Chapter 20: Like or Love?

16.3K 320 6
                                    

Czarina's POV

Damn! Bakit ko iyon ginawa? Waah! Nakakahiya naman. Hindi ko naman inisip na gawin yun pero nagulat na lang ako dahil ginawa ko na. Sinaniban ata ako ng pitong espirito kaya ko yun nagawa. Ano ba ang nangyayari sa akin? Noong una, hahalikan ko dapat siya sa pisngi ng hindi inuutos ng brain cells ko at sa kasamaang palad sa lips ko siya nahalikan. Hehehe.  Alam niyo ang lambot-lambot ng lips niya. Pero nakakahiya pa rin yung mga ginawa ko. Pangalawa ng ka-abnormalan na nagawa ko ay nung hinalikan ko siya sa pisngi as my birthday gift. Waah! I'm getting insane! Ayaw ko na mag-pakita sa kanya. Waahh! Baka sa susunod, pag-samantalahan ko na siya. Ayaw kong makasuhan ng attempted rape!

"Hoy! Panget aalis ako. Gusto mong sumama?"

"Ayaw! Umalis ka na!" Nag-taklob ng comforter si Czarina.

"Ano bang nangyayari sayo?" Nilapitan ni Jaeger si Czarina.

"Wala." Hinigpitan ni Czarina ang pag-kakahawak sa comforter.

Biglaang hinatak ni Jaeger ang comforter na nakabalot kay Czarina. Nakita nito ang namumutlang mukha ni Czarina.

"Bakit mukha kang na-jejebs?"

"Ayaw kitang makita! Layas! Kung 'di ka aalis, tatawagin ko sila Bonifacio at mag-kakaron ng himagsikan." Muling ibinalot ni Czarina ang comforter sa kanyang katawan.

"Sure ka bang kaya mong tawagin sila Bonifacio?" Muling hinablot ni Jaeger ang comforter ni Czarina.

"Oo! Bakit may problema?" Muling binalik ni Czarina ang comforter mula sa pag-kakabalot sa kanya.

Ngumisi si Jaeger. Ipinalantik nito ang kanyang daliri dahilan upang tingnan siya ni Czarina.

"Kasi sa pag-kakaalam ko ay patay na sila Bonifacio. Kung papaikliin mo.... kailangan mo munang mamatay bago mo sila matawag. Alam ko namang di mo sila kayang tawagin kasi una sa lahat takot ka sa multo."

Biglang tumayo si Czarina. Hindi na niya inalintala ang comforter na naiwan sa kama. "EWAN KO SAYO! ALIS NA! LAPASTANGAN!"

"Sure ka bang ayaw mong sumama? Maraming pagkain doon."

Nag-liwanag ang mga mata ni Czarina nang dahil sa narinig. "Pagkain?"

"Oo. Masasarap pa." Kinindatan ni Jaeger si Czarina.

"Sasama ako!" Malapad na ngumiti si Czarina.

Muling ngumisi si Jaeger. "Pagkain lang talaga ang kahinaan mo 'no? Hindi ko mawari kung bakit patpatin ka pa rin kahit na ang lakas-lakas mong kumain. May bulate ka ba sa tiyan?"

Binato ni Czarina si Jaeger ng unan."Tseh! Saan ba tayo kakain?"

"Pagkain na naman. Dapat ang itanong mo ay kung saan tayo pupunta at hindi yung saan tayo kakain."

"Pake mo ba? Sagutin mo na lang kasi."

"Sandoval Family."

"S-Sandoval?" Halos nawalan ng dugo ang mukha ni Czarina ng sabihin ang apelyidong nakakapag-bigay sa kanya ng kaba at takot.

"Yep. May pinapabigay kasi sila Mom sa kanila."

"You mean... Mrs. Eloisa and Mr. Nathaniel Sandoval?"

"Oo. Bakit may problema? Mag-bihis ka na. Aantayin kita sa baba."

"J-Jaeger k-kasi... m-m-masakit yung tiyan ko. Aray~" Hinawakan ni Czarina ang kanyang tiyan at namaluktot ito.

"Mag-bihis ka na! Tandaan mo marami silang pagkain doon."

"M-masakit. A-aray! Tiyan ko!"

"Kung hindi ka mag-bibihis, mapipilitan akong bihisan ka."

When the Princess in Disguise Meets the Arrogant Prince (EDITING)Where stories live. Discover now