Chapter 28: I'm Jealous

15.8K 297 11
                                    

"Czar..." Nilingon ko si Gabe na papalapit sa pwesto namin ni Hangin.

Tumigil sa pag-lakad si Gabe sa tabi ko saka ako tinitigan. "B-bakit?"

"Bakit ka namumula?"

Napatingin ako kay Jaeger na kasalukuyan ring nakatingin sa akin. Nakaramdam ako ng pag-kailang kaya naman bigla kong iniwas ang aking tingin kay Jaeger at kinausap si Gabe.

"Wala ito Gabe. Tara na." Hinila ko na si Gabe papuntang Cafeteria.

"Czar, sandali... Bakit ka ba nag-mamadali?"

Napahinto ako sa pag-lalakad ng dahil sa sinabi ni Gabe. "Mabilis ba ang lakad natin?"

"Oo."

Napakagat ako sa labi nang marealize na mujhang napabilis nga ang pag-lalakad namin. "Sorry."

Jaeger's POV

Ano ba 'to? Napaamin agad ako sa kanya. Nakakains! Bakit hindi niya ako sinagot? Bakit si Gabe na lang lagi? May gusto ba siya kay Gabe? Mahal ba niya si Gabe? Matatalo ba ni Gabe ang pag-mamahal ko kay Czarina? Mag-papatalo ba ako? Hindi.... Hindi ako mag-papatalo. May the best man win.

Nakita kong huminto sa pag-lalakad sila Czarina. Ginamit ko ang pag-kakataon na iyon upang tumakbo papunta sa kanila.

Nang makarating ako sa pwesto nila ay tiningnan ko si Czarina ngunit umiwas siya ng tingin.

"Czar, are you okay?"

Napalingon ako kay Acosta at mas lalo akong nakaramdam ng inis sa lalaking ito.

"Oi! Pre, nandyan ka pala."

"Ah...oo."

"Wala ka bang gagawin ngayon?" Tanong ko kay Acosta.

"Wala naman."

"Muntik ko na makalimutan. Pinapatawag ka nga pala ni Mr. Flores. May pag-uusapan ata kayo."

"Hmm. Nakausap ko na siya kanina."

"Nakausap m-----" Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang dahil kay Czarina.

"Gabe, bilisan na natin!" Hinila ni Czarina ang kamay ni Gabe at nag-lakad sila patungong Cafeteria habang mag-kaholding hands.

Sa sobrang inis na nararamdaman ko ay nakagay ko ang lower lip ko dahilan upang mag-dugo ito.

***end of Jaeger's POV***

Muli akong huminto sa pag-lalakad at nilingon si Gabe. "Gabe, sorry ah at hinila kita. Pasensya na kung kinaladkad kita. Pasensya na dahil absent minded ako." 

"It's okay, Czarina. Wala sa akin iyon."

"Pasensya na talaga."

Nagulat ako nang nilapit ni Gabe ang kanyang mukha sa akin.

"Tell me, something is bothering you... or should I say... there is someone----"

Agad kong inilapat ang aking hintuturo sa labi niya upang mapahinto siya sa pag-sasalita.

"Hold it. Mali ka sa iniisip mo."

Tinaasan niya ako ng kilay na ipinahihiwatig ang pag-disagree niya sa sinabi ko. Inalis niya ang hintuturo kong nakalapat sa labi niya saka ngumisi.

"Hmm. Ano ba ang mali sa iniisip ko?"

"Argh! Cut it off, Gabe. Hindi ka na nakakatuwa."

"Hmm. Alam mo ba kung sino ang hindi natutuwa sa nangyayari?"

"What do you mean?"

Muling inilapit ni Gabe ang kanyang mukha sa akin. Halos ilang pulgada na lang ang pagitan ng nga mukha namin.

When the Princess in Disguise Meets the Arrogant Prince (EDITING)Where stories live. Discover now