Chapter 9: Consequence

18.2K 342 5
                                    

"Good night, gusgusing payatot na alalay."

"Bwiset ka talagang hangin ka!"

"Matulog ka ng mahimbing dahil may consequence ka pang haharapin." Kinindatan ni Jaeger si Czarina na ikinapula ng mukha ng dalaga.



A/N: Yung consequence po na tinutukoy ni Jaeger ay nasa Chapter 5 po. ^__^

"Consequence?" Pag-lilinaw ni Czarina sa narinig.

"Di ba ayaw mo maniwala na ako na ang Boss mo?" Mayabang na saad ni Jaeger.

"Shit!" Naalala ni Czarina ang usapan nila noon ni Jaeger dahilan upang manginig ang kanyang katawan.

"Sleep tight..." Ngumiti si Jaeger saka nag-wink bago tuluyang talikuran si Czarina.





Czarina's POV

Oh-oh! Nasa big trouble na naman ata ako. Aahh! Bukas na niya ibibigay ang consequence ko. Sabado pa naman bukas.... Hay! Huwag sana niya akong pahirapan.





Sa kakaisip ni Czarina sa mga maaaring ipagawa sa kanya ni Jaeger ay nakatulog na siya.



"Czarina, gising!"

"Hmmmm..." Tumagilig si Czarinaat tinakpan niya ng unan ang kanyang mukha.

"Kapag hindi ka gumising diyan, hahalikan kita."



Biglang napatayo si Czarina sa narinig niya. Nawala ang antok niya.



"Anong kailangan mo?" Kinukusot-kusot ni Czarina ang kanyang mata habang nag-hihikab.

"Consequence?" Nakangiting saad ni Jaeger.



Nagising ang katawang lupa ni Czarina sa narinig niya. Naalala niya na naka-short siya ng maikli at nakasuot ng sobrang haba at maluwang na t-shirt. Tinulak ni Czarina si Jaeger palabas ng kwarto niya.



"Pwede bang hintayin mo muna akong mag-ayos?"



Lumabas si Jaeger sa kuwarto ni Czarina. Bago tuluyang isarado ni Czarina ang pinto ay may sinabi si Jaeger.



"Czarina, ngayon ko lang nalaman na may lahi ka palang mangkukulam at aswang."

"Argh! Go away!!" Pag-tataboy ni Czarina kay Jaeger.



Tinulak ni Czarina si Jaeger hanggang sa mailabas niya ito sa kanyang silid. Sinarado na ni Czarina ang pintuan. Inayos niya ang sarili pati na rin ang kuwarto niya.

Ilang sandali pa ay kumatok si Jaeger."Can I come in?"

"Pwede na." Sigaw ni Czarina.



Pumasok si Jaeger sa loob.



"Whoa~ Czarina, tumino-tino ang itsura mo ngayon. Kung kanina mukha kang mangkukulam at aswang, ngayong naman naging okay na.... naging ugly duckling ka na lang." Hinead to foot ni Jaeger ang tingin kay Czarina.

Huminga ng malalim at hinyaan na lang ang sinabi ni Jaeger. "Ano ba ang consequence?"



Lumapit si Jaeger kay Czarina at hinawakan nito ang kamay ni Czarina.

"Can you be my Girlfriend for at least one week?"

"WTH! Jaeger, are you insane?"

"Medyo... Hinawaan mo ako eh." Napakamot si Jaeger sa kanyang batok.

"Palitan mo nga yang consequence mo. Nakakapanindig balahibo eh."

"Okay." Lumungkot ang mukha ni Jaeger.

"Ano na?"

"As a consequence, I will not ask for your permission." confident na saad ni Jaeger.

"Oo na! Bilis! Siguraduhin mo lang na hindi yun nakakapanindig balahibo."

"Czarina... Don't leave me... Please, stay with me." Nakatingin si Jaeger sa mga mata ni Czarina.



Napangaga si Czarina sa sinabi ni Jaeger samanatalang si Jaeger ay nilisan ang kuwarto ni Czarina.





Czarina's POV

Anong nangyari doon? Nabangag ata? Nakasinghot ng rugby? Hay! Kailagan ko na talaga ng mental. Napapalibutan na ako ng mga taong mental.



Nag-basa lang ng nag-basa si Czarina sa wattpad hanggang naging 12 NN na. Bumaba na siya upang kumain at sundin ang iuutos ng boss niyang mahangin na naka-rugby.



"Czarina, anong nangyari kay Sir Jaeger? Kanina pa di bumababa. Tinawag ko para kumain pero ang sabi niya diraw siya makakakain, may ginagawa raw siya. Alam mo ba ang ginagawa niya? Puntahan mo nga doon. Anong klase kang assistant ni Sir?" saad ng kasambahay nila Jaeger na si Aling Nena.

When the Princess in Disguise Meets the Arrogant Prince (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon