xxvii

2K 121 20
                                    

xxvii

Patuloy lang sa pagtakbo si Yoora para makalayo sa lugar na iyon, sa lugar kung nasaan si Jungkook.

"Noona!" Napatigil sa paglalakad si Yoora ng maalala nya ang pamilyar na tawag na iyon, humigpit ang pagkakapit nya sa maletang dala-dala nya at nagsimula ng mamuo ng mga luha sa mata nya. Pumikit sya para mapigilan nya na tumulo ang mga ito pero hindi nya nagawa.

"Passengers of Flight 0613, please proceed to the departure area" pakiramdam nya ay napako ang mga paa nya sa kinatatayuan nya. Umaasa sya na may darating at pipigil sa kanya pero mukhang malabo na iyon. Bumuntong hininga muna sya bago sya naglakad muli.

"Flight 0613 will take off in 5 minutes" Malapit na sya sa Departure area ng muling napatigil sa paglalakad si Yoora.
Lumingon sya sa likuran nya at nakasalubong nya ang isang lalaking hindi nya kilala at inabot nya dito ang maletang hawak nya.

"Pwede bang pasabay muna nito sa loob? Naiwan ko yung phone ko sa restroom eh" pakiusap nya, nagtaka yung lalaki pero hindi nya ito pinansin. Kinuha ni Yoora ng isang kamay nito at iniabot yung maleta nya saka tumakbo pabalik sa loob ng airport.

"Yah! Pero aalis na yung eroplano!" Sigaw nito sa kanya pero patuloy lang sya sa pagtakbo.

Ng makabalik na sya ng airport ay nakita nya si Jungkook na pilit na tinataksan yung security, lalapitan nya sana ito ng may nagtakip ng kung ano sa bibig nya hanggang sa tuluyan na syang mawalan ng malay.

"Noona kajima!"

Pagkagising nya ay nasa isang lugar sya na hindi pamilyar at nakita nya si Seungho na nakatingin sa kanya. Nakaramdam sya ng takot pero hindi nya ito ipinakita, alam nyang ang lalaking nasa harap nya ay ang lalaking minsan nyang minahal noon. Seungho was Yoora's first love but everything changed when she found out kung sino nga ba talaga si Seungho.

"Annyeong Yoora" sabi nito sa kanya kaya ngumiti rin sya dito. Tumayo ito mula sa pagkaka-upo at nilapitan sya. Tinapatan sya nito at muling ngumiti si Yoora.

"Jaljinaeyo? Matagal na din simula nung huli tayong nakapag-usap diba Seungho Oppa?" Pagsisimula nya ng usapan, gusto nyang maka-usap ito ng kagaya lang din ng dati, nung mga panahon na maayos pa ito pero hindi nya inaasahan ang sunod na ginawa nito sa kanya. *How are you?*

Ramdam ni Yoora ang dugo na lumabas sa labi nya matapos syang sampalin ng malakas ni Seungho, her heart starts to beat faster again, flashbacks about what happened few years ago were rushing in her mind and she's afraid that no one can help her right now. Tears started to fall from her eyes and fear was written all over her face.

"Mianhe, Yoora-sshi mianhe" Sinubukan ni Seungho na punasan yung mga luha sa pisngi nya pero umiwas na si Yoora.

Seungho locked her in that room for 2 months as if nothing is wrong with him. Kahit maayos at parang prinsesa ang turing ni Seungho kay Yoora sa lugar na iyon ay gusto na nyang umalis doon dahil alam nyang kayang magbago ni Seungho sa isang iglap lang.

Hanggang sa malahanap sya ng tyempo para makatakas pero nalaman ni Seungho at hinabol sya. Mabilis syang tumatakbo habang nabuhos ang malakas na ulan, halos hindi nya makita ang paligid nya dahil sa dilim ng paligid, idagdag mo pa ang ulan.

Malayo-layo na rin ang natatakbo nya at hindi na rin nya nakita si Seungho kaya akala ni Yoora ay nakatakas na sya hanggang sa may humawak sa braso nya at pilit syang hinihila.

"Layuan mo na ako! Please lang!" Sigaw nya habang pilit na inilalayo sa kanya ang isang tao na ayaw syang  pakawalan. Mas hinigpitan nito ang pagkakahawak sa kanya at pilit syang kinakaladkad.

"Tama na! Lumayo ka na sa akin!" Agad syang tumakbo papalayo ng mai-alis nito ang pagkakahawak nito sa kanya,  muntik na syang maabutan nito pero mas binilisan nya ang pagtakbo.

Nakarating sya sa may kalsada at nanlaki ang mga mata nya ng makita ang isang lalaking nakatalikod at ang isang mabilis na sasakyan sa likuran nito.

Mukhang hindi nito naririnig ang sasakayan dahil nakayuko lang ito at mukhang wala rin sa sarili.

"Jungkook!" Sigaw ni Yoora ng mag-angat ng tingin yung lalaki at maaninag nyang si Jungkook at lalaking iyon. Mabilis syang tumakbo papalapit dito at itinulak para mailigtas ito pero sya ang nabangga ng sasakyan.

Ramdam ni Yoora ng sakit ng buo nyang katawan dahil sa nangyari, nakita nya si Jungkook na walang malay sa gilid ng kalsada at si Eun-ah na mabilis na bumaba mula sa sasakyan na nakabangga sa kanya at nilapitan nito si Jungkook.

Pinilit ni Yoora na tumayo at umalis sa lugar kung saan nangyari ang aksidente, nakapaglakad pa sya kahit hirap na hirap na hanggang sa makarating sya sa isang lugar at doon bumagsak. Sunod na lang nyang naalala ang pagdating ng isang lalaki na agad syang tinulungan.

Paggising niya ay ay isang puting kisame ang sumalubong sa kanya. Ramdam nya ang sakit ng buo nyang katawan lalo na ang ulo nya. Maya maya ay may dalawang hindi pamilyar na mukha ang nakita nya.

Tinanong nya kung nasaan sya at may sinabing pangalan yung isa sa kanila pero hindi nya ito maalala.

"Sino si Yoora?

Matapos ang ilang raw ay sumailalim sya sa isang operasyon at pagkatapos nun ay medyo umayos na ang pakiramdam nya.

"Ikaw si Moon Yesung" sabi sa kanya nung lalaki na palagi nyang nakikita n nasa kwarto nya.

"Moon Yesung?" Ulit nya at tumango ito.

"At ako si Kim Hanuel at kaibigan mo ako"

-----
..........

Hold Me TightWhere stories live. Discover now