xx

2K 152 79
                                    

xx

Ok, di na to Troll, totoo na to XD

--
Hingal na hingal na si Yesung dahil kanina pa sya natakbo. Hindi nya alam kung anong meron pero sigurado syang may nasunod sa kanya. Habang natakbo ay lumingon sya sa likuran nya at nakita nya ang isang tao na nakasout ng itim na damit at maon na pantalon at nakamask na nahabol sa kanya.

Mas binilisan nya ang takbo nya dahil malapit na syang maabutan nito, maya-maya pa ay naramdaman nyang nahawakan na nito ang balikat nya at ipinaharap sya nito. Nanlaki ang mga mata nya ng makita kung sino ang nahabol sa kanya, napalunok sya ng makita ang mga ngisi nito na nagpatayo din sa mga balahibo nya.

Nagsimula syang umatras habang nakatingin pa rin sa taong ito, bumalik sa isip nya yung mga nangyari noong nakalipas na 6 na taon.

"Yoora" tawag nito sa kanya habang hawak-hawak nito ang leeg nya at unti-unti ng nahigpit ang pagkakahawak nito sa leeg nya. Ramdam nya ang bilis ng tibok ng puso nya at sakit ng mga paa nya dahil sa pagtakbo. Halos hindi na sya makahinga dahil tuluyan na syang nasakal ng taong nasa harap nya.

Ganitong-ganito din iyon, may pinagkaiba nga lang. Ng makatyempo ay muling tumakbo si Yesung at pilit na naghahanap ng matataguan.
May nakita syang isang maliit na eskita kaya agad syang pumasok doon habang tinitignan pa rin kung nasundan na sya nung humahabol sa kanya. Ng makarating sya sa dulo ng eskinita na iyon ay may napansin nyang malapit na sya sa may kalsada kaya tumakbo sya papalapit dito pero hindi pa sya nakakalayo ay may tumamang kung ano sa batok nya kaya bumagsak sya.

Ramdam nya ang sakit ng pagkakapalo sa kanya pero pinilit pa rin nyang imulat ang mga mata nya. May nakita syang pares ng mga paa na naglalakad papalapit sa kanya at may dala-dala itong kahoy.

"May lahi ka bang masamang damo? Kahit ano kasing gawin ko di ka mamatay-matay eh" sabi nito at umupo pa sa harapan nya para mas makalapit sa kanya.

"Wae-e?" Bulong ni Yesung sa taong nasa harapan nya, kumunot naman ang noo nito dahil hindi nito narinig ang sinabi ni Yesung.

"Bwo?"

"Waena hante ileoneungeoya?" Pinilit ni Yesung na tumayo kahit nahihirapan na sya dahil sa sakit ng ulo nya pero tinulak sya nito kaya muli syang bumagsak. "Why are you doing this to me?"

"Bakit? Bakit ko to ginagawa sayo? Hindi ko din alam eh, basta ang alam ko lang kailangan mo ng mamatay Choi Yoora!" Inangat nito ang hawak nyang kahoy para ihampas kay Yesung pero nakailag ito.

"Eunjae!" Muli nitong hahampasin sana si Yesung pero may sumigaw kaya napatigil ito. Sinamantala naman iyon ni Yesung para tumakbo palayo sa kanila, alam nyang susunod ito kaya pinili nyang tumakbo malapit sa may kalsada para kung may dumaan na sasakyan ay may makakita sa kanya.

"Bumalik ka dito Yoora!' Rinig nyang sigaw nito pero hindi nya ito pinansin. Medyo nanlalabo na ang mga paningin nya dahil sa pagkakapalo sa kanya kanina, hindi nya ito ininda at nagpatuloy sa pagtakbo.

Patawid na sana sya ng kalsada ng makarinig sya ng putok ng baril kaya napatigil sya at hindi namalayan ni Yesung ang isang mabilis na sasakyan ang papalapit sa kanya.

"Yoora!" Nakita nyang natakbo papalapit sa kanya si Taehyung mula sa kabilang kalsada at sa isang iglap ay naramdaman nyang niyakap sya nito kahit na sobramg lapit na ng sasakyan sa kanya.

"Oppa!"  Maingay ang tunog ng sasakyan na papalapit sa kanila pero sigurado si Yesung na may narinig syang nagsalita. Tumilapon sila ni Taehyung sa gilid ng kalsada at nakita nyang may naagos na dugo mula sa ulo nito. "Taehyung-ah" gusto nyang tulungan si Taehyung pero yun na lang ang nagawa nya bago tuluyang magdilim ang paligid nya.

Pagmulat ni Yesung ng mga mata nya ay puro puti ang nakikita nya at isang nakakasilaw na liwanag. Nakarinig din sya ng tunog ng mga makina na para bang nasa malapit lang ito. Maya-maya ay isang pamilyar na mukha ang nakita nya.

"Gwenchanayo? Sabihin mo, saan masakit?" Sunod-sunod na tanong nito sa kanya pero nanatili syang nakatingin lang dito. "Jimin, tawagin mo yung doctor ppali!" Utos nito sa kasama nya. Naramdama nyang hinawakan nito ang kamay nya at nagustuhan nya ang init mula sa palad nito.

"Taehyung-ah" kusang lumabas sa bibig nya ang pangalan na iyon. Wala syang alam sa mga nangyayari ngayon, kung nasaan sya at kung ano bang sinasabi nya. Maya-maya pa ay may dumating na ang doctor at ilang nurse at sinimulan nilang pakielaman ang mga bagay na malapit sa kanya.

"She's stable, hindi nyo na kailangang mag-alala" hindi nya naintindihan yung sinabi ng nagsalita pero nakita nya ang pagsaya ng mukha ng mga taong nakatayo ngayon sa gilid nya.

Nakaramdam sya ng pagkirot ng ulo nya kaya ipinikit nya ang mga mata nya at may nakita syang isang nakakasilaw na liwanag pagkatapos at isang lalaking duguan. Bigla nyang naalala lahat, simula nung malaman nyang may nahabol sa kanya, yung pagtakbo nya, pag-palo sa ulo nya at dun sa mabilis na sasakyan.

"Taehyung!" Pinilit nyang tumayo para makita si Taehyung. Kailangang nyang makita si Taehyung at malaman kung ok lang ba ito.

Agad namang syang pinigilan ng mga lalaking nakatayo kanina sa gilid nya. Nilingon nya ito habang pinipigilan ang dextrose na nakalagay sa kanang kamay nya na pilit nyang inaalis.

"Jimin si Taehyung!? Nasan si Taehyung!" Tanong nya dito pero hindi sya nito sinagot kaya napatigil sya at napailing.

"Wag mong sabihing---" ramdam nya ang pag-init ng sulok ng mga mata nya dahil sa naisip nyang sitwasyon ni Taehyung ngayon.

"Ok si naman Taehyung. Kailangan nya lang ng maraming pahinga dahil sa nagkaroon ng maliit na sugat ang ulo nya dahil tumama yung ulo nya sa gilid ng kalsada nung iniligtas ka nya kahapon" hindi naiwasang hindi malungkot ni Yesung dahil sa narinig.

"Pero may isang hindi maganda ang kalagayan ngayon, si Janna"

-----
Hello!

May nagbabasa pa ba?? Haha XD

Hold Me TightWhere stories live. Discover now