Chapter 11: Face Your Consequence

20.3K 358 10
                                    

"Anak ng pitumpu't pitong itim na kabayong nangangabayo!"

"Ano?"

"Kabayo ka!" Bulong ni Czarina sa sarili.

"Ha?"

"Kabayong nangangabayo. As in yah! Tigidig tigidig tigidig." Inarte ni Czarina ang ginagawa ng hinete.

"May kabayo bang nangangabayo?" Nakataas kilay na tanong ni Jaeger.

"Ewan ko sayo!" Tinalikuran ni Czarina ang binata at nag-simulang gumuhit sa kanyang sketch pad.

"May nakakalimutan ka ba?"

"Ano naman ang nakalimutan ko? Girl scout yata 'to."

"Consequence?" Ngiting asong saad ni Jaeger.

"Co... co---cornetto?" Napaharap si Czarina kay Jaeger.

"Stupid turtle. Sasabihin ko na ang consequence."

"Con.... con... con... se..... consequence? Nag-laro ba tayo ng spin the bottle para magkaroon ako ng consequence?" Ngumiti ng pilit si Czarina. Ramdam niya ang panlalamig niya at pag-papawis ng kanyang mga kamay at paa.

"Huwag mong sabihing..." Lumapit si Jaeger kay Czarina at nilapit nito ang mukha niya kay Czarina. Three inches na lang ang pagitan ng mga mukha nila. "nag-ka-amnesia ka na..."


Natulala si Czarina ng ilang segundo bago tuluyang itnulak palayo si Jaeger.


"Lumayo ka nga! Nakakapangilabot ka!"

"Nakakapangilabot ba ang kagwapuhan ko?" Nakangising wika ni Jaeger.


"Kagwapuhan mo?!" Mapang-hamon na wika ni Czarina.

"Oo." Nakangiting malapad si Jaeger.

"Gwapo nga mahangin naman." Mahinang saad ni Czarina.

"May sinasabi ka?"

"Wala!"

"Meron kang sinabi. Ano yun?"

"Wala nga!"

"Meron nga!"

"Wala!" Tumayo na si Czarina at hinarap si Jaeger.

"Meron!" Tumayo na rin si Jaeger tulad ni Czarina. Ngayon ay mag-kaharapan silang dalawa.

"Wala nga!! As in W - A - L - A!" Lumapit si Czarina kay Jaeger.

"MERON! Sabihin mo na sa akin ang sinabi mo. Dahil kung hindi.... you're dead." Lumapit din si Jaeger kay Czarina. This time sobrang lapit na talaga nila sa isa't-isa.

"Ikaw ang dead! Dead meattt!" Naka-close fist na si Czarina. Mahahalata mo sa kanya na hindi siya mag-papatalo sa binata.

"Gusto mo bang ma-torture?"

"At ano ang gagawin mong pang-torture?"

"Hindi mo makikita ang kagwapuhan ko simula ngayon." Nakangising saad ni Jaeger.

"Asa ka balbon!"

"Alam ko naman ang sinabi mo." Nag-evil smirk si Jaeger kay Czarina.

"Na--ri---nig mo?" Huminahon si Czarina dahil sa kabang nadadama. Napaatras siyang dahil sa sinabi ni Jaeger.

"Sinabi mo lang naman na gwapo ako at patay na patay ka sa akin." Confident na wika ni Jaeger.

Nang dahil sa sinabi ni Jaeger ay namula ang mukha ni Czarina. "Asa ka! Ang sinabi ko lang naman na 'HINDI KA GWAPO.' Mas gwapo pa si Gabe. Wala nang makakatalo pa sa kagwapuhan ni Gabe. For short 'ANG PANGIT MO!'"


When the Princess in Disguise Meets the Arrogant Prince (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon