Chapter 12: Sorry - Get lost

17.4K 326 3
                                    

Nakita ni Jaeger si Czarina na nasa garden na umiiyak kaya nilapitan niya ito.

"Czarina."

Hindi siya nilingon ni Czarina kaya lumuhod si Jaeger at hinawakan ang kamay ni Czarina.

"I'm sorry.... I didn'—-" Hindi natuloy ni Jaeger ang sasabihin niya dahil tumayo si Czarina at tinulak siya ng malakas.

"You didn't mean that? Oh, come on, Jaeger! You did that for a purpose. And your purpose is to hurt me!"

"Czarina, I don't want to hurt you." Tiningnan ni Jaeger si Czarina sa mata.

"Oo nga pala, ang pinaka agenda mo pala ay ang ipahiya ako. Ano na ang susunod na gagawin mo? Ha! Sabihin mo na! Para naman makapag-handa ako at masakyan ko ang mga gagawin mo."

"Look, Czarina! I'm sorry. Hindi ko alam... Basta-basta na lang kumilos ang katawan ko nang hindi inuutos ng isipan ko."

"Yeah, right. That's not enough. I hate you! That's my first kiss and you stole it. I HATE YOU!  You're the worst man I ever met. Screw you up! Get Lost!"

Tumakbo na si Czarina paalis ng garden.

Jaeger's POV

I'm sorry Czarina. I hope you'll forgive me. I admit it. I'm a jerk, a big jerk. A dumbass. I'll promise Czarina.... I'll never ever let you cry again because of my stupid acts. Gagawin ko ang lahat mapatawad mo lang ako.

Gabe's POV

Czarina nasan ka na? Saan kita hahanapin?


Napahinto si Gabe nang makita niya si Czarina na nasa open field at naka upo sa isang bench.

"Czar."

"Gabe. What's up?"

"Are you okay?" Umupo si Gabe sa tabi ni Czarina.

"Oui. I'm fine."

"Ano... Czar... patungkol kanin——" Nag-aalangan si Gabe kung itutuloy niya ba ang kanyang sasabihin.

Huminga ng malalim si Czarina saka nilingon si Gabe at nag-bitaw ng isang ngiti. "Knock it off, Gabe. Okay na ako."

"Galit ka ba sa kanya?"

"Sa kanya? Hindi. Tampo? Oo. Inis? Sobra." Ibinalik ni Czarina ang tingin sa may fountain.

"G*** rin kasi ang aroganteng iyon eh."

"Hahaha. Oo, g*** nga siya. Pero... kung titingnan mo.... Okay lang naman siya eh. Hindi naman siya sira. Depekto, pwede pa." Muling nilingon ni Czarina si Gabe.

"Gusto mong kumain? Iba na kasi ata ang epekto ng gutom eh."

"Huwag na. Ayoko pa. Sogbu pa ako." Natatawang wika ni Czarina.

"Papansinin mo na ba siya?"

"Yung arogante kong boss? Wala naman akong choice kung hindi pansinin ko siya, di ba? Boss ko yun eh. Hayy... Pero hindi na muna ngayon. Day off muna ako. Pero bukas, oo, kakausapin ko na siya." Itinali ni Czarina ang kanyang buhok saka nag-pagpag sa kanyang palda.

"Ang oa mo talaga." Nakangiting wika ni Gabe.

Tiningnan siya ng masama ni Czarina. "OA agad-agad?"

Ginulo ni Gabe ang buhok ni Czarina. "You're cute. And that's one of the things I like about you. You're unique." Nakangiting wika ni Gabe.

Nag-katitigan ang dalawa sa isa't-isa.  Iniling-iling ni Czarina ang ulo nang makaramdam ng pag-kailang. "Siyempre ako pa. Ako kaya si the mighty Czarina Marie Sandoval."

"Hay, tama na nga iyan. Nahahawa ka na sa kahanginan ng boss mo."

"Haha. Sige na nga, tara na sa Cafeteria. Pero Gabe, atleast naman hindi ipo-ipo ang dating ko." Pag-tatanggol ni Czarina sa sarili.



Lumipas ang araw na hindi pinapansin ni Czarina si Jaeger at hindi rin nag-tatawag ng pansin si Jaeger sa school maski sa bahay nito.



Umuwi na si Czarina, nag-bihis at nag-basa ng story. Pass 6 PM na nang bumaba siya para kumain. Hindi na kailangan ni Czarina tumulong sa gawaing bahay dahil hindi niya iyon trabaho. Ang trabaho lang niya ay sundin at bantayan si Jaeger.


"Manang Betty, ako na lang po ang mag-huhugas. Sorry po kasi hindi ako nakatulong sa pag-luluto at pag-handa ng makakain."

"Naku Czarina, okay lang. Isa pa, tayo tayo lang ang nandito. Wala si Maam at Sir, nasa business trip. Si Sir Jaeger ay nag-pasabi na hindi na siya rito kakain ng hapunan at  baka malate raw siya ng uwi."

"Ahh. Ganun po ba? Eh di paano na po ba iyan, kumain na po tayo."

Kumain na si Czarina na kasama ang mga kasambahay nila Jaeger. Tumulong siyang mag-ligpit at siya na rin ang nag-presintang mag-hugas ng plato.

Matapos magawa ni Czarina ang mga gawain ay dumiretso na siya sa kanyang kwarto upang gawin ang mga seremonyas niya bago matulog.

When the Princess in Disguise Meets the Arrogant Prince (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon