Chapter 4: Wake up Czarina

21.3K 381 2
                                    

"Czarina Marie Sandoval! Wake up!" Inalog-alog ni Shaomei ang nakatulalang kaibigan. Ngunit hindi pa rin natauhan si Czarina kaya nag-slap ng finger si Shaomei.

"Hoy! Gising! WAKE UP CZARINA!"

"Huh--- Huhh?!"

"Buti naman at nagising ka na! Ano ba kasi ang nangyari? Nakausap mo ba si Jaeger?" Dire-diretsong tanong ni Shaomei na tila ba hindi siya napagod sa kinahaba ng tanong niya.



Czarina's POV

Bakit nung narinig ko ang last two lines na sinabi ni Shaomei ay parang nag-init ang mukha ko? Bakit parang iba ang nararamdaman ko?





"Hoy! Bruha! Natulala ka na naman! Alis na nga tayo. Maraming tao ang nakapaligid sa atin"



Tiningnan ni Czarina ang paligid niya at nakita nga niyang pinaliligiran na sila ng mga tao. Kaya hinawakan niya ang kamay ng nag-dadaldal na si Shaomei at kinaladkad niya ito paalis sa pwesto nila.



"Ano ba kasi ang nangyari?" Hindi na napigilan ni Shaomei ang mag-tanong kay Czarina.

"Shao pwedeng huwag ka na lang mag-tanong? Please...?"



Pumayag si Shaomei sa kagustuhan ni Czarina nang dahil sa malimit lang si Czarina mag-sambit ng salitang please.



Tumuloy na lang sila Czarina sa classroom nila. Nag-discuss lang ang mga Teachers nila at uwian na. Kaya dali-daling tumungo sila Czarina sa locker nila upang kunin ang damit nila. Nag-palit na sila ng damit at inilagay nila ang nasuot na uniform sa kanilang bag. Tumuloy na sila sa kanilang pinag-tratrabahuan - ang Restaurant.



Natapos na rin ang trabaho nila Czarina at umuwi na si Czarina sa kanyang tinitirhang apartment.

"Good evening Czarina. Sa Saturday na ang bayaran ng bahay." pag-papaalala sa kanya ng kanyang Landlord na si Mrs. Perez.

"Ah! Sige po sa Friday ko na lang po ibibigay ang bayad ko po sa renta. Ahmm... Una na po ako. Pagod po kasi eh. Hehehe."

"Ahh. Sige salamat Czarina. Good night."

"Good night din po. You're welcome po."



Tumuloy na si Czarina sa pag-pasok sa inuuupahan niya. Kumain, nag-linis ng bahay at ginawa na niya ang mga rituals niya bago matulog.



Papikit na sana ang mata ni Czarina ng mag-ring ang cellphone niya.



"Hello?"

"Anak."

"Ma, musta na po? Si Papa?"

"Okay lang kami ng Papa mo. Ikaw, Anak, kamusta ka na?"

"Okay lang po."

"Anak, nabalitaan naming nag-tratrabaho ka sa isang restaurant bilang waitress."

"Na-balitaan niyo Ma o pina-imbestigahan niyo ako?"

"Sorry, Anak. Czarina, bumalik ka na dito. Ayaw ka naming nahihirapan."

"Ma, sorry po pero mas gusto ko po ang buhay ko ngayon, mag e-18 na din po ako. Kaya ko na po ang sarili ko. Ma, ano po kailangan niyo?"

"Anak, mag-e-18 ka na. Gusto sana namin ng Papa mo na bigyan ka ng party."

"Pero Ma..."

"Please.. Anak..."

"Pag-iisipan ko po. Ma, matutulog na po ako, matulog na din po kayo. Good night Ma! I love you. Miss ko na po kayo ni Papa."

"We love you so much Czarina, Anak. Good night. Sweet dreams. Miss ka na namin ng Papa mo. Huwag mo masyadong pahirapan ang sarili mo. Tandaan mo nandito kami lagi. Kung may kailangan ka just give your Mama and Papa a phone call. Okay?"

"I will Ma."

"Anak, pag-isipan mo sana ang patungkol sa party mo."

"Opo."

Conversation ended



Pinikit na ni Czarina ang kanyang mata at nag-isip ng malalim nang biglang nag-ring ulit ang phone niya.

When the Princess in Disguise Meets the Arrogant Prince (EDITING)Where stories live. Discover now