xv

2.3K 201 262
                                    

xv

"Ano ganito na lang tayo palagi? Palagi mo na lang ba isusugal yang buhay mo para sa kanya!" Naiiyak na sigaw kay Yoora ng kasama nya sa kwarto. Kakabalik nya lang galing labas at medyo nanghihina pa ang mga kamay nya lalo na ang paa nya na pinulikat kanina.

"Una yung kimchi! Bawal na bawal yun sayo di ba? Pero para hindi ka mahalata kinain mo kahit alam mong pwede kang mamatay dahil sa allergy na yon!" Dagdag pa nito kaya napayuko na si Yoora, alam naman nyang kasalana nya ay kapakanan lang nya ang iniisip ng kausap nya pero mas inuuna nya pa rin yung sinasabi ng puso nya.

"Somi-shhi" tawag nya dito na halatang inis na inis na sa mga pinaggagawa nya.

"Unnie! Wake up! Argghh! Hindi ko na alam ang gagawin ko sayo!" Sigaw nito kaya mas nakaramdam ng guilt si Yesung o mas tamang sabihin na Yoora dahil sa ginawa nyang pagligtas kay Jungkook kanina. Hindi na din sya nakapag-isip ng mabuti kanina, basta ang alam nya lang ay nasa panganib si Jungkook at kailangan nya itong iligtas.

"Yesung Unnie! Muntik na akong mabaliw kanina nung nawala ka! Hindi mo alam yung kaba ko nung nakita kitang hila-hila si Jungkook habang namimilipit sa sakit ng paa mo!" Gusto mang magsalita ni Yoora ay hindi nya magawa, mas magandang hayaan na lang nyang pangaralan at pagalitan sya ni Somi kesa idepensa nya ang sarili nya dahil alam naman nyang sya ang may mali.

Maya-maya ay tumigil si Somi sa pagsasalita at nakarinig sya ng mga hikbi. Napalingon sya dito at nakita nyang nakaupo ito habang naiyak, nilapitan nya ito at inalo.

"Mianhe saeng" inalis nito ang pagkakahawa nya sa likod nito at sya ang nagpunas ng mga luha nya.

"Mianhe? Hanggang kelan mo sasabihin yan Unnie? Paulit-ulit kang nanghihingi ng sorry pero paulit-ulit mo pa ring ginagawa" galit na talaga si Somi sa kanya and she feel bad about it. Hindi ganito ang Somi na kilala nya, yung Somi na yon ay palaging nakangiti at nakatawa hindi kagaya ngayon na naiyak.

"Muntik ka ng mamatay kanina Unnie, pero sya pa rin ang iniisip mo? Sobrang swerte naman ata nya!"

"Mahal ko sya Somi kaya ganun" sagot ni Yoora kaya napatingin si Somi sa Unnie nya at napangisi.

"Mahal mo nga sya Unnie, ikaw ba yung kasama nya ngayon? Ikaw ba yung hinalikan nya nun sa bonfire? Hindi di ba? Kasi tanga sya! Tanga sya para magpabulag sa nakikita ng mata nya. Kung totoong mahal ka nya, una pa lang mararamdaman na nya na ikaw yan! Na sa kabila ng pagbabago ng mukha mo at ng buhok mo ikaw pa rin si Yoora! Ikaw pa rin si Choi Yoora na hanggang ngayon nagpapatanga sa kanya!" Ramdam na ramdam ni Yoora na tumatagos ang bawat salita na sinabi ni Somi sa kanya. Na para bang kutsilyo ang mga iyon na paulit-ulit na ibinabaon sa puso nya. Napayuko sya at ramdam nya ang pagtulo ng mga luha nya, tama naman si Somi. Kung mahal talaga sya ni Jungkook unang kita pa lang nila nararamdaman na nya na sya si Yoora pero hindi ganon ang nangyari, hindi sumang-ayon yung tadhana sa kahit papaano gusto nyang mangyari.

Wala syang balak bumalik sa buhay ni Jungkook pero nung makita nya ito muli matapos ang limang taon, umasa sya, umasa sya na baka isang araw maramdaman ni Jungkook na sya ai Yoora, yung Noona nya.

"Mahalin mo rin yung sarili mo Unnie, nakakaawa ka na kasi" sabi ni Somi sa kanya at dahil doon bigla syang naawa sa sarili nya biglang bumukas yung pinto ng kwarto kung nasaan at agad lumabas si Somi ng kwarto.

Pagangat nya ng tingin nya at nakita nya si Hanuel na nakasandal sa may pinto at nakatingin sa kanya.

"Itigil ko na ba?"tanong nya dito. Bumuntong hininga ito at umupo sa tapat nya saka pinunasan yung mga pisngi nya.

"Alam mo Yoora, nasasayo naman kung ititigil mo na. Kung pakiramdam mo sobra na edi bitawan mo na, kasi kung hindi ka pa rin bibitiw mas lalo ka pang masasaktan" paliwanag sa kanya ni Hanuel habang inaayos yung mga nagkalat nyang buhok sa mukha nya.

"Pero kung--" hindi na natapoa ni Yoora ang sasabihin nya dahil pinutol na sya agad ni Hanuel.

"Pwede bang hayaan mo naman na sya naman ang magsakripisyo para sayo?" Hindi nya alam ang sagot sa tanong ni Hanuel kasi simula nung araw na mahulog sya kay Jungkook sya na ang palaging nagsasakripisyo para sa taong mahal nya.

"Hayaan mo syang sya ang gumawa ng paraan makilala ka nya?" Hinawakan ni Hanuel ang kamay ni Yoora at bahagya itong pinisil.

"Hayaan mong syang ang gumawa ng paraan para mapasaya ka nya?" Tinignan sya nito at ngumiti.

"Handa ka naming tulungan Yoora, pero sana tulungan mo rin yung sarili mo"

---

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Yesung sa lalaking naabutan nyang nakaupo sa dalampasigan at nakatingin sa kawalan. Nilingon sya nito at umiling.

Umupo sya sa tabi nito at tumingin din sa madilim at malawak na dagat.
"May iniisip lang" sagot nito sa kanya, tumango tango naman sya.

"Gwenchanayo?" Tanong ulit ni Yesung sa lalaking katabi nya.

"Ne, salamat sa pagtulong na hanapin ako kanina" nagkasalubong ang mga tingin nila at ngumiti si Yesung sa kanya.

"Pwede ba ulit akong magtanong?"
Narinig nya ang pagtawa nito dahil aa sinabi nya, tumango naman ang kausap nya bilang sagot.

"Anong gagawin mo kung yung taong mahal mo paulit-ulit ka na sinasaktan?" Seryosong tanong nya na na pakunot sa noo nito.

"Paulit-ulit?"

"Ne, yung kahit na ikamatay mo pa gagawin mo para sa kanya pero hindi naman nya napapansin" paliwag nya.

"Siguro, ititigil ko na kung paulit-ulit lang naman akong masasaktan" sagot naman nito kaya napatango si Yesung.

"Jinjja? Gomawo" tumayo si Yesung mula sa pagkakaupo at pinagpagan ang shorts na suot nya. Napatingin naman sa kanya yung kausap nya at nagbow sya dito.

"Gomawo Jungkook Tama ka, dapat itigil ko na"

----
Yay!

Leave a comment ok?

Hold Me TightWhere stories live. Discover now