Chapter 3: Confrontation

22.7K 417 9
                                    

Chapter 3: Confrontation

Hinanap ni Czarina si Jaeger sa buong school. Habang nag-lalakad ay pinag-titinginan siya ng mga kaschoolmate niyang babae at rinig na rinig niya ang mga pinag-uusapan ng mga ito.



"Oh M! Siya ang nang-away sa Prinsipe natin."

"Siya si Czarina Marie Sandoval, a.k.a. "The Poor Girl", isang waitress and gold digger slash prostitute."

"Wala siyang karapatan para awayin si Prince Jaeger."

"Hindi siya nababagay sa school na ito. Isa lang siyang commoner. Isang walang kaya sa buhay."

"I wonder kung ilang lalaki na ang kinarelasyon niya para lang mag-kapera."

"Scratch that. Ang dapat mong sabihin ay kung ilang mayayaman na lalaki ang kinarelasyon niya para pumantay sa atin."

"Hindi na ako mag-dududa kung pati matandang lalaki ay patulan niya, basta mayaman. Hahaha."

"And now... because of that, naisip ko lang kung virgin pa rin ba siya o hindi na. Hahaha."

"Naku Girl! I'm so sure na hindi na. She's a whore kaya. Damsel in distress. Gold digger."



Kahit nasasaktan ay pinabayaan na lang ni Czarina ang mga kaschool mate niya sa kadahilanang may mas mahalaga siyang pakay. Dire-diretsong nag-lakad si Czarina ngunit napahinto siya nang harangan siya ng tatlong babae.



"Ano na naman ba ang kailangan niyo sa akin Mendoza, Cruz at Villanueva?"

"Eww! Gross! Don't you ever try to tawag our surnames again. I'm Danielle, she's Autumn and last but not the least.... the most beautiful person in this school, Ysabelle."

"Wala akong oras sa mga kaartehan niyo kaya padaanin niyo na ako."

"You are so kapal Czarina! Wala kang karapatan na awayin si Prince Jaeger."



Nag-banting ang tenga ni Czarina nang dahil sa narinig niya ang pangalan nang kinaiinisan niya. Nag-buntong hininga na lang ito dahil ayaw na niyang madagdagan pa ang magulo niyang araw.



"You don't have a right para ganunin si Boyfie. You're just a commoner here in this school. So, watch your moves Darling."



Sa sobrang inis ni Czarina sa tatlo ay itinulak niya si Ysabelle.



"Sinabi na kasing padaanin niyo ako. Ang simple-simple na nga lang ng salita di niyo pa maintindihan."

"You're not only a commoner but also a big bitch."



Sa halip  na patulan ay dinaanan na lang ni Czarina sila Ysabelle at ang dalawang dakilang julalay nito. Itinuloy niya ang  pag-hahanap kay Jaeger.





Czarina's POV

Punyeta ka talaga Jaeger Bustamante. Humanda ka sa akin dahil  pag-nakita kita ipinapangako kong hindi ka na masisikatan pa ng araw. Nasan na kaya yung lalaking iyon? Ang sakit na ng paa ko. Bwiset talaga! Nang dahil sa kanya ay center of distraction ako. Nang dahil sa kanya mas lalo akong hindi titigilan ng tatlong maaarte. Nang dahil sa kanya... Aish!





Nag-lakad-lakad pa si Czarina. Nang makita na niya ang aura ni Jaeger ay sumigaw siya at dali-daling pinuntahan ang binata.


"Jaeger "YABANG" Bustamante a.k.a. "AROGANTENG YABANG"!"



Nagulat si Jaeger sa narinig niya. Kaya hinanap niya kung saan nanggaling ang sigaw na iyon. Lumingon siya sa kaliwa at nakatanggap siya ng isang malakas na sapak.



"Bubwit ka! Nang dahil sayo pinag-uusapan ako! Nang dahil sayo mas hindi na ako titigilan ng tatlong maaarte! Nang dahil sayo napag-kamalan akong gold digger at higit sa lahat inisip pa nila na isa akong prostitute, isang whore! And last but not the least... thanks for making me popular in a fucking way!"

"Ayaw mo nun?! Instant celebrity ka."

"Celebritihin mo yang mukha mong puro hangin!"

Ngumising aso si Jaeger. "Ganyan na ba ang pag-sasabi ng Thank you? Ang swerte mo pa nga eh."

"Swerte?! At bakit ako naging swerte? Nang dahil sayo kaya minamalas ako!!"

"Ang swerte mo dahil nakakausap at nalalapitan mo ako. Maraming babae diyan ang handang  mag-pakamatay para lang makausap at malapitan ako."



Hinawakan ni Jaeger ang gilid ng labi niya, iyon kasi ang napuruhan ni Czarina. Tiningnan niya ang kamay niya na ipinanghawak niya sa napuruhan ni Czarina at nakita niyang may bakas iyon ng dugo.



"Tingnan mo ang ginawa mo!"

"At bakit ko naman titingnan?!"



Lumapit si Jaeger kay Czarina at hinalikan niya ito sa pisngi atsaka niya binulungan si Czarina. "Pasalamat ka at hinalikan kita. Maraming babae ang nangangarap na mahalikan ako at ibubuwis nila ang buhay nila para mahalikan ko lang sila."



Umalis na si Jaeger at naiwang nakatulala si Czarina.

When the Princess in Disguise Meets the Arrogant Prince (EDITING)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora