xix

2.4K 155 82
                                    

xix

Dalawang araw na hindi nakasama si Yesung sa mga pinuntahan nila dahil sa hindi sya gaanong makalakad dahil sa nangyaring aksidente. Ngayon ay mag-isa sya sa loob ng apartment kung nasaan sila pansamantalang nakatira dahil kanina pa umalis yung mga kasama nya. Gusto nya sanang lumabas para kumuha ng mga litrato pero naalala nya na nasira na nga pala yung camera nya ng mahulog sya sa bangin noong nakaraan.

Kinuha nya yung saklay na ipinahiram sa kanya dahil hindi pa pwedeng mapwersa ang mga paa nya at naglakad papalapit sa kung nasaan ang mobile phone nya. Kinuha nya iyon mula sa pagkakacharge at lumabas ng apartment nila.

Kahit nahihirapan ay naglakad-lakad si Yesung para maaliw sya dahil ayaw na ayaw nya na nakatengga lang sa isang lugar. May nakita syang isang maliit na convienent store kaya pumasok sya doon at kumain ng ramen. Pagkatapos nyang kumain ay kumuha pa sya ng ilang pagkain tsaka mga personal na gamit saka sya pumunta ng counter.

Nginitian sya nung nagbabanta kaya iniaabot naman nya yung mga babayaran nya ng may mahagip ang mga mata nya sa gilid ng counter. Kinuha nya ito at tinignan.

Ilang taon na rin simula nung huli syang bumili ng bagay na iyon at hanggang ngayon ay hindi pa rin nagbabago ang itsura nito. "Kasama rin po ba yang hair wax?" Tanong sa kanya kaya napa-angat sya ng tingin, tumango sya at inabot ito sa nagbabantay.

Pagkakuha nya ng mga binili nya ay muli syang naglakad-lakad hanggang sa makarating sya sa isang maliit na paaralan para sa mga bata. Napatigil sya sa paglalakad dahil nagsimula ng magtakbuhan yung mga bata papalapit sa mga sundo nila.

Bigla nya tuloy naalala ang pamagkin nyang lalaki. Nasa middle school na ito ngayon at bihira na rin nyang makita dahil pareho silang busy.

"Annyeong Noona!" Bati sa kanya ng isang bata na dumaan sa gilid nya, nginitian nya ito at sinundan ng tingin hanggang sa mawala sa paningin nya yung bata. Nung maka-alis na lahat ng cute na bata ay naglakad na ulit sya.

Nakarating sya sa isang park at umupo sa isang bench doon. Napaisip nya, kailan pa sya huling naging normal ang buhay nya? Kailan pa ba sya huling naging masaya at hanggang kailan pa sya magtatago?

Napayuko sya, sanay naman syang hinuhusgahan ng ibang tao pero sa tuwing naiisip nya na babalik na lahat ang dati natatakot na sya. Marami na syang naisakripisyo para sa mga taong nasa paligid nya, lalo na sa taong iyon.

Naramdaman nyang nagvibrate ang mobile phone nya kaya napatingin sya dito.

Jared Calling....

Agad nyang sinagot ang tawag ng makita nya yung caller I.D. Matagal na rin na di nya nakakausap si Jared.

---
Napatigil sa paglalakad si Yesung nga makasalubong nya si Taehyung habang pabalik na sya ng apartment nila. Agad itong lumapit sa kanya at inalalayan sya.

"Gwenchanayo?" Tanong agad nito sa kanya, tumango sya bilang sagot pero mukhang hindi nya ito nakumbinsi.

"Bakit ba nasa labas ka?" Sunod na tanong nito sa kanya.

"Wala akong magawa sa Apartment kaninang wala kayo eh, kaya naglakad-lakad ako pampawala ng bored" sagot nya. Nakita ni Taehyung yung supot na dala ni Yesung kaya kinuha nya ito at sabay silang naglakad pabalik ng apartment.

"Sigurado kang ayaw mong ipasan na lang kita?" Pangungulit sa kanya ni Taehyung, muli syang umiling. Ayaw nyang magpabigat sa kasama, isa pa kaya naman nya ang sarili nya. Baka bukas lang ay hindi na nya gamitin yung saklay nya.

Itinanong ni Yesung kung anong nangyari sa araw ni Taehyung at sinagot naman ito ng kasama nya. Nagkwento ito tungkol sa mga nangyari sa maghapong pagtulong nila.

