Chapter 6: First day of work with my Arrogant Boss

21.7K 394 4
                                    

RING     RING    RING

BEEP     BEEP    BEEP    BEEP     BEEPP




Czarina's POV

Shit! Ano ba yan? Ang aga-aga istorbo. kaasar! Grrrrr. Anong oras na ba? (Tingin sa clock) 7:00 AM pa lang ahh...




BEEP    BEEP    BEEP    BEEP    BEEP


"Bwiset! Ang ingay! Mapuntahan nga ang taong lintek na nag-iingay sa umaga ko!" Padabog si Czarina na tumayo at pinuntahan ang lapastangang taong nag-iingay sa umaga.


Lumabas si Czarina sa pintuan at nakita niya ang isang BMW na itim. Nilapitan niya ito at kinatok niya ang bintana ng BMW.


"Good morning po. Ahmm... Pwede po ba wag kayong bumisina? Kasi ano eh... ang aga po disturbo kayo. Hehehe."


Bumaba ang bintana ng sasakyan at di maipinta ang mukha ni Czarina.


"Ikaw?!"

"Oo, ako nga."

"Anong ginagawa mo rito? Ang aga-aga nang-didisturbo ka."

"I'm just here to remind you."

"Remind? Remind me of what??" Naguguluhang tanong ni Czarina.

"I'm going to be your new boss. You'll work for me, starting today until the day that I die."

"Ang aga-aga pa. 10 AM pa ang work ko."

"Early bird catches the worms."


Pumasok na si Czarina sa bahay niya na inuupahan. Sinundan siya ni Jaeger.


"Ang liit-liit naman ng nirerentahan mo. One fourth lang ito kung ikukumpara sa CR ko."

"Kumpara your face! Bakit ka ba pumasok dito?"

"Ano ako Butler mo para pag-hintayin mo sa baba?"


Hindi na sinagot ni Czarina si Jaeger. Pinag-patuloy niya ang pag-liligpit sa mga gamit niya.


"Mga damit mo lang ang dadalhin natin. Alam ko naman na yun lang ang pag-mamay-ari mo. Mas mahirap ka pa kasi sa daga."


Hindi kinibo ni Czarina si Jaeger. Pinag-patuloy nito ang pag-papasok ng mga gamit niya sa maleta niya.


"Bilisan mo nga! Ang kupad mo!"

"Ito na oh! Tapos na po!"

"Good. Buhatin mo na yan."




Czarina's POV 

Letsugas na ampalayang papaitan! Ako ang mag-dadala ng mga ito? Hindi niya ako tutulungan? Napaka UNGENTLEMAN niya talaga. Tss.




Binuhat na ni Czarina ang dalawang malalaking maleta niya at isasakay na sana niya ito sa kotse ni Jaeger nang pigilan siya ni Jaeger.


"Oi! Huwag mo dyan ilagay sa kotse ko baka madumihan pa yan."

"Mukha bang basurahan ang mga maleta ko?"

"Hindi naman..... gaano. Alam mo kasi Czarina mahal itong sasakyan ko. Kaya iniingatan ko siyang huwag magasgasan. Alam ko namang wala kang maipambabayad sa akin maski mag-trabaho ka habambuhay kung sakaling magasgasan mo itong sasakyan ko."

"Eh saan ko naman ilalagay ang mga 'to?"

"May kasunod na sasakyan ang sasakyan ko. Doon mo iyan ilagay."


When the Princess in Disguise Meets the Arrogant Prince (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon