iii

3.4K 230 257
                                    

iii

Pinakahuling lumapit sa babaeng nasa unahan si Taehyung, pakiramdam nya ay tumigil ang mundo nya habang tinitignan ang babaeng nasa unahan.

"Yoora" tawag nya ng mahina dito, nakita nya kung paano ito pagkaguluhan ng mga kamiyembro nya.

"Noona" napalingon sya kay Jungkook ng magsalita ito, napatigil din ang iba nilang kagrupo na hanggang ngayon naiiyak na dahil sa muli nilang pagkikita ni Yoora.

Dahan-dahang lumapit dito si Jungkook, napayuko sya. Hanggang ngayon ay hindi nya pa rin tuluyang napapalaya ang sarili nya kay Yoora. Kahit na palagi nyang sinasabi na ok na siya, alam nya sa sarili nyang hindi pa.

Agad na niyakap ni Jungkook yung babae, nagtama ang mga tingin nila ng babae pero wala syang nararamdamang kahit ako sa mga mata nito.

"Annyeong haseyo Moon Yesung imnida" bati ng isang babae tapos ngumiti ito. Napatitig naman sa kanya si Taehyung. May kung ano sa mga ngiti nito na para bang nagsasabi na kilala nya ito. Nagbow yung babae at umalis na aa unahan, sinundan naman ni Taehyung ng tingin ito.

Kung paano nya hawakan ang buhok nya, kung paano sya nguniti at kung paano nya dalhin ang sarili nya, pamilyar ang mga ito kay Taehyung pero hindi nya maalala kung sino o kung saan.

"Oppa!" Biglang may tumawag sa kanya na isang babae at agad na kumapit sa mga braso nya. Tinignan nya ito at mukhang hindi na naman ito marunong makiramdam.

"Sinong tinitignan mo dyan Oppa?" Masayang tanong nito habang magtitingin-tingin sa paligid. Hinakawan nya ang braso nito na nakalagay sa kamay nya at inalis ito.

"Janna!" narinig nila na may sumigaw at nakita nya na nagpout itong babaeng nasa harapan nya.

"Si Hyemi unnie talaga!" Biglang maktol nito at padabog na umalis sa harapan nya. Ibinalik nya ang tingin nya sa babaeng nakakuha ng atensyon nya simula pa kanina. May nararamdaman syang kakaiba sa babaeng ito.

Lumingon yung kasama nito sa kanya at parang batang kumaway sa kanya kaya ngumiti sya, maya-maya ay lumingon din yung babaeng nagpakilalang Yesung at bahagyang ngumiti sa kanya.

Bigla na lang nya naalala ang mga ngiti na iyon, kagaya ito ng mga ngiting ibinigay ni Yoora sa kanya nung una silang magkita noon.

***
"Sila yung mga makakasama mo" sabi ng isang matandang volunteer kay Yesung at itinuro ang dalawang lalaki na nasa unahan nya. Pamilyar sa kanya ng mga mukha nito pero hindi nya alam ang mga pangalan nila.

"Ah ne, Yesung imnida" pakilala nya dito at inilahad ang kamay na agad namang kinuha nung isang kasama nya.

"Jimin, tapos ito si Jungkook" pakilala nito sa kasama nya na hanggang ngayon ay may tinatanaw pa rin sa kabilang grupo. Inabot sa kanila ang mga kahon na gagamitin para bukas.

"Jungkook right?" Sya na ang nagsimulang kumausap sa lalaking nakaupo sa tapat nya. Nakuha nya ang atensyon nito at tumango naman ito.

"Pwede mo bang iiabot sa akin yung mga papel na iyon?" Utos nya na agad naman nitong sinunod. Nagtama ang mga kamay nila ng iabot nito sa kanya yung mga papel na ipinapa-abot nya.

"Ahmm kilala mo ba si Park Jimin?" Bigla namang tanong nung isa pang lalaking nakaupo sa tapat nya, itinigil nya ang ginagawa nya at tinignan ito.

"Mianhe, hindi eh" nawala ang mga ngiti sa labi nito ng marinig ang sagot ni Yesung. Nakita rin nya ang paglingon ng katabi nito sa kanya.

"Jinjja?" Paninigurado nito kaya tumango si Yesung. Hindi naman nya talaga kilala si Park Jimin.

"Hindi ka ba nanonood ng TV?" Hirit pa nito.

"Nanonood, pero puro balita at documentaries lang. Hindi ako nanonood ng iba" sagot nya kaya mas lalong lumungkot ang mukha nito.

"Jeongmalyo?"

"Pero namumukaan kita" biglang sabi ni Yesung kaya bumalik ang sigla sa mukha ni Jimin.

"Isa kayo dun sa mga mukhang nakadikit sa pader ng apartment namin"

"Edi kilala mo kung sino kami?" Tanong ulit nito na punong puno ng pag-asa. Umiling muli si Yesung.

"Aniyo, pero si Somi, sigurado akong kilala nya kayo" 

Bumalik na si Yesung sa ginagawa nya habang si Jimin at nananatiling nakatulala dito. Bakas sa mukha nya ang pagkadismaya dahil hindi sya kilala ng taong nakaupo sa tapat nya.

"Bakit ganon pakiramdam ko kilala kita?" Biglang sabi ni Jimin kay Yesung. Napatigil naman ito sa ginagawa nya at napatingin dito bago ngumiti.

"Maraming nagsasabi sa akin nyan, ewan ko kung bakit" sagot ni Yesung at ipinagpatuloy muli ang ginagawa.

"Nung nakita kita kanina parang, pakiramdam ko nakita ko si Yoora" mahinang sabi nito pero sapat lang para marinig ng mga kasama nya at dahilan para mapatingin si Jungkook sa kaharap.

"Hyung" tawag ni Jungkook sa kamiyembro nya. Napalingon naman ito sa kanya.

"Wae?"

"Nakita na natin si Noona di ba? Ano ba yang sinasabi mo?" Sagot nito.

"Molla, pakiramdam ko kasi parang may iba sa kanya" giit ni Jimin.

Someone's POV

"Nakita na natin si Noona di ba? Ano ba yang sinasabi mo?" Napangiti sya ng mapait ng marinig nya mismo ang mga salitang ito kay Jungkook. Pakiramdam nya ay unti-unti na naman gumuguho ang mundo nya. Mundo nyang hanggang ngayon ay pilit pa rin nyang binubuo. Mundong nya na hanggang ngayon ay sira pa rin.

"Tanga ka pa rin hanggang ngayon Jungkook" mahinang sambit nito.

Napatitig sya lalaking nakikita nya ngayon at hindi nya pa rin maikakaila na may nararamdaman pa rin sya para dito.

"Hindi ka pa rin talaga magaling magtago" napalingon sya bigla sa likuran ng biglang may magsalita. Napatitig sya dito at dahan-dahan itong naglakad papalapit sa kanya.

"Akala mo ba hindi ko mapapansin?. Unang kita ko pa lang sayo kanina alam kong ikaw si Yoora." Dagdag nito sabay tingin sa kanya. Napakuyom sya ng kamay nya. Ayaw na nyang bumalik pa sa buhay nila, ayaw na nyang manggulo kaya pinipilit nya ang sarili nya na huwag magpakilala sa kanila.

Mas lumapit ito sa kanya at maya-maya ay niyakap sya nito. "Namiss kita saeng. Alam kong hindi ka pa patay, ramdam ko yun." bulong nito sa kanya na nagpabuo sa mga luha nya.

"Seokjin Oppa" pagsuko nya.

-------
Haha yun lang XD

Magcomment na lang kayo kasi kahit ako naguguluhan haha XD



Hold Me TightOù les histoires vivent. Découvrez maintenant