Chapter 32: Meet your Fiancee

14.5K 260 6
                                    

"Anak are you ready?"

"Yup. Ma, where are we going?"

"Sa Resto natin."

"Bakit po?"

Ngumiti lang si Mama sa tanong ko.

Sumakay na rin si Daddy sa sasakyan at dumiretso na kami sa Head office ng Restaurant na pag-mamay-ari ng pamilya namin.

"Anak, i-apply mo rito lahat ng mga natutunan mo mula sa Tutors mo. Bilisan na natin at hinihintay na nila tayo."

Nag-buntong hininga ako at sinundan namin si Daddy kung saan ito patungo.

Huminto si Daddy sa isang table kung saan may dalawang taong nakaupo roon. Isang lalaki at babae na hindi nalalayo sa edad nila Mama.

Tumayo ang dalawa. Bunati ng babae sila Mama. "Mr. and Mrs. Sandoval, Good day."

"Good day, Mr. and Mrs. Acosta." Pormal na bati ni Daddy.

Teka...Acosta? Sounds familiar.

"Let's have a seat." Paanyaya ng lalaki sa kanila Daddy.

Nag-siupuan na kami. Bilog ang table at may anim na upuan rito. Sa leftside ni Daddy ay si Mr. Acosta at sa left side si Mr. Acosta ay ang asawa niya. Sa right side ni Daddy ay si Mama and next ang upuan ko. May isang bakanteng upuan sa pagitan namin ni Mrs. Acosta.

"How's your branch doing in Australia?" Tanong ni Dad

"It's great. We have closed the deal with Mr. Paccioli. By the end of this quarter, we are going to open another branch in Amsterdam with the partnership of Paccioli's Real estate Developer."

And as expected, business ang magigin topic nila sa pag-uusap na ito. Uminom ako ng tubig. Nang dahil sa pag-kauhaw ay naubos ko ang isang basong tubig. Lingid sa kaalaman ko ay nakatingin na sila sa akin.

"By the way is she your daughter?" Tanong ni Mr. Acosta.

"Yes." Sagot ni Dad.

"Hija, you're so pretty. Bagay na bagay kayo ng Anak ko." Nakangiting wika ni Mrs. Acosta.

"Good afternoon po. Ahm... Nabanggit po kanina na kayo po sila Mr. and Mrs. Acosta." Huminto ako sa pag-sasalita upang hintayin ang pag-kumpirma niya sa sinabi ko.

"Yes, hija. Why?"

"Kasi po may kakilala po akong Acosta rin. Gabriel Acosta po ang name niya. Related lo ba kayo sa isa't-isa?"

Tanging pag-ngiti lang ang isinagot sa akin ni Mrs. Acosta. Hmm... sa pag-kakaalam ko ay hindi mayaman si Gabe. So, hindi niya magulang sila Mr. Acosta. Pero it doesn't mean na mahirap si Gabe ay wala na silang mayaman na kamag-anak.

Czarina, maraming Acosta sa mundo. Hindi lang si Gabe at mga kamag-anak niya ang tanhing Acosta na nabubuhay. Jeez! Nakakahiya.

"Anak, may ipapakilala kami sayo. Sana hindi mo siya tarayan." Nakangiting wika ni Mama.

Nakakaramdam ako na hindi lang simpleng lunch ang mangyayari. Mukhang alam ko na ang sunod na mangyayari at kailangan kong umalis sa lugar na ito.

"Ma...." Nag-aalalang tawag ko sa aking Ina.

"Don't worry Anak." Ibinalik ni Mama ang atensyon niya sa mga kausap ni Daddy.

Sana tama si Mama na hindi ko kailangang mag-alala. Sana mali ako sa pakiramdam at iniisip ko.

"Nasan na nga ba ang Anak niyo?" Tanong ni Daddy kay Mr. Acosta.

"Nasa CR lang babalik din iyon."

When the Princess in Disguise Meets the Arrogant Prince (EDITING)Where stories live. Discover now