Nasa tapat na sila ng apartment ng kunin ni Yesung plastic na kinuha ni Taehyung mula sa kanya kanina. Ayaw pa itong ibigay ni Taehyung kaya nagkahilaan sila hanggang sa mabitawan nila iyon at nagkalad yung mga binili nya, agad syang umupo para kunin ang mga iyon at ilagay sa plastic, ganon din naman ang ginawa ni Taehyung, tinulungan sya nitong magpulot.

Hindi na nakipag-agawan si Taehyung at hinayaan na kay Yesung plastic ng mapansin nilang may nahulog mula sa braso ni Yesung.

Napatingin si Yesung kay Taehyung ng mahulog ang bagay na iyon. Pupulutin na sana nya ng maunahan sya nito. Kita nya kung paano tignan yung bracelet na kanina lang ay suot nya.

Inagaw nya ito mula kay Taehyung at nagsimulang maglakad palayo pero hindi pa sya nakkaka-isang hakbang ay hinawakan sya nito sa braso at kinuha yung bracelet na nasa kamay nya.

"Paano napunta sayo ang bracelet na to?" Kung kanina ay masaya pa ang tono ng boses nito, ngayon ay seryoso na. Hindi alam ni Yesung ang isasagot, randam nya ang bilis ng tibok ng puso nya dahil sa mga pangyayari.

Muli nya itong kinuha kay Taehyung pero agad naman itong naiiwas ng kasama nya. "Paano napunta sayo ang bracelet na to!" Tumaas na boses ni Taehyung dahil hindi pa rin sya sinasagot ni Yesung.

Napa-iwas ng tingin si Yesung at pinipigilang tumulo ang mga luha nya. Lumapit si Taehyung sa kanya at hinawakan ang mukha nya. "Sabihin mo, ikaw si Yoora di ba? Ikaw si Yoora" kita nya sa mga mata nito ang halo-halong emosyon. May galit, lungkot at pananabik.

Inalis nya yung mga kamay nito sa mukha nya at lumayo ng konti dito. "Yesung ang pangalan ko, hindi Yoora" sagot nya. Umiling si Taehyung, ayaw nitong maniwala sa sinasabi ng kausap nya. Mula nung una nya itong makita alam nyang may kakaiba na sa babaeng ito at nung isang araw, sa ospital. Kita nya kung paano mag-alala ang Yoongi hyung nya dito. Na yung pag-aalalalang ipinakita ng Hyung nya ay yung pag-alala na nakikita nya lang kapag si Yoora na ang usapan.

"Kung hindi ka si Yoora bakit nasayo ang bracelet na ito?!" Nagugulahan na si Taehyung sa mga nangyayari, nasasaktan na sya dahil hanggang ngayon ay wala pa rin yung babaeng paglalaanan nya ng puso nya.

"Baka nagkataon lang na pareho kami ng bracelet" sagot ni Yesung kaya napatingin si Taehyung sa kanya.

"Imposible yung sinasabi mo, ako mismo ang nagpagawa ng bracelet na ito kaya nag-iisa lang to sa mundo" hindi na talaga alam ni Yesung ang gagawin. Nagtama ang mga paningin nila ni Taehyung at wala ng nalabas sa bibig nya.

"Yoora" narinig nyang may tumawag sa kanya, at hindi na nya kailangan pang lumingon para malaman kung sino iyon, napapikit sya at naramdaman nyang tumulo na ang mga luha nya.

"Hyung" tawag dito ni Taehyung. Iminulat nya ang mga mata nya at nakita nyang nakatingin si Taehyung sa tao na nasa likuran nya. "Baka gusto mong magpaliwanag, Yoongi Hyung"

--------
Yung iniisip mo kung anong mangyayari sa scene na to tapos iniisip mo rin yung sunod na mangyayari dun sa isa mo pang story dahil connected sila?

Sakit sa bangs kahit wala akong bangs haha 😂😂 As much as I want na magcameo si Janna (yung babae ni Taehyung sa story nyang The Other Side) dito, I'm trying mya best na huwag kasi magiging spoiler kapag ginawa ko.

I'll try to update one more chapter here then The Other Side and The Main Dancer bukas. Magpapasukan na naman at busy na tayong lahat.

Hold Me TightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon