ix

2.3K 202 337
                                    

ix

Hingang malalim.
Kumuha ng pokeball, ok Han Eun-ah I choose you!

Ok ang korni ko.
Wag nyo na lang akong pansinin. Medyo may problema kasi sa bahay kaya ayun hahaha XD

-------------
"Gwenchana!" Pamimilit ni Yesung kay Somi at Hanuel na pilit syang pinagpapahinga. Agad syang dinala ni Jungkook sa isang tent kung saan sila nagpapahinga at agad naman syang tinignan ni Hanuel.

"Di ba sabi ko sayo wag kang magpupuyat?" Asar na sabi ni Hanuel sa kanya kaya napout si Yesung, sa tuwing magkakasakit sya palagi syang ginagawang baldado ng magkapatid na to.

"Hindi na ako nakatulog matapos kong magising kagabi eh!" Sagot ni Yesung pabalik kay Hanuel kaya tinignan sya nito ng masama.

"Sasagot ka pa! Tignan mo nga kung anong nangyari sayo!---" hindi na natapos ni Hanuel ang pangangaral nya kay Yesung ng biglang ipasok din sa loob ng tent ang isang babae na namumula din ang buong katawan.

Sunod nilang nakita si Jungkook at Taehyung na pumasok din sa loob at mukhang nag-aalala. Napansin ni Yesung na ito yung girlfriend ni Jungkook, halatang hindi din maganda ang pakiramdam nito at may pantal-pantal.

"May nakain ba yung pasyente na allergic sya?" Tanong nung doctor na tumitingin sa kanya. Agad namang sumagot si Taehyung na yung Kimchi na kinain nila kanina at sinabing may allergy ito dito.

"Sabi ko naman kasi kay Noona wag ng kumain eh!" Naiinis na nag-aalalang tugon ni Jungkook kaya napatingin si Yesung sa kanya. Napapikit sya ng maramdamang sumakit na naman ang ulo nya.

"Wag mo ng uulitin yun Noona, hindi mo alam kung gaano ako nag-alala sayo" agad nyang minulat ang mga mata nya at umiling ng may marinig na naman syang boses sa isip nya. Nagkasalubong ang mga mata nila ni Taehyung at lumapit ito sa kanya.

"Gwenchayo?" Nag-aalalang tanong nito sa kanya, tumango naman sya para hindi na ito mag-alala.

"Dahil din ba sa kimchi?" Tanong ulit nito kaya biglang sumingit si Hanuel.

"Kimchi?" Takang tanong nito at tumingin kay Yesung pero umiwas ito ng tingin sa kanya.

"Neh, kumain kami ng Kimchi kanina, kaya nga nagpantal si Yura dahil doon, sya din ba?" Paliwanag ni Taehyung.

"Aniyo, puyat kasi sya kaya sya medyo nahilo kanina, isa pa hindi gaanong maganda yung dinaanan natin kanina at medyo sensitive si Yesung sa mga damo kaya sumama yung pakiramdam nya at nagkapantal sya ng konti." Paliwanag ni Hanuel at napatango naman si Taehyung. Tumayo si Yesung mula sa pagkakaupo sa isang maliit na kama at nagpaalam na lalabas na sya. Pinigilan pa sya ni Hanuel pero hindi na ito nakinig.

Naglakad-lakad si Yesung hanggang sa makarating sya sa isang ilog. Umupo sya sa gilid at tinignan yung mga dahon na inaanod ng ilog. Habang nakatingin sya dito ay nakita nya ang repleksyon ng mukha nya.

Sabi ng marami maganda raw sya, mabait at matalino. Almost perfect dahil galing din sya sa magandang pamilya. Marami rin syang talento na maipagmamalaki pero para sa kanya walang kwenta ang mga bagay na ito.

"Hindi ka maganda Yesung, mas lalong hindi ka matalino. Kung alam lang talaga kung sino ka, kamumuhian ka nila" sabi nya sa sarili habang natulo ang mga luha nya.

"Dangsineul nugu, Yesung-ah?" "Who are you, Yesung-ah"

---
"Unnie! Kanina pa kita hinahanap! Saan ka na naman nagpunta ha?" Bungad na tanong ni Somi kay Yesung, mahigit isang oras din itong nawala at nagsimula ng mag-alala si Somi para sa Unnie nyang matigas ang ulo.

"Dyan lang Saeng, nagpahangin" sagot nito, chineck ni Somi ang katawan ni Yesung kung ok na ba ito. Kahit hindi medical student si Somi gaya ng Oppa nya, maalam pa rin sya sa field ng medicine dahil nasa lahi nila ang pagiging doktor. Yung panganay nila at si Hanuel ay parehong medicine ang kinuhang kurso sa kolehiyo, sya lang talaga ang may ayaw sa kurso na iyon.

Hapon na at nagsisimula na silang magpack-up dahil malapit na ring matapos yung ginagawa nila. Tumulong silang dalawa ni Somi sa paglilinis ng mapatigil sya dahil sa isang pamilyar na amoy.

Hindi alam ni Yesung pero ng maamoy nya ang amoy na iyon ay bigla na lang bumilis ang tibok ng puso nya at nakaramdam sya ng takot.

"Jungkook Oppa!!" Rinig nyang may sumigaw at napaupo si Yesung sabay takip sa tenga nya.

"Hindi pa tayo tapos!"

"Nakaka-awa ka namang tignan ngayon"  may naririnig syang nagsasalita kahit na ang atensyon ng lahat ay nakatuon sa isang magandang babae na natakbo papalapit ngayon sa direksyon ni Jungkook. Ng mawala na yung tunog at malabong ala-ala ay tumayo sya at lumapit kay Somi na nakatingin din sa babaeng bagong dating.

"Oppa!" Ng makalapit na ito kay Jungkook ay agad nitong tinapik ang balikat ni Jungkook.

"Eun-ah? Akala ko ba may pasok ka ngayon?" Takang tanong ni Jungkook ng makita nya ito pero hindi sya nito pinansin ng makita yung babaeng nakatayo sa di kalayuan.

"Jinjja? Buhay si Yura Unnie? Akala ko ba--" agad nilapitan ni Eun-ah si Yura at hinawakan ito. Manghang-mangha sya dahil nakatayo sa harapan nya si Yura ngayon na akala ng lahat ay patay na. Bakas naman sa mukha ni Yura ang pagkagulat at takot.

Lumayo ng konti si Eun-ah at nag90° bow. "Mianhe sa lahat ng nagawa ko noon sunbae, jeongmal mianhe. Nagpagaling na po ako para wala na akong masaktan" hingi nito ng paumanhin sa kaharap. Pina-ayos naman na syang tayo ni Yura dahil nagtitinginan na yung mga tao sa kanila.

"Gwenchanayo, mabuti nga at gumaling ka na, si Seungho ok na rin ba?" Bigla namang lumungkot ang mukha ni Eun-ah at umiling.

"He refuse to take the medication Unnie, nahihirapan na nga ako eh. Gusto ko na ding gumaling si Oppa"

"Tch, psycho" napalingon si Yesung sa sinabi ni Somi.

"Wae?" Tanong ni Yesung sa kasama, tumingin ito sa kanya.

"Alam mo Unnie, ang mga pscyho parang lasing lang yan, palagi nilang sinasabi na hindi sila lasing kahit lasing na lasing na sila. Katulad nya, sinabi nyang nagpagaling na sya kahit ang totoo hindi pa rin sya totoo magaling. Once a psycho, always a psycho"

----
I'm expecting a lot of comments for Eun-ah haha XD  Guys.. mabait na si Eun-ah ok? LOL

3 UD's in a day! Yehey! Kung ganito ako palagi baka matapos ko na to agad, maganda na din para masimulan na yung kay #Tete na story!

I'll try to UD again later, galit na talaga si Jinri kaya The Main Dancer muna hue hue !!!

Yay! 4.5k reads agad? Samantalang 9 chaps pa lang tayo?

Whaa!! Dati yung 4.5k reads, taon bago ko makuha ngayon T_T Thank you talaga guys, sinasakyan ko yung kabaliwan ko sa buhay.

P.S: Yung EHC at Noona malapit ng mag 100K reads, yung pangarap ko T_T Yung pangarap ko makakuha ng 100K reads malapit ng matupad...

Thank you talaga kay Eun-ah, sa lahat ng kontrabidang ginawa ko ikaw ang pinakamahal ng lahat kaya kung hindi dahil sayo, baka hindi ko matutupad yung 100K reads. Mhua mhua tsup tsup..

Hold Me TightWhere stories live. Discover now