Chapter 10: She reminds me of her

17.5K 325 6
                                    

Jaeger's POV

Ahh. What the hell is happening to me? Ano ba yung mga pinag-sasabi ko? Hindi ko matiis na hindi bwisitin si Czarina sa isang araw dahil mas lalo siyang naiinis. Mas lalo ko naaalala siya sa kanya. Czarina reminds me of her. Ilang taon na rin lumipas simula nang iwan ako ng kababata ko. Ang kababata kong minahal ko ng sobra. Years had passed simula nung umalis siya at wala na akong malaman na balita patungkol sa kanya. I guess she already forget me. She already did... Namimiss ko na siya ng sobra. Sa tuwing nakikita ko si Czarina, hindi ko mapigilan ang sarili ko. Nasasabi ko sa taong hindi siya ang matagal ko ng hindi sinasabi sa kanya. Darn!



Napatayo si Jaeger sa kanyang kama ng dahil sa pagkabigla.

"What are you doing here?"

"May ginagawa pala! Hoy! Bumaba ka na para kumain!"

"Are you giving a command?"

"Oo! Bakit aangal na  naman ba ang hangin sa weather forecast ko?" Nilagay ni Czarina ang dalawang kamay sa waistline niya.

"Tss! Sa susunod, huwag kang pumasok agad sa kuwarto ng may kuwarto. Scholar ka pa naman pero hindi mo alam ang salitang 'privacy'."

"Pasalamat ka kahit papaano ginagalang kita as my boss.  Kung hin——-"

"Mas mag-pasalamat ka kasi hindi kita pinapatalsik sa trabaho mo." Pag-puputol ni Jaeger sa sinabi ni Czarina.

Inirapan ni Czarina si Jaeger. "Hoy, Hangin! Ano yung sinasabi mo sa akin na 'Don't leave me. Stay with me?'" Tinaasan ng kilay ni Czarina si Jaeger.

"Just——- just——- forget about it." Tumayo si Jaeger mula sa pag-kakahiga sa kama at naupo sa study table nito.

"Ahh... alam ko na. Kumakanta ka ng 'Please don't leave me, let it go. For I don't love you anymore~' Kaso lang di mo alam ang lyrics kaya sinabi mo na lang na 'Please don't leave me, stay with me~'" Mapang-asar na saad ni Czarina.

Nakita niya ang pag-babago ng mukha ni Jaeger kaya hindi na niya mapigilan ang tumawa.

Tumayo si Jaeger saka hinarap si Czarina. "Leave my room, now!"

"Oo na! Aalis na. Peace, pikon na hangin!" Natatawang wika ni Czarina.

Umalis si Czarina sa kuwarto ni Jaeger habang kinakanta ang kantang Please don't leave me, let it go.

"Hoy! May consequence ka pa rin!" Habol ni Jaeger sa paalis na si Czarina.

Napahinto si Czarina sa kakakanta at napahinto rin siya sa pag-lalakad.

" Ano?!"

When the Princess in Disguise Meets the Arrogant Prince (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon