Call Appa, sya lang ang makakatulong sa atin ngayon"

---

"Her face were a little bit damage because of the car incident especially here at the left side of her face, I suggest that she must undergo on a surgery to fix this" napatingin si Hanuel kay Somi matapos ipaliwanag sa kanila ng isang doktor ang dapat gawin kay Yoora.

"Is there any other way to--"

"There is but it may not be successful and it may cause her life" natigil ang pag-uusap nila ng sabihin ng isang nurse na gising na si Yoora kaya agad nila itong pinuntahan.

"Nuguya? Jega jigum odee-eenayo?" Sunod-sunod na tanong nito sa kanila na sinagot naman ni Hanuel. *Who are you? Where Am I?*

"Gwenchanyo Yoora Unnie?" Tanong ni Somi pero kumunot ang noo nito. *Are you Ok Yoora Unnie?*

"Yoora? Salam eun Yoora?"  *Who is Yoora?*

---
Mahigit isang linggo na ang nakakalipas simula ng alagaan nila si Yoora na hindi pa rin nakaka-alala.

"May Choi Yoora bang naka-admit dito?" Napatigil si Hanuel ng marinig nyang may magtanong ng pangalan ni Yoora. Nakaramdam sya ng saya na may naghahanap pa pala sa kanya pero nabigla sya sa sunod na ginawa ng babae.

Naglabas ito ng marami pera at inilapag sa lamesa. "Kung may iaadmit na Choi Yoora ang pangalan dito patayin mo na agad, kung hindi ikaw ang mamamatay arraseo?" 

Agad na pinuntahan ni Hanuel ang kwarto ni Yoora at itinakas mula sa lugar na iyon, iyon din ang dahilan kung bakit pumayag syang magpaplastic surgery si Yoora. Alam nyang mali dahil hindi naman sya kaano-ano ni Yoora pero hindi din naman nya kayang hayaan itong mapahamak.

---
"Ireumi mwoyeyo?" Tanong ni Hanuel sa babaeng naka upo sa tapat nya. Iba na ang mukha nito dahil na rin sa plastic surgery na ginawa sa kanya, konti lang naman ang inayos kaya kita pa rin yung dating features ng mukha nya. *What is your name?*

"Jeoneun Moon Yesung imnida" sagot naman sa kanya nito.

"Tama ba tong ginagawa natin Oppa? Binabago na natin sya eh" asik ni Somi sa kapatid.

"That girl, Han Eun-ah is still looking for her. Mas gusto ko ng ganito sya kesa naman mapahamak sya" sagot ni Hanuel.

"May gusto ko ba sa kanya Oppa?" Balik na tanong ni Somi kay Hanuel at ngiti lang ang isinagot nito.

------
From this chapter up to the next 2 chapters you will be reading flashbacks.

Flashbacks ng kung ano nga bang nangyari kay Yoora mula ng iwan nya si Jungkook hanggang sa present na nangyayari sa kanila ngayon.

Haha yun lang.

*inamag ulit yung story*

Hold Me TightWhere stories live. Discover now