xi

2.1K 176 168
                                    

xi

Someone's POV

Mabilis syang tumakbo palayo sa lugar na iyon. Pakiramdam nya kung magtatagal pa sya sa lugar na iyon ay ikamamatay nya dahil sa sakit na nararamdaman nya.

Takbo lang sya ng takbo kahit na nanlalabo na yung mga paningin nya dahil sa patuloy na paglabas ng mga luha nya. Hindi na din nya ininda yung mga tumatama sa kanya na kung ano-ano, basta ang gusto nya lumayo kung nasaan yung taong patuloy na nananakit sa kanya ngayon.

Ng mapagod ang mga paa nya sa kakatakbo ay napatigil na sya hanggang sa mapaupo na sya. Hindi na kaya ng mga paa nya na tumakbo pa, hindi na rin kaya ng mga mata nya dahil punong-puno na ito ng mga luha at mas lalong hindi na kaya ng puso nya yung sakit na nararamdaman nya ngayon.

Hindi nya alam kung saang lugar sya napunta dahil sa pagtakbo nya, ang alam lang nya ay kailangan nyang ilabas yung nararamdaman nya. Tumayo sya at dahan-dahang lumapit sa isang puno para kumuha ng suporta. Pinunasan nya ang mga pisngi nya gamit ang mga palad nya pero patuloy pa rin itong nababasa dahil sa pagtulo ng mga luha nya.

"Ahhhhh!!!!!!"" Sigaw nya sa kawalan, pakiramdam nya sasabog ang dibdib nya dahil sa sobrang sakit nun.

"Waegure Jungkook, wae?!" Sobrang bigat dahil sa mga nakita ang narinig nya kanina.

Paulit-ulit sa isipan nya ang ginawang paghalik ni Jungkook sa babaeng katabi nya. Kung paano nito ipilit na ok lang na halikan nya yung babaeng mahal nya sa harap ng maraming tao, sa harap nya.

Sinabunutan nya ang sarili nya, ayaw na nyang maalala ang eksenang iyon pero mukhang nananadya ang isip nya dahil paulit-ulit nya itong nakikita.

"Pabo-yah! Yoora pabo-yah!" Sabi nya habang pinupukpok ang ulo nya gamit ang dalawang kamay nya.

"Yoora pabo-yah" muli syang napaupo at doon umiyak ng umiyak.

Maya-maya ay may humawak sa mga braso nya at itinayo sya. "Sinabi ko na sayo diba? Wag ka ng pumunta dito! Wag mo ng pilitin ang sarili mo na na kaya mo na syang makita ulit ng hindi nasasaktan! Kasi kung ganito lang din naman Yoora, hahayaan mo syang saktan ka ulit dahil sa katangahan nya edi sinayang mo lang lahat ng pagod mo! Yoora tama na!" Sigaw nung tao sa harap nya. Nagtama ang nga pangingin nila at kita sa mga mata nito na nasasaktan ito dahil sa kanya. Nasasaktan ang taong ito dahil sa paulit-ulit nyang pagpapakatanga.

"Hindi ka ba naawa sa sarili mo? Kasi ako awang-awa na sayo Yoora!" Dagdag pa nito. Napayuko naman si Yoora dahil sa mga sinabi ng kausap nya. Alam nyang kasalanan din naman nya pero hindi nya lang talaga kayang kontrolin ang nararamdaman nya.

"Mianhe, jeongmal mianhe" sabi nya, lumapit sya dito ay yumakap dito.

"Mianhe, ....-ah mianhe"

------
"Halika dito!" Yaya kay Yesung ng isang matandang babae habang nag-aayos sya ng mga gamot na gagamitin ni Hanuel para sa mga pasyente nya mamaya. Hinawakan sya nito sa braso at napatingin sya kay Hanuel na nakaupo na sa upuan nya ngayon, aangal pa sana sya dahil hindi pa nya naayos yung mga gamot pero pinaalis na rin sya ni Hanuel.

Dinala sya yung matanda sa isang grupo ng nga kabataan at matatanda.

"Nakikita ko sayo na magaling kang kumanta kaya kantahan mo naman kami iha" sabi nung matanda. Nakapaikot sa kanya yung mga bata at matatanda at nakaupo rin si Jimin, Taehyung, Somi, Eun-ah, Yoongi, Hoseok at Jungkook doon. Nakaramdam naman ng hiya si Yesung dahil sa sinabi ng matanda, matagal na syang tumigil sa pagkanta at hindi din naman kagandahan ang boses nya. Nagsimula yung mga matatanda na bigyan sya ng beat pero ngumiti lang si Yesung at akmang aalis na ng pigilan ulit sya ng matanda at hinain muli sa gitna.

"Nahihiya ka? O sige ako muna" sabi nung matanda ay nagsimula syang kumanta ng isang old song at sinabayan din nya ng sayaw. Tumayo si Hoseok at Taehyung saka nakisabay sa matanda. Umupo naman si Yesung sa tabi ni Somi at nakipalakpak na lang. Nung matapos yung matanda ay may sumunod pang iba na kumanta. Si Eun-ah kumanta din, si Somi kahit medyo sintunado sya at nagduet naman si Jimin, Jungkook at Taehyung ng isa sa mga kanta nila.

Akala ni Yesung makakatakas na sya pero muli syang napansin ng matanda ay hinila muli sa gitna.

"Nakikita kong may problema ka, kumanta ka. Sinisigurado ko na gagaan ang pakiramdam mo, sige kanta na" utos sa kanya nung matanda. Napatingin naman si Yesung kay Somi at chineer sya nito.

"Ah, hindi talaga ako fan ng BTS pero dahil palagi tong pinapatugtog ni Somi ay nakabisado ko na, isa pa tugma yung meaning ng kanta sa pinagdadaanan ko. Mianhe, medyo panget ang boses ko"

Nan sumswigo sipeo i bami silheo
Ijen kkaego sipeo kkumsogi silheo
Nae ane gathyeoseo nan jugeoisseo

Don’t wanna be lonely
Just wanna be yours

Nagsimulang kumanta si Yesung at napatili naman si Somi dahil sa kinanta ng Unnie nya.

Wae iri kkamkkamhan geonji niga eopsneun i goseun
Wiheomhajanha manggajin nae moseup
Wuhaejwo nal nado nal jabeul su eopseo

Nae simjangsoril deureobwa
Jemeosdaero neol bureujanha
I kkaman eodum sogeseo
Neoneun ireohge biccnanikka

Lahat ay nakikinig lang sa kanta ni Yesung. Damang-dama nila yung emosyon na nais iparating nung kanta dahil sa magandang boses ni Yesung.

Geu soneul naemireojwo save me save me
I need your love before I fall, fall
Geu soneul naemireojwo save me save me
I need your love before I fall, fall

Habang kumankanta si Yesung ay ramdam nyang nakatingin sa kanya lahat at nakaramdam sya ng kaba pero nung makita nyang nakatingin sa kanya si Jungkook ay nawala lahat. Nawala yung kabang nararamdaman nya.

Geu soneul naemireojwo save me save me
Geu soneul naemireojwo save me save me

"Save me, save me" habang binibigkas ni Yesung ang mga salitang iyon ay nakatingin lang sya kay Jungkook na para bang para sa kanya ang kantang kinakanta iyon.

----
Simulan ko na bang ibunyag ang mga bagay-bagay?

Yay! Nasa Chapter 11 na pala tayo! Malapit na! Malapit ng matapos pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong maiisip na ending para kay Yoora at Jungkook.

Yung original ending kaya ng Noona? O kaya patayin ko na ng tuluyan si Yoora? Djks ha ha XD

Hold Me TightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon