xxii

2K 145 65
                                    

xxii

Pagkatapos mahuli si Eun-ah at Eun Jae ay pinasunod sila Yesung sa prisinto pero hindi sumama si Yesung. Si Hanuel at Somi ang pinapunta nya dahil ayaw nyang makita si Eun-ah at yung nagpapanggap na si Eun Jae.

Habang naglalakad ay napatigil sya ng makita ang isang pamilyar na lalaki na pagewang-gewang na naglalakad sa di kalayuan habang may hawak na bote ng soju. Maya-maya ay hinagis nito ang hawak nitong bote at pinagsusuntok ang pader na kaharap nya. Galit na galit ito base na rin sa kinikilos nito at paminsan-minsang pagsigaw nya.

"Jeon Jungkook Pabo-yah!!!" Paulit-ulit nitong isinisigaw ang mga salitang iyon kasabay ng muling pagsuntok sa pader na nasa tapat nito.

Ramdam ni Yesung ang pag-init ng mga sulok ng mga mata nya at ang pagbara sa lalamunan nya dahil sa nakikita. Nasasaktan na naman ang lalaking mahal nya. Hindi nya alam pero kahit anong gawin nito sa kanya ay hindi nya magawang magalit dito. Siguro, konti dahil paulit-ulit na lamang itong nagpapaloko kay Eun-ah at palagi sya nitong binabalewala pero nangingibabaw pa rin yung pagmamahal nya para dito.

"Noona! Yoora Noona neo eodiya? Nan jeongmal bogoshipoyo. Noona!" Habang naririnig nyang tinatawag sya nito habang naiyak ay dinudurog ang puso nya. Gusto nya itong lapitan pero pinipigilan nya ang sarili nya. "Noona! Yoora Noona where are you? I really miss you. Noona!"

"Noona, jeongmal bogoshipoyo" nakita nyang napaluhod ito at rinig din nya ang iyak nito. Pinunasan nya ang mga luhang umagos mula sa mga mata nya patungo sa pisngi nya.

Lalapitan na sana nya si Jungjook ng may humawak sa kamay nya dahilan para mapatigil sya at mapalingon sa likuran nya.

"Hanuel-ah" tawag nya sa lalaking pumigil sa kanya, nagkasalubong ang mga tingin nila at umiling ito sa kanya. Ibig sabihin ay hindi sya nito pinapayagan sa dapat gagawin nya.

"Pero Hanuel---" hindi na natapos ni Yesung ang sasabihin nya ng bigla syang hilain ni Hanuel paalis sa lugar na iyon.

Hinila pabalik ni Yesung ang kamay nya na hawak ni Hanuel kaya napatigil sila sa paglalakad. Hinarap sya ni Hanuel at walang emosyon ng makikita sa mukha nito. "Bwo? Pupunta mo sya? Patatahin mo sya at sasabihing ok lang ang lahat? Yoora! 5 taon, 5 taon na ang nakakalipas pero hanggang ngayon wala ka paring ipinagbago! Sige puntahan mo sya, magpakamartyr ka naman at akuin mo lahat nga sakit na para sa kanya!" Sigaw ni Hanuel sa kanya. Kung kanina ay walang emosyon ang mukha nito, ngayon biglang nag-iba na at galit na ito.

"Napapagod na ako Yoora! Sabi ko handa kitang tulungan pero sana tulungan mo rin yung sarili mo ng bumangon, kasi hanggang ngayon nandyan ka pa rin sa baba, sa sobrang pagmamahal mo sa kanya nakakalimutan mong tao ka rin at may karapatan kang masaktan! Kahit anong mangyari, kahit na sabihin mong manhid ka na. Darating pa rin yung panahon na masasaktan at masasaktan ka kasi tao ka! Yoora naman!" Napayuko si Yesung dahil sa mga sinasabi ni Hanuel sa kanya. Simula nung magkakilala sila limang taon na ang nakakalipas ay wala itong sinabing makakasama o makakapagpa down sa kanya, puro positibo ang mga salitang sinabi nito sa kanya.

"Last nato Hanuel" mahinang sabi ni Yesung pero sapat lang para marinig ni Hanuel at mapangisi sya at mapailing.

"Hindi ka talaga makaka-alis kung yang last na yan ay may kasunod pa Yoora." pagkatapos sabihin iyon ni Hanuel ay tinalikuran na nya si Yesung samantalang nakatingin lang ito kay Hanuel habang naglalakd ito palayo sa kanya. Maya-maya ay tumigil ito "Wake Up, Choi Yoora wake up".

Napatingala naman si Yesung dahil sa sinabi ni Hanuel sa kanya at tamango-tango sya. "Ne, Yoora tama sya. Tapusin mo na lahat ng kabobohan mo" bulong nya sa sarili nya. Muli nyang pinunasan yung pisngi nya at humarap sa direksyo kung nasaan si Jungkook.

Naka-upo na ito ngayon at nakayuko. Napansin ni Yesung ang mga sugat sa kamao nito kaya nagpasya sya na puntahan na ito. Dahan-dahan syang lumapit dito.

"Gwen-gwenchanayo?" Tanong nya dito kaya napa-angat ito ng tingin sa kanya. Ng magtama ang mga tingin nila ay hindi alam ni Yesung kung anong gagawin, ni hindi sya makatingin ng diretso sa mga ni Jungkook.

Tumayo si Jungkook mula sa pagkaka-upo at muntik pang matumba kaya inalalayan sya ni Yesung. Sobrang lapit ng mga mukha nila sa isa't-isa at ramdam ni Yesung ang mas pagbilis ng tibok ng puso nya. Tumayo ng maayos si Jungkook at nakahinga sya ng maluwag ng maglayo na ang mga mukha nila.

"Noona!" Parang bata na tawag nito sa kanya at nakangiti pa pero papikit-pikit na. "Bakit ang cute mo talaga, Noona?"

Tanong nito, muntik ulit na matumba si Jungkook dahil sa kalasingan nito pero gaya kanina ay nalalayan ulit sya ni Yesung

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tanong nito, muntik ulit na matumba si Jungkook dahil sa kalasingan nito pero gaya kanina ay nalalayan ulit sya ni Yesung.

Hawak ni Yesung ang dalawang balikat ni Jungkook para hindi sya matumba at ramdam naman nya ang kamay nito sa may bewang nya. "Noona" muling tawag sa kanya ni Jungkook kaya nilingon nya ito. Napatigil sya ng makita nyang konti galaw na lang ay magdidikit na ang mga labi nila ni Jungkook.

"Yoora Noona, saranghae" bulong nito at matapos iyon ay inilapit ni Jungkook ang labi nya sa labi ni Yesung dahilan para manlaki ang mga mata nito. Hindi alam ni Yesung ang gagawin, hindi sya makapag-isip ng maayos dahil sa ginawa ni Jungkook sa kanya pero may nagsasabi sa kanya na ipikipit na lang nya ang mga mata nya at hayaan na lamang si Jungkook sa paghalik sa kanya.

---
"Noona" tawag ni Jungkook kay Yesung na naka-alalay pa rin sa kanya dahil muntik na naman syang matumba. Inangat nito ang tingin at nagtama ang mga mata nila, napangiti si Jungkook sa nakita nya.

"Yoora Noona, saranghae" bulong ni Jungkook bago nya ipinikit ang mga mata nya at halikan ang babaeng nasa harap nya ngayon, si Yoora, yung Noona nya at yung babaeng mahal nya.

---

Hold Me TightWhere stories live. Discover now