vii

2.3K 176 184
                                    

vii

"Oppa!" Tawag nya sa lalaking naglalakad habang hila-hila sya. Alam nyang galit ito dahil na rin sa aura ng mukha nito. Bigla na lang sya nitong hinila papunta sa kung saan ng aminin nyang sya si Yoora. Tumigil sila sa paglalakad at binitawan nito ang pagkakahawak nito sa kamay nya.

Nilingon sya nito at tinignan sya ng walang emosyon kaya napayuko sya.
"Wae?" Biglang tanong nito sa kanya kaya napa-angat sya ng tingin dito pero ng makita nyang wala pa ring emosyon ang mukha nito ay napayuko ulit sya at sinimulang paglaruan ang mga daliri nya.

"Yoongi Oppa" tawag nya muli dito pero mukhang naiinis pa rin ito.

"Waegure Yoora!" Sigaw nito kaya napapikit sya. Isang beses lang sya sinigawan ni Yoongi, at iyon ay noong nagpakalasing ito dahil tinutulan nya ang relasyon nila ng girlfriend nya.

"O-oppa Mianheyo" hanggang ngayon ay iyon pa rin ang gusto nyang sabihin sa kanila, until now she feel sorry for them.

"Wae Yoora, wae?" Ulit nito sa tanong nya. Umiling naman sya, ramdam nya ang pagmumuo ng luha sa mga mata nya, nasasaktan na naman sya, lalo pa't alam na din ni Yoongi na sya nga si Yoora.

Wala na syang balak magpakilala sa kanila, wala na syang balak bumalik pa lalo na sa buhay ni Jungkook dahil alam nyang sa oras na bumalik sya ay hindi na lang sya ang manganganib ang buhay, lahat sila damay. Pero hindi na sya nakatakas kanina, alam nyang kilalang-kilala sya ni Yoongi kaya hindi na sya nagsinungaling pa. "Paano nangyari to? Paanong buhay ka, di ba nakasakay ka sa eroplanong bumagsak 5 taon na ang nakakaraan?" Ang daming tanong ni Yoongi sa kanya, gusto nya itong sagutin lahat pero hindi pa ito ang tamang panahon.

"Oppa, hindi ko pwedeng sabihin sayo" sagot nya habang nagpupunas ng mga luha. Lumapit ito sa kanya at niyakap sya ng mahigpit.

"Mianhe, Yoongi Oppa. Jeongmal mianhe" paulit-ulit na sabi sya habang naiyak sa dibdib ni Yoongi. Hinaplos naman nito ang buhok nya.

"Gwenchana, ang mahalaga buhay ka at nandito ka na"

---
"Layuan mo na ako! Please lang!" Sigaw nya habang pilit na inilalayo sa kanya ang isang tao hindi nya kilala pero sya nito pinakawalan. Mas hinigpitan nito ang pagkakahawak sa kanya at pilit syang kinakaladkad.

"Tama na! Lumayo ka na sa akin!" Agad syang tumakbo papalayo, muntik na syang maabutan nito pero mas binilisan nya ang pagtakbo.

Nanlaki ang mga mata nya ng makita ang isang lalaking nakatalikod at ang isang mabilis na sasakyan sa likuran nito.

"Unnie!" Nag-aalalang ginising ni Somi si Yesung na nagsasalita at mukhang takot na takot habang natutulog pero mukhang ayaw nitong magising. Pawis na pawis ang buong mukha ni Yesung, naiyak din ito at hindi na maayos ang paghinga nya.

Nataranta naman si Somi, bahagya nyang sinampal-sampal ang pisngi ng nakakatanda baka sakaling magising ito.

"Jungkook!" Sabi ni Yesung sabay upo mula sa pagkakahiga. Agad naman syang niyakap ni Somi at pinatahan dahil mas lalong lumakas ang pag-iyak ng Unnie nya.

"Shh gwenchanayo, Unnie nandito ako" alo nya dito. Iniwanan nya ito saglit para tawagin si Hanuel na nasa kabilang kwarto at kunun ito ng tubig.

"Anong nangyari? Gwenchana?" Nag-aalalang tanong ni Hanuel ng makita nyang naiyak pa rin si Yesung hanggang ngayon. Hinawakan nya ang mga pisngi ni Yesung at pinunasan ang mga luha nito. Tumango naman si Yesung bilang sagot sa tanong nya.

"Ok na ako, masamang panaginip lang" sabi ni Yesung. Umupo si Somi sa tabi nito at niyakap ang Unnie nya.

"Yun ulit Unnie? Yung may nahabol sayo?" Tanong ni Somi at tumango naman si Yesung. Nagkatinginan si Hanuel at Somi dahil sa sinagot ni Yesung.

Tumayo si Hanuel mula sa pagkaka-upo sa tapat ni Yesung at ginulo ang buhok ni Yesung. "Hindi ka na mahahabol nun, nandito naman ako eh" napangiti naman si Yesung dahil sa sinabi ni Hanuel. Kinilig din si Somi dahil gustong-gusto nyang magkatuluyan ang Hanuel Oppa nya at Yesung Unnie nya.

"Sabihin mo sa akin yan kapag nakapagprito ka na ng hindi nagwawala, arraseo?" Kundisyon ni Yesung kay Hanuel kaya napapout naman ito.

"Eh Unnie, bakit sya mag-aaral magpiprito kung ikaw naman ang magluluto kapag nagpakasal na kayo?" Singit ni Somi na sinang-ayunan naman ni Hanuel.

"Magkapatid nga kayo" komento ni Yesung tapos pinagtulungan na naman syang ng magkapatid.

"Alam mo ok na ako, pumunta ka na sa kwarto mo at matulog ka na ulit. Alam kong pagod ka, sorry sa abala" taboy ni Yesung kay Hanuel pero hinawakan nito ang kamay nya.

"Kapag nakapagprito na ba ako, magiging tayo na?" Bigla namang tumili si Somi, tinaasan ng kilay ni Yesung si Hanuel sabay pakita ng kamao nya.

Pagkaalis ni Hanuel ay umupo si Yesung sa tabi ni Somi na nakaupo sa may kama.

"Unnie?" Tawag sa kanya ng kasama nya, nilingon nya ito.

"Wae?"

"Bakit mo tinatawag kanina si Jungkook?" Tanong ni Somi kaya kumunot ang noo ni Yesung.

"Jungkook?" Balik na tanong nya, tumango naman si Somi.

"Kanina bago ka magising, sinabi mo Jungkook. Para bang tinatawag mo sya" binalikan naman ni Yesung yung panaginip nya, pero kahit anong isip nya wala syang maalala. Bakit nga naman nya tatawagin si Jungkook at bakit napasama si Jungkook sa panaginip nya?

"Hayaan mo na Unnie, baka sumakit lang ang ulo mo. Matulog na tayo ulit" humiga na si Somi sa kama nya habang naiwang naka-upo at iniisip pa rin yung panaginip nya kanina.

---
Naiinis na pinatay ni Jungkook ang mobile phone nya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nasagot sa tawag nya ang Noona nya. Simula nung umuwi sila kanina ay hindi na ito nagparamdam at hindi din ito nasagot sa mga tawag at text nya.

Naglakad-lakad na lang sya para mawala ang inis nya, pang-angat nya ng tingin nya ay nakita nya si Yoongi na may kausap. Lumapit pa sya ng konti at napansin nyang babae iyon, maya-maya ay bigla nya itong niyakap pero hindi nya pa rin makita ang mukha nito dahil mas matangkad ang Hyung nya kesa dito.

Nung matapos ang yakap nila ay pinat nito ang ulo ng kausap tapos naglakad na ito paalis.

"Sino yung kausap ni Hyung?" Tanong nya sa sarili nya saka tumakbo papalapit sa hyung nya.

"Hyung!" Nilingon naman sya ni Yoongi at mukhang nagulat ito.

"Sino yun?" Tanong nya sa nakakatanda pero inakbayan sya nito at naglakad na sila paalis.

"Wala yun, isang fan lang na nanghingi ng yakap" sagot ni Yoongi sa kanya.

-----
Kilala nyo na ba kung sino si Yoora?

"Hello! Abangan nyo po ang pagbabalik ko ok?" -Han Eun-ah

Hold Me TightWhere stories live. Discover now