Chapter 24: Resignation letter

15.5K 305 4
                                    

"Czar, wala na daw tayong pasok. Half day daw tayo ngayon. May faculty meeting raw."

"Ah. Okay."

Nang tingnan ko si Shao ay nag-patuloy siya sa pag-tetext sa kanyang cellphone. Napailing ako saka itinuloy ang naantala kong pag-guguhit.

Malapit na ako matapos nang may malakas na tumapik sa balikat ko. Nang tingnan ko kung sino ang taong walang konsiderasyon sa lakas ng tapik niya ay nag-salubong ang mga kilay ko.

"Pagong uwi na tayo."

Ipinag-patuloy ko ang naantala kong ginagawa na tila ba ay walang kumausap sa akin.

"Ahem! Hi, Jae!" Pang-asar na bati ni Shaomei.

"Nasan yung Steven mo? Bakit wala dito iyong Boyfriend mo?"

"Tseh! Hindi ko pa siya boyfriend. Manliligaw ko pa lang siya. Napataas ang kilay ko sa sinabi ni Shao.

"Kung gumalaw kasi kayong dalawa parang kayo na." Napatango-tangi ako sa sinabi ni Hangin.

"Inggit ka? Gumaya ka. Maiwan ko na nga kayo." Kinuha ni Shaomei ang bag niya at nag-simulang mag-lakad.

"Did I hit the target?" Natatawang wika ni Jaeger.

Inirapan ni Shaomei si Jaeger. Baho siya lumabas sa pintuan ay tumikhim ito at nag-simulang kumanta. "Mahirap kasi ang TORPE. Lalalalala~ Oh~ TORPE~"

"Tara na hangin. Huwag mo na lang alalahanin yan. Inaatake na naman kasi iyan eh, nakalimutan niya yata inumin ang gamot niya." Tumayo na ako sa aking kinauupuan at kinuha ang bag.

"There's only One thing, Two do, Three words, Four you~ I love you. There's only one way, two say, those three words and that's what I'll do- I love you. I love you~"

Nang tumingin ako kay Shaomei ay nakita kong sumasayaw siya tapos tinuro turo niya si Jaeger. Hay. Nababaliw na naman ang babaeng ito. Masyadong malala na ang kanyang SS.

"Shao, friendly advice lang. Lumayo-layo ka kay Steven. Siya ang nag-tritrigger sa sakit mo. Kakalabas mo lang sa institution, baka ibalik ka kaagad."

"Czar naman eh!"

Iniwan na ng dalawa si Shaomei na nag-mamaktol.

***************

"Hangin, oh, para sayo." Binigay ni Czarina ang isang mailing envelope.

"Ano iyan?"

"Envelope?" Tumaas ang isang kilay ko dahil sa tanong niya. Nakita na nga niya ang envelope, mag-tatanong pa siya kung ano iyon.

"Anong laman ng sulat na 'yan?"

Nag-kibit balikat na lang ako. Ayaw ko na sumagot sa tanong niya dahil alam kong mahaba-habang question and answer ang mangyayari mamaya.

"Resignation letter to ah. Mag-reresign ka na ba?" Nakakunot noong tanong niya sa akin.

"Oo. May kailangan kasi akong gawin."

"Kailan ka aalis sa trabaho?"

"Sa Friday? Binigay ko lang iyan ng maaga." Pinag-masdan ko ang mga lugar at tao na nadadaanan namin.

"Pwede bang huwag ka na lang umalis?

"Jaeger, may mahalaga kasi akong gagawin.

"Mas mahalaga ba iyon kaysa sa akin?"

"Ano?" Nilingon ko siya at nakita kong seryoso ngayon ang mukha niya.

"Gaano ba iyon kahalaga?"

"Mahalagang-mahalaga."

When the Princess in Disguise Meets the Arrogant Prince (EDITING)Where stories live. Discover now