Chapter 40: She's Pregnant

15K 221 2
                                    

Jaeger's POV

Sino ba si Gino Dela Vega? Sino siya sa buhay ni Pagong? Bakit siya naging special sa buhay ni Pagong? Bakit close siya sa magulang ni Czarina? Namimiss ko na si Pagong... Oo nga't nakakasama at nakaka-usap ko siya pero parang malayo pa rin ako sa kanya.


Bumaba ako sa sasakyan at nag-doorbell sa apartment ni Peishi. Lumabas si Peishi at pinapasok ako sa loob.





"Bakit ang tagal mo?"

"Traffic." Kibit-balikat kong tugon kay Peishi.

"Tss! Ang sabihin mo, sadyang nakalimutan mo lang ako dahil kasama mo si Czarina." 

Nag-buntong hininga ako bago ko siya tiningan. Pagod na rin akong makipag-sagutan sa kanya. "Sorry..."

"Bakit.... Bakit hindi na lang kayo ulit mag-kabalikan?"

"Mahirap." Diretso akong nag-tungo sa sofa at umpuo.

Nag-tungo si Peishi sa harap ko at humawak sa kanyang balakang. "Anong mahirap doon? Dahil ba sa may fiancee na siya? Hello?! Earth calling to you, Jae! Kung asawa nga nasusulot pa, what else pa kaya kung mag-fiancee lang? Isa pa, hindi naman nila mahal ang isa't-isa." 

"Paano ka?" Pagod ko siyang tiningnan. 

Dahan-dahan siayang naupo sa tabi ko at inihilig ang kanyang ulo sa aking balikat. " I'm fine Jae. Don't worry."

Pinikit ko ang aking mga mata at nag-buntong hininga. "Mahihirapan ka..."

"Jae.... I'll be fine." Naramdaman ko na may mainit na likidong tumulo sa aking dibdib kaya nilingon ko si Peishi. Nakita ko ang pag-tulo ng luha sa kanyang mata.

Hinawakan ko ang kanyang baba at dahan-dahan kong inangat ang kanyang mukha. Tinitigan ko sya sa kanyang mata at mula roon ay nakikita ko na nahihirapan siya. "Pei, hindi kita iiwan."

Pinikit ni Peishi ang kanyang mga mata at napabuntong hininga. Muli niyang minulat ang kanyang mga mata at mariin akong tiningnan. "Jae, first of all... Pinakawalan na kita. Second, hindi mo na 'to responsibilidad. Third, nakakahiya kanila Tita na papanagutan mo ang hindi mo naman responsibilidad."

"Alam na nila."

Kunot noong tiningnan ako ni Peishi. "A-ano?! Jae! Bakit mo sinabi?!"

"Pei, naiintindihan ka nila." Tumayo ako at nag-tungo sa kusina para kumuha ng isang basong tubig. 

Dali-daling sinundan ako ni Peishi at bakas sa pag-mumukha niya ang pagkainis. "Jae! Nang dahil sa pinag-gagawa mo, alam mo bang hindi lang si Czarina ang nasasaktan mo? Sinasaktan mo rin ang sarili mo."

Nag-salin ako ng malamig na tubog sa aking baso at sinagot siya. "Pei... Masaya na siya..."

"Paano mo nasabing masaya siya?! Jae! Alam ko ang nararamdaman niya! Masaya ang pinapakita niyang aura pero sa loob nito nasasaktan pa rin siya. Huwag mo akong pilitin na papiliin ka!"

"Ano?! Ano ba yang sinasabi mo?"

Marahas na nag-pakawala ng buntong hininga si Peishi. "Pumili ka.... Iiwan mo ang responsibilidad mo o sasabihin ko ang totoo kay Czarina?"

"Fvck! Pei.... Huwag mo akong papiliin. Responsibilidad kita! Naiintindihan mo ba yun?!"

"Jae.... Ayaw kong makitang nahihirapan ka." humikbi si Peishi at nakita kong tuloy-tuloy ang pag-daloy ng kanyang luha. Masakit sa akin na makitang nasasaktan si Peishi... Agad ko, siyang nilapitan at mahigpit ko siyang niyakap.

"Pei..."

"Naiintindihan ko... Kumain ka na ba?"

Bumitaw ako sa pag-kakayakap at dahan-dahang pinunasan ang kanyang pisngi. "Hindi pa."

When the Princess in Disguise Meets the Arrogant Prince (EDITING)Where stories live. Discover